Natatandaan nyo ba ang mga ibat-ibang gawain na pagtulong sa pamilya ? Pwede nyo bang banggitin ang mga paraan ng pag tulong sa pamilya ?
Basahin ang mga salita na may gabay ng guro .
1.pagwawalis ng sahig 2.pagpunas 3.paghugas ng plato 4.pagtapon ng basura 5.pagpunas ng sahig
6.pagdilig ng halaman 7.pagligpit ng higaan 8.pagtutupi ng damit 9.pagsasampay ng dami 10.pagtulong sa pagluluto
11.Paglagay ng kurtina . 12.Pagpapakain ng alagang hayop 13.Pagpatay ng mga kasangkapan . 14.Pagbantay sa mas nakababatang kapatid .
Basahin ang slogan.
“ Tumulong ka , para sumaya ka !”
“Mga bata ang pagtulong sa mga gawaing pamilya sa tahanan ay isang mabuting gawain . Maaring tulungan din natin ang mga nakakatanda sa atin sa ligtas na paraan , ito ay kaya nating gawin sa araw-araw .”
Sabihin nyo kay teacher kung ito ay pagtulong sa ligtas o di ligtas na pamamaraan .
ligtas di- ligtas
ligtas di- ligtas
ligtas di- ligtas
ligtas di- ligtas
ligtas di- ligtas
ligtas di- ligtas
ligtas di- ligtas
May mga ligtas na gawin pa ba kayong alam na makaktulong sa mga nakakatanda sa atin ?
1.pag-akay sa matanda 2.pag-ayos ng buhok 3.pag-abot ng sapatos 4.pag-abot ng gamot 5.pag-ayos ng pagkain
6.pag-abot ng tubig at pagkain . 7.pag-aayos ng tv. 8.pagkuha ng damit
Ano ang pwedeng mangyari pag tayo ay gumawa ng gawain na hindi ligtas ?
Kumuha ka ng kapareha mo at magbigay ka ng isang ligtas at di ligtas na gawain upang matulingan ang mga nakakatanda .
DAY 2
Basahin ang mga salita .
1.pag-akay sa matanda 2.pag-ayos ng buhok 3.pag-abot ng sapatos 4.pag-abot ng gamot 5.pag-ayos ng pagkain
6.pag-abot ng tubig at pagkain . 7.pag-aayos ng tv. 8.pagkuha ng damit
Basahin ang slogan.
“ Tumulong ka , para sumaya ka !”
“Mga bata pag tayo ay nag bibigay ng tulong sa ligtas na paraan sa mga nakakatanda sa atin , ipinakikita natin na iginagalang natin sila .”
Ano ang gagawin natin bago tumulong sa mga nakakatanda ?
Ano ang mga gawain na hindi ligtas at hindi nakpag papakita ng respeto sa nakakatanda ?
1.Paggamit ng plantsa . 2.Paglaro ng mga nakalalason . 3.Paggamit ng mga matutulis na bagay. 4.Paggamit ng kuryente sa maling paraan .
Ano ang mga gawain na ligtas at nakpag papakita ng respeto sa nakakatanda ?
1.pag-akay sa matanda 2.pag-ayos ng buhok 3.pag-abot ng sapatos 4.pag-abot ng gamot 5.pag-ayos ng pagkain
6.pag-abot ng tubig at pagkain . 7.pag-aayos ng tv. 8.pagkuha ng damit
Bakit natin kailangan tulungan gamit ang ligtas na gawain ang nakakatanda bilang pag papapakita ng paggalang ?
Mga halimbawang sagot : 1.dahil matanda na sila at mahina 2.dahil mahal natin sila 3.gusto natin ipakita na nagpapasalamat tayo sa kanila 4.gusto natin silbihan sila 5.para hindi sila mahirapan 6.para hindi sila ma aksidente
Ipakita ang thumbs up kung nagpapakita ng pagtulong sa nakatatanda at thumbs down naman kung hindi .
1.Umiiling si Ren sa tuwing uutusan siya ng kaniyang lola .
2.Sa tuwing darating ang ama ni Mel ay inihahanda na niya ang tsinelas at damit ng kaniyang ama.
3.Madalas na si Len ang nagpapaalala sa kaniyang lolo ang pag-inom ng gamot .
4.Si Weng ang nagsasaksak ng telebisyon sa tuwing manonood .
5.Pinaglalaruan ni Don ang mga pang spray na ginagamit ng kaniyang ina sa mga insekto .
6.Pinupunasan ni Noy ang sahig kapag may basa o tubig na natapon .
7.Si Fat ang nagsasampay at nagtutupi ng mga damit nila .
Ano sapalagay nyo ang nararamdaman ng ating nakakatanda pag tayo ay tumutulong gamit ang ligtas na gawain bilang pag papapakita ng paggalang ?
Kumuha ka ng kapareha mo at iyong ibahagi ang ginangawa mong pagtulong sa nakakatanda bilang respeto sa kanila ?
DAY 3
Basahin ang mga salita .
1.pag-akay sa matanda 2.pag-ayos ng buhok 3.pag-abot ng sapatos 4.pag-abot ng gamot 5.pag-ayos ng pagkain
6.pag-abot ng tubig at pagkain . 7.pag-aayos ng tv. 8.pagkuha ng damit
Basahin ang slogan.
“ Tumulong ka , para sumaya ka !”
“Mga bata upang maipakita natin ang pag galang sa nakakatanda ay dapat mai-sagawa natin ang mga ligtas na gawain sa pagtulong sa kanila .”
Mayroon akong maikling kwento sa inyo . Umupo lang kayo at kumuha ng isang malinis na papel at lapis. Habang binabasa ko ang kwento , kayo ay guguhit ng mga bagay na sa tingin mo ay mahalaga sa kwento . Maaring iisa lang iguhit , mari rin nman madami .
May isang mabait at mapagmahal na pamilya na nakatira sa maliit na bahay .
Ang pamilya ay binubuo ng isang lolo, isang lola , isang ama, isang ina , at si Dino. Ang mga lolo't lola ay matanda na at nangangailangan ng tulong sa kanilang pangaraw-araw na gawain .
Sila ay nag hati-hati ng mga gawain upang ma alagaan si lolo't lola . Kapag si Dino ay nasa bahay , siya ang nag bibigay ng tubig sa kanila .
Binibigyan din niya ng pag kain . Kapag gusto manood ng tv nila lolo't lola , si Dino ang nag aayos nito . Bago matulog , inaayos ni Dino ang kanilang higaan .
Mahal na mahal ni Dino ang kanyang mga lolo't lola , nakikinig siya sa kanilang mga kuwento at nakikipaglaro din siya sa kanila .
Siniguro ng pamilya na alagaan ang kanilang lolo't lola . Sabi ng mga magulang ni Dino ay tungkulin nilang alagaan si lolo’t lola sa kanilang pagtanda at mahalagang ipakita sa kanila ang pagmamahal at paggalang . Ang mga lolo't lola ay nakakaramdam ng saya at pagpapahalaga , batid na hindi sila nag- iisa sa kanilang katandaan .
Sagutin ang mga tanong .
1.Sino-sino ang nakatira sa maliit na bahay ? 2.Ano ang ginagawa ni Dino para sa kanyang lolo at lola ? 3.Bakit ginangawa ni Dino ang pagtulong
1.Ano ang sinabi ng nanay at tatay ni Dino tungkol sa pagalaga sa lolo at lola ? 2.Ano ang nararamdaman ng lolo at lola pag sila ay tinutulungan ng pamilya ? 3.Ano sapalagay mo ang dapat mong gawin sa mga nakakatanada sa inyong bahay ? bakit ?
May naiguhit ba kayo habang nag kwento ako ? Ano ang ginuhit mo ? Bakit yan ang pinili mong iguhit ? Ano ang kahalagahan ng guhit mo sa kwento ? Para sa iyo ?
Ano ang natutunan nyo tungkol sa pagtulong sa nakakatanda bilang pag pakita ng respekto ? Kung ikaw ay magbibigay ng pamagat sa kwento , ano ang ibibigay mo ?
DAY 4
Basahin ang mga salita .
1.pag-akay sa matanda 2.pag-ayos ng buhok 3.pag-abot ng sapatos 4.pag-abot ng gamot 5.pag-ayos ng pagkain
6.pag-abot ng tubig at pagkain . 7.pag-aayos ng tv. 8.pagkuha ng damit
Basahin ang slogan.
“ Tumulong ka , para sumaya ka !”
“Mga bata upang tayo ay magkaroon ng matatag at mas malapit na kaugnayan sa mga nakakatanda ay dapat tayo ay tumulong sa ligtas na paraan sa kanila bilang pag galang .”
Gawin ang worksheets.
Bakit pag bibigay respeto ang pag tulong sa mga nakakatanda ? Bakit nagiging mas malapit ang kaugnayan natin sa mga nakakatanda pag tayo ay tumutulong sa ligtas na paraan ?
Bakit gusto mong tumulong sa mga nakakatanda ? Bakit ito simbulo ng respeto at malapit na kaugnayan ? Bakit ito mahalaga sayo ?
Sabihin ang iyong naramdaman habang ginagawa ang worksheet.