Umpukan: Uapan, Katuwaan, at iba pa sa Malapitang Salamuhan
Ang umpukan ay impormal na paglalapit ng tatlo o higit pang magkakakilala para mag usap nang magkakaharap .
Sa pangkalahatan , ito ay hindi planado o nagaganap na lang a bugsso o pagkakataon . Ang mga nagiging kalahok sa umpukan ay iyong mga kusang lumapit para makiumpok , mga di- sadyang nagkalapit-lapit , o mga niyayang lumapit .
Sa pagkakataong hindi kakilala ang lumapit , siya ang magsasabing isang usisero na ang tanging magagawa’y manood at making sa mga nag- uumpukan ; kung iya ay saabat , posibleng magtaas ng kilay ang mga naguumpukan at isiping siya ay intrimitida , atribida , o pabida .
Likas na sa umpukan ang kuwentuhan kung saan may pagpapalitan , pagbibigayan , pagbubukas-loob at pag-uugnay ng kalooban . Kagaya as tsismisan , walang tiyak o planadong daloy ang pag-uusapan sa umpukan .
Subalit di kagaya sa una , ang umpukan ay puwedeng dumako rin sa seryosong talakayan , mainit na pagtatalo , masayang biruan , malokong kantiyawan , at maging sa laro at kantahan .
Sa umpukan ng mga Pilipino’y , na minsa’y nauuwi a pikunan . Naniniwala si Enriquez (1976) na taal na sa maraming Pilipino ang pagkapikon dahil sa ‘ isang kulturang buhay na buhay at masigla dahil a pagbibiruan .
Ang paksa ng usapan sa umpukan ay hindi rin planado o pinag - isipang mabuti maaring tungkol sa buhay - buhay ng mga tao a komunidad , magkakaparehong interes ng mga nag- uumpukan , o mga bagong mukha at pangyayari sa paligid .
Minsan , kung sino ang dumaan malapit sa umpukan ay siyang napag - uusapan . Nangyayari ang umpukan hindi lamang sa kalye dahil madalas ding may nag- uumpukan sa paaralan (mga mag- aaral o guro), opisina (mga empleyado ), korte ( hurado at mga manananggol ), at batasan (mga kongresista o senador ).
Sa isang komunidad at maging sa iba’t ibang lugar sa loob nito kagaya ng paaralan at tambayan sa kanto , ang umpukan ay masasabing isang ritwal ng mga Pilipino para mapanatili at mapalakas ang ugnayan sa kapuwa . Ditto umuusbong at napapayabong ang diwa ng ating paki sa kapuwa .
Kumbaga , ang magkakaumpukan ay sinusubukang umugnay sa isa’t isa , may pakialam sa isa’t isa , at nagbabahagi at sumasagap ng mga impormasyon mula sa usapan ng mga magkakaumpukan bilang tanda ng kanyang pagiging kasapi ng pamayanang kinabibilangan at kanyang pakialam dito .
Dito rin naisaalin at napapalaganap ang mga kuwento ng bayan , ang mga lokal na pananaw , ang pagkaunawa sa mga katutubong kaugalian , at ipa bang salik na panlipunan at kultural na reyalidad . Ang salamyaan ay isang halimbawa ng tradisyon kung saan tampok ang umpukan .
Pinag aralan ni Petras (2010) ang salamyaan sa Marikina bilang pagpopook sa siyudad sa kamalayang - bayam ng mga mamamayan nito .
Bukod sa kainan , kantahan at paglalaro ng Bingo, isa rin sa mga itinatampok sa salamyaan ang umpukan na may kahalo na ring timisan , talakayan , baliktaran , biruan at iba pa na nagaganap sa isang ilungan o tambayan .
Binigyang pansin ni Petras (2010) ang kahalagahan ng salamyaan bilang talastasang bayan kung aan nabubuo at napapalaganap ang mga salaysay mula sa loob , namamayani ang diwa ng pagkakapantay-pantay sa mga kalahok , at napapasigla at napapatibay ang ugnayan at samahan ng mga Marikenyo bilang kapuwa .
Nabanggit din niya ang pagkabuo ng mga salamyaan “ mula sa umpukan ” ng mga Marikenyong magkakatulad ang “ interes at hanapbuhay ”.
Marami pang ibag katuturan ang umpukan . Sa karanasan ng mga boluntir ng Ugnayan ng Pahinungod /Oblation corps (UP/OC), ang programang pamboluntaryong serbisyo ng Unibersidad ng Pilipinas Los Banos (UPLB), mahalagang paraan ng pakikibagay sa mga tao a isang komunidad ang pakiumpok .
. Sa umpukan , nakikilala at nakakapalagayang - loob ng mga boluntir ang mga taong katuwang nila sa mga gawaing pamgkaunlaran sa pamamagitan ng pakikinig at pakikipagkuwentuhan sa kanila .
Estratehiya naman ng ilang boluntir ng UP/OC na eksperto sa agrikultura ang makipag - umpukan sa mga magsasaka ng isang komunidad bago mag- almusal sa araw ng pagsasanay na nakaiskedyul sa isang komunidad .