KrisselleNortezTanga
5 views
10 slides
Aug 28, 2025
Slide 1 of 10
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
About This Presentation
GMRC 6
Size: 451.81 KB
Language: none
Added: Aug 28, 2025
Slides: 10 pages
Slide Content
GMRC 6 UNANG KWARTER- IKALIMANG LINGGO UNANG ARAW
Katatagan ng L oob sa R esponsableng P agdedesisyon
Pakikinig sa Isang Awit PAGSUBOK by Orient Pearl https://www.youtube.com/watch?v=aNeqK9IiN_Q&list=RDaNeqK9IiN_Q&start_radio=1
Patnubay na Tanong sa Paggawa ng Essay 1.Ano ang mensahe ng awiting inyong napakinggan? 2.Ano ang inyong naramdaman habang nakikinig sa awitin? 3.Anong linya ng awitin ang pumukaw sa inyong damdamin? Bakit? 4.Ano-ano ang dapat ninyong taglayin kung may mga pagsubok man kayong nararanasan? 5. Paano ninyo dapat tingnan ang mga pagsubok na inyong nararanasan sa buhay?
GMRC 6 UNANG KWARTER- IKALIMANG LINGGO IKALAWANG ARAW
Isang Hamon sa Buha y ni Joel
Nabuhay sa isang marangyang pamilya si Joel. Ang kaniyang mga magulang ay magkasamang naghahanap-buhay sa barko simula ng siya ay maliit pa lamang. Lahat ng kaniyang gusto ay nakukuha niya kagaya ng magagarang laruan, mamahaling damit at bagong sapatos.
Nararating din niya ang mga lugar na nais niyang puntahan. Nakakain niya ang lahat ng masasarap na pagkaing nais niyang kainin at nagagawa nyang ilibre ang mga kaibigan niya sa mga bagay na gusto nila. Walang siyang awa sa paglustay ng perang padala ng kaniyang magulang. Katwiran niya ay sa padalang pera na lamang niya nahahanap at nakukuha ang pagkalinga at pagmamahal na kaniyang hinahanap. Laki sa layaw at sunod sa luho, iyan ang larawang sasalamin sa batang si Joel.
Isang araw, habang siya ay kasama ng kaniyang mga kaibigan na abala sa paglalaro ng computer game sa isang Internet cafe, isang tawag ang kaniyang natanggap mula sa kanyang lola Maria. “Apo, madali ka munang umuwi sa bahay at may mahalaga tayong pag-uusapan”, wika ng kaniyang lola. Agad na sumunod si Joel sa bilin ng kaniyang lola.
Pagdating sa tahanan ay nagkakagulo ang mga tiyo at tiya ni Joel. Nag-iiyakan ang mga ito at sa kaniyang pagpasok sa pintuan ng bahay ay biglang huminto ang lahat. “Ano po ang nangyayari dito?” “Bakit kayo nag-iiyakan?” ang tanging tanong ng batang si Joel.