Mga Kagamitan sa Pananahi sa Kamay Learning Competency nasasabi ang gamit ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay EPP4HE-0b-3
Pangkatang Gawain: Bawat grupo ay magtatala ng mga kagamitan sa pananahi na kanilang nakita o naggamit na. Pagkatapos ng inilaan na oras sa gawain ay ibabahagi nila ang kanilang gawa sa pamamagitan ng pagsasakilos kung paano nila ito ginagamit sa harap ng klase .
Ito ang mga kagamitan sa pananahi : Bago gupitin ang telang tatahiin dapat ay sukatin muna ito gamit ang medida upang maging akma ang sukat nito . Gunting . Gumamit ng angkop at matalas na gunting sa paggupit ng telang itatapal sa damit na punit o damit na susulsihan . Ang karayom at sinulid ay ginagamit sa pananahi . Dapat magkasingkulay ang sinulid at tela o damit na tinatahi . Kapag ikaw ay nagtatahi lalo sa matigas na tela , gumamit ng didal . Ito ay isinusuot sa gitnang daliri ng kamay upang itulak ang karayom sa pananahi . Pagkatapos gamitin ang karayom sa pagtahi , mainam na ito ay ilagay sa pin cushion. 6. Itusok ang karayom sa emery bag kapag hindi ginagamit upang hindi ito kalawangin
EXPLAIN
ENGAGE
ELIXIT
EXPLORE
ELABORATE
EXTEND
EVALUATE
Sino- sino sa inyo ang gumagamit ng mga ito ? Ano-ano ang kadalasang ginagamit ninyo ? Paano ninyo ginagamit ang mga ito ? Anong kagamitan sa pananahi ang hindi niyo alam gamitin ?
Magbibigay ng oras ang guro sa mag- aaral upang masiyasat ang ibat - ibang uri ng kagamitan sa pananahi . Hahayaan ding magbigay ang ilang mag- aaral ng kani - kaniyang karanasan asa paggamit ng iba’t - ibang uri ng kagamitan sa pananahi .
Ano-ano ang mga kagamitan sa pananahi ? Paano ang mga ito gamitin ? Ano ang gagawin upang ito ay mapangalagaan ? Anong magandang kaugalian ng isang Pilipino ang ipinihihi-watig sa pananahi ?
Pag- uwi mo sa bahay , buksan ang lagayan ng iyong mga damit . Tingnan kung may mga sira ang damit at tahiin ang mga ito . Ipakita sa mas nakatatanda kung tama ang iyong pagtahi sa damit
Panuto : Bilugan ang titik ng napiling sagot . 1. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng tela . a. medida b. didal c. gunting d. emery bag 2. Itinutusok dito ang karayom kapag hindi ginagamit upang hindi kalawangin . a. sewing box b. pin cushion c. emery bag d. didal 3. Ginagamit ito sa paggupit ng tela . a. medida b. didal c. gunting d. emery bag
Panuto : Bilugan ang titik ng napiling sagot . 4. Upang hindi matusok ang daliri , inilalagay mo ito sa iyong gitnang daliri . a. medida b. didal c. gunting d. emery bag 5. Ito ay magkasamang ginagamit sa pananahi . a. karayom at sinulid b. didal at medida c. gunting at lapis d. emery bag at didal