Mga pangulo ng pilipinas

evesoriano 287,338 views 15 slides Jun 28, 2011
Slide 1
Slide 1 of 15
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15

About This Presentation

No description available for this slideshow.


Slide Content

Emilio Aguinaldo
Unang Pangulo ng Pilipinas

Emilio Aguinaldo y Famy
Pangulo ng Unang Republika

Naging pangulo ng bansa noong Enero 23, 1899 hanggang Abril 1, 1901. Isang tanyag na heneral
na nagsusulong ng kasarinlan ng bansa at namuno ng maraming pag-aalsa laban sa Espana
kasama ang nabigong rebolusyong noong 1896.

Para sa karagdagang impormasyon -Wikipedia
Manuel L. Quezon
Ikalawang Pangulo ng Pilipinas

Manuel Luis Quezon y Molina
Unang Presidente ng Commonwealth

Naging ikalawang Pangulo ng Pilipinas noong Nobyembre 15, 1935 hanggang Agosto 1, 1944.
Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas noong Agosto 19, 1878.
Kapwa mga guro ang kaniyang mga magulang na sina Lucio Quezon at Ma. Dolores Molina. Nakiisa
siya sa pakikibaka laban sa kastila noong siya ay binata pa.

Pumunta sa Wikipedia
José P. Laurel
Ikatlong Pangulo ng Pilipinas

José Paciano Laurel y García
Pangulo ng Ikalawang Republika

Naging pangulo ng bansa noong Oktubre 14, 1943 hanggang Agosto 17, 1945. Siya ay naging
pangulo matapos italaga ng Hapones sa ilalim ng kanilang pananakop. Matapos ang digmaan, siya
ay nahalal na Senador ng Ikatlong Republika

Para sa karagdagang impormasyon - Wikipedia
Sergio Osmena
Ikaapat na Pangulo ng Pilipinas

Sergio Osmeña y Suico
Ikalawang Pangulo ng Commonwealth

Naging pangulo noong Agosto 1, 1944 hanggang Mayo 28, 1946. Bago naging pangulo, siya ay
nahirang na bise-presidente noong 1935. Kasama siya nang bumalik si Heneral MacArthur sa
Pilipinas at nagsumikap na muling maibangon ang bansa sa pinsala ng digmaang nagdaan.

Pumunta sa wikipedia
Manuel Roxas
Ikalimang Pangulo ng Pilipinas

Manuel Acuña Roxas
Ikatlong Pangulo ng Commonwealth
Unang Pangulo ng Ikatlong Republika

Naging pangulo ng Republika noong Mayo 28, 1946 hanggang Abril 15, 1948. Nagtapos siya ng
abogasya sa UP at naging topnotcher siya sa Bar Exam noong 1912.

Para sa karagdagang impormasyon wikipedia
Elpidio Quirino
Ikaanim na Pangulo ng Pilipinas

Elpidio Rivera Quirino
Ikalawang Pangulo ng Ikatlong Republika

Naging pangulo ng republika mula Abril 17, 1948 hanggang Disyembre 30, 1953. Pagkatapos ng
digmaan, siya ay nahalal bilang bise presidente noong 1946 at nahirang na kapalit ng Pangulong
Roxas matapos itong pumanaw noong 1948.

wikipedia
Ramon Magsaysay
Ikapitong Presidente ng Pilipinas

Ramon del Fierro Magsaysay
Ikatlong Pangulo ng Ikatlong Republika

Naging pangulo ng bansa mula Disyembre 30, 1953 hanggang Marso 17, 1957. Hinirang na
"Tagapagligtas ng Demokrasya" sapagkat pinigilan niya ang paghihimagsik ng Huk. Nagpamahagi
rin siya ng mga lupain sa mga magsasaka. Siya ay pumanaw nang bumagsak ang kanyang
eroplano sa Cebu noong Marso 17, 1957 sa edad na 49.
Carlos P. Garcia
Ikawalong Pangulo ng Pilipinas

Carlos Polistico Garcia
Ikaapat na Pangulo ng Ikatlong Republika

Naging pangulo mula Marso 18, 1957 hanggang Disyembre 30, 1961. Humalili kay Pangulong
Magsaysay matapos itong masawi. Siya ang nagpasimula ng katawagang "Pilipino Muna" bilang
simbolo ng pagiging makabayan.
Diosdado Macapagal
Ikasiyam na Pangulo ng Pilipinas

Diosdado Pangan Macapagal
Ikalimang Pangulo ng Ikatlong Republika

Naging pangulo mula Disyembre 30, 1961 hanggang Disyembre 30, 1965. Kilala bilang "poor boy
from Lubao" dahil siya ay lumaki sa kahirapan. Siya ay naging tanyag dahil sa paglulunsad ng
Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan.
Ferdinand Marcos
Ikasampung Pangulo ng Pilipinas

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos
Ikaanim na Pangulo ng Ikatlong Republika
Unang Pangulo ng Ikaapat na Republika

Naging pangulo mula Disyembre 30, 1965 hanggang Pebrero 25, 1986. Marami siyang
naipagawang mga importanteng imprastaktura sa kaniyang termino. Noong Setyembre 21, 1972,
siya ay nagpatupad ng Batas Millitar sa bansa dahil sa kaguluhan tulad ng pambobomba sa Plaza
Miranda at paninira sa ilang pribado at pampublikong ari-arian. Pinakulong niya ang mga
bumabatikos sa kaniyang pamamahala kasama na ang mahigpit na karibal sa pulitika na si Benigno
'Ninoy' Aquino Jr.

Magbasa pa sa wikipedia
Corazon Aquino
Ikalabing-isang Pangulo ng Pilipinas

María Corazón Cojuangco-Aquino
Ikalawang Pangulo ng Ikaapat na Republika
Unang Pangulo ng Ikalimang Republika

Kauna-unahang babaeng presidente ng bansa mula Pebrero 25, 1986 hanggang Marso 25, 1986.
Tinaguriang "Ina ng Demokrasya" dahil sa pagiging instrumento sa panunumbalik ng demokrasya sa
bansa. Siya ay naluklok sa pamamagitan ng mapayapang "People Power Revolution".

Magbasa pa sa wikipedia
Fidel V. Ramos
Ikalabindalawang Pangulo ng Pilipinas

Fidel Valdez Ramos
Ikalawang Pangulo ng Ikalimang Republika


Naging pangulo noong Hunyo 30, 1992 hanggang Hunyo 30, 1998. Sa ilalim ng kaniyang
panunungkulan, nagtamasa ng paglago ang ekonomiya dahil sa mga repormang ipinatupad at
napabuti ang imahe ng Pilipinas sa internasyunal na larangan. Subalit hindi rin nagtagal ang pag-
unlad matapos na makasama ang bansa sa pagbulusok matapos na madamay sa "krisis
pampinansyal' ng mga karatig bansa sa Timog Silangang Asya noong 1997.
Joseph E. Estrada
Ikalabintatlong Pangulo ng Pilipinas

Joseph Ejercito Estrada
Ikatlong Pangulo ng Ikalimang Republika

Naging pangulo ng Pilipinas mula Hunyo 30, 1998 hanggang Enero 20, 2001. Kilala din siya sa
tawag na 'Erap', isang popular na aktor at pulitiko. Nagsimula ang kaniyang karera sa pulitika bilang
alkalde ng San Juan sa Kalakhang Maynila. Noong Enero 2001, iniwan niya ang pwesto ng pagka-
pangulo ng bansa dahil sa mga alegasyon ng korapsiyon.
Gloria Macapagal Arroyo
Ikalabing-apat na Pangulo ng Pilipinas

Maria Gloria Macapagal-Arroyo
Ikaapat na Pangulo ng Ikalimang Republika

Naging pangulo ng Pilipinas mula Enero 20, 2001 hanggang Hunyo 30, 2010. Siya ay anak ni
Pangulong Diosdado Macapagal. Isang propesor ng ekonomiks at nanilbihan sa pamahalaan noong
1987 bilang pangalawang kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya nang italaga siya ni
Pangulong Corazon Aquino. Siya ay naging senador (1992-1998) at pagkatapos ay naging
Pangalawang Pangulo ng bansa. Naging Pangulo siya ng bansa matapos na iwanan ni Presidente
Estrada ang pwesto noong 2001.

pumunta sa wikipedia .
Benigno S. Aquino III
Ikalabinlimang Pangulo ng Pilipinas

Benigno Simeon Cojuangco Aquino III
Ikalimang Pangulo ng Ikalimang Republika

Ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas at mas kilala sa tawag na "P-Noy" o Pangulong Noynoy.
Nahalal noong Hunyo 30, 2010. Siya ay ang nag-iisang anak na lalaki nina dating Senador Benigno
Aquino Jr. at Pangulong Corazon Aquino.
Tags