Kahulugan Ito ang tawag sa relasyon ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap .
Pokus ng Pandiwa Tagaganap Layon Ganapan Tagatanggap
Gamit Sanhi Direksyonal Resiprokal
Pokus sa Tagaganap ( aktor ) ang paksa ng pangungusap ang gumaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa Halimbawa : Lumikas ang mga nasalanta ng bagyo .
Iba pang halimbawa Namitas ng mangga sa kanilang puno si Rudy. Umawit ng Lupang Hinirang ang Sunis.
Pokus sa Layon ( gol ) ang layon o object ang paksa ng pangungusap Halimbawa : Ginagawa niya ang kanyang takdang-aralin .
Iba pang halimbawa Ido - donate ko ang aking ipon . Inilabas na ang bagong Iphone .
Pokus sa Tagatanggap ( benepaktib ) tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos na isinasaad ng pandiwa Halimbawa: Ipaglalaba ko ang aking nanay .
Iba pang halimbawa Ipagluluto niya ng karekare ang mga panauhin . Ipaghahanda ko ng party ang aking kaibigan .
Pokus sa kagamitan (instrumental) ang bagay na ginamit o naging kagamitan sa pagganap ng kilos Halimbawa Ipansusulat ko ang bolpen na bigay sa akin.
Iba pang halimbawa Ipambibili ko ng damit ang sweldo ko .
Pokus sa sanhi ang sanhi o kadahilanan ng kilos ang paksa Halimbawa Ikauunlad ng bayan ang kasipagan ng mamamayan .
Iba pang halimbawa Ipinagkasakit niya ang labis na pag-inom ng softdrinks .
Pokus sa Resiprokal Ang pokus ay tagaganap pa rin ngunit may kahulugang resiprokal ang pandiwa sapagkat ang kilos ay ginaganap nang tugunan ng mga tagaganap . Samakatwid , laging dalawang indibidwal o dalawang pangkat ang pokus ng pandiwa .
Halimbawa Nagsulatan si Florante at Laura. Nagtulungan ang mga magkakapitbahay .
Pokus sa Ganapan ( lokatib ) ang paksa ng pangungusap ay ang lugar na pinaggaganapan o pinangyayarihan ng kilos Halimbawa Pinaglanguyan ko ang batis na malapit sa amin .
Iba pang halimbawa Pinintahan niya ang pader .
Pokus sa Direksyunal pinagtutuunan ng pandiwa ang direksiyon o tinutungo ng kilos Halimbawa Pupuntahan natin ang Baguio.
Pagsusulit ____________ 1. Pinitas ni Gemma ang mga pulang rosas sa hardin . ____________ 2. Ang Bulkang Mayon ay kinamatayan ng mga dayuhang turista. ____________ 3. Ipagsaing mo na si Tatay para makakain na siya ng hapunan . ____________ 4. Ipinangguhit ko sa papel ang mga krayolang ito .
____________ 5. Ang mga basang damit ay isasampay natin sa bakuran . ____________ 6. Ako ay magsasanay sa paglalaro ng chess araw-araw . ____________ 7. Ang pagpintas sa kanya ng mga senador ay ikinagalit ng Pangalawang Pangulo Jejomar Binay . ____________ 8. Ipapanligo ni Juanita ang mainit na tubig .
____________ 9. Ang mga platong ito ay pagkakainan ng mga bisita sa salusalo . ____________ 10. Si Janice ay ibinili ko ng bagong uniporme at sapatos . ____________11. Sumayaw si John sa entablado ____________ 12. Taos- pusong humihingi ng paumanhin sa iyo si Roger. ____________ 13. Ang itim na salamin ay ipinambabasa ni Lolo Pedring .
____________ 14. Ang mga bata ay ipinaghain ng almusal bago sila pumasok sa paaralan . ____________ 15. Ikinababahala ng maraming mamamayan ang pagdami ng bilang ng mga krimeng nagaganap .
Sanggunian http:// www.germanlipa.de /text/ aganan.htm Makabagong Balarilang Filipino ni Alfonso Santiago at Norma tiangco
Susing Sagot Layon Ganapan / lokatib Tagatanggap / benepaktib Gamit / instrumental Layon / gol Tagaganap / aktor