Mga sinaunang kabihasnan na umusbong sa ating mundo

KenmaSano 0 views 65 slides Sep 12, 2025
Slide 1
Slide 1 of 65
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52
Slide 53
53
Slide 54
54
Slide 55
55
Slide 56
56
Slide 57
57
Slide 58
58
Slide 59
59
Slide 60
60
Slide 61
61
Slide 62
62
Slide 63
63
Slide 64
64
Slide 65
65

About This Presentation

ARALIING PANLIPUNAN 8


Slide Content

Yunit 2: Mga Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig Baitang 8 Araling Panlipunan

Lesson x.y Lesson Title Aralin 4 Mga Kabihasnan sa Mesoamerica at Andes Araling Panlipunan

Pagganyak na Gawain Pagtuklas sa Mesoamerica at Andes Obserbahan at suriin ang pisikal na katangian ng dalawang rehiyong ito. Ilarawan ang inyong mga napansin at isulat ito sa sticky notes . Pagkatapos, idikit ang inyong sticky notes sa pinakaangkop na bahagi ng mapa. Gumuhit ng linya mula sa inyong sticky notes patungo sa partikular na lokasyon ng mapa na inilalarawan nito.

4 Mesoamerica at Andes

Pagganyak na Gawain Pagtuklas sa Mesoamerica at Andes Ano ang mga pangunahing anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan sa Mesoamerica at Andes? Ano ang klima sa bahaging ito ng mundo? Sa inyong palagay, paano naapektuhan ng kalagayang heograpikal ang paraan ng pamumuhay ng sinaunang kabihasnang umusbong sa mga rehiyong ito?

Panimula Alam ba ninyo na ang sinaunang kabihasnang Inca ay nagtayo ng sistema ng kalsada sa itaas ng kabundukan ng Andes na mahigit 40,000 kilometro ang haba? Paano kaya ito nagawa ng mga tao sa sinaunang kabihasnan?

7 Pagkatapos ng araling ito, inaasahang matututuhan mo ang sumusunod: nailalahad ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa Mesoamerica at Andes nasusuri ang kalagayang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan sa Mesoamerica at Andes naipaliliwanag ang paraan ng pamumuhay, politika, kultura, lipunan, at pakikipag-ugnayan ng mga tao sa sinaunang sibilisasyon sa Mesoamerica at Andes naipagmamalaki ang mga kontribusyon at pamana ng sinaunang kabihasnan sa Mesoamerica at Andes Mga Layunin sa Pagkatuto

Pagpapahalaga Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang mapahahalagahan mo ang sumusunod: Pagiging mapamaraan Pagtanggap sa pagkakaiba-iba Pangangalaga sa kapaligiran

9 Mga Kasanayan sa Pagkatuto Ang araling ito ay naglalayong maabot mo ang sumusunod na mga kasanayan sa pagkatuto: nasusuri ang kalagayang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya at iba pang bahagi ng daigdig napatutunayan ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan ng mga tao sa pag-unlad ng mga kabihasnan

10 Mahalagang Tanong Paano umangkop ang sinaunang mga kabihasnan sa kanilang kapaligiran? Ano ang sinasabi nito tungkol sa ugnayan ng heograpiya sa kultura?

Pagtuklas na Gawain (Indibidwal) Kapaligiran at Paniniwala Suriin ang mga larawan batay sa impormasyong ibinigay sa inyo. Pag-isipan kung bakit malalim ang naging pagpapahalaga ng mga kabihasnang ito sa araw. Ilista ang inyong mga ideya sa inyong kwaderno.

12

13

Pagtuklas na Gawain 1 (Gabay na Tanong) Kapaligiran at Paniniwala Anong mga elemento ang napansin mo sa mga larawan na nagpapahiwatig ng pagpapahalaga sa araw? Sa iyong palagay, bakit sinamba ng mga sinaunang kabihasnang ito ang araw? Ano ang kaugnayan nito sa kanilang pamumuhay? Paano nakaimpluwensiya ang pisikal na kapaligiran sa paghubog ng mga paniniwala at relihiyon ng mga sinaunang kabihasnan sa Mesoamerica at Andes?

Pagtuklas na Gawain (Pangkatan) Lakbay Aral sa Sinaunang Lungsod Ang bawat pangkat ay itatalaga sa isang istasyon. Pagmasdan ang larawan ng lungsod ng sinaunang kabihasnan sa inyong istasyon. Batay sa inyong nakikita sa larawan, maghinuha kung paano umangkop ang kabihasnang ito sa kanilang pisikal na kapaligiran. Talakayin din kung bakit mahalaga ito. Maghandang ibahagi sa klase ang mga hinuha ng inyong pangkat.

16 La Venta (Olmec)

17 Chichen Itza (Maya)

18 Tenochtitlan (Aztec)

19 Machu Picchu (Inca)

Pagtuklas na Gawain 2 (Gabay na Tanong) Lakbay Aral sa Sinaunang Lungsod Anong mga elemento ng likas na kapaligiran ang makikita sa mga larawan? Paano ito nakaaapekto sa pag-unlad ng mga sinaunang lungsod? Anong mga uri ng estruktura ang itinayo ng mga sinaunang kabihasnan para umangkop sa kanilang kapaligiran? Paano nakatulong ang mga estrukturang ito sa pamumuhay ng mga tao sa sinaunang kabihasnan?

kasalukuyang Mexico at Gitnang Amerika mainit at mahalumigmig ang klima mainam ang lupain para sa agrikultura mayaman ang biodiversity Mesoamerica 21 Ang Pisikal na Kapaligiran ng Mesoamerika at Andes

kanlurang bahagi ng Timog Amerika bulubunduking Andes : pinakamahabang hanay ng bundok sa buong mundo malamig ang klima at limitado ang kapatagan mayaman sa mineral tulad ng ginto, pilak, at tanso Andes 22 Ang Pisikal na Kapaligiran ng Mesoamerika at Andes

“Ina ng Kultura” sa Mesoamerica 1200 BCE hanggang 400 BCE namuhay sa tropikal na kapatagan Pag-unlad 23 Ang Kabihasnang Olmec

24 Ang Kabihasnang Olmec Mga lungsod Pamahalaan Sistema ng pagsulat Sining at arkitektura Dibisyon ng Paggawa at Uri sa Lipunan San Lorenzo, La Venta, Tres Zapotes sentralisadong pamahalaan na hindi pa ganap na nauunawaan glyphs (hindi ganap na sistema ng pagsulat) mga eskultura (hal., mga higanteng ulo), mga gusali para sa ritwal at seremonya mga elit (pinuno at relihiyosong lider) at mga karaniwang tao (magsasaka, artisano)

25 higanteng ulo na gawa sa bato werejaguar

tugatog ng kaunlaran: 250 BCE hanggang 900 CE nanirahan sa kagubatan ng Yucatan Peninsula at paligid nito gumamit ng kaingin ( slash-and-burn technique ) Pag-unlad 26 Ang Kabihasnang Maya

27 Ang Kabihasnang Maya Mga lungsod Pamahalaan Sistema ng pagsulat Sining at arkitektura Dibisyon ng Paggawa at Uri sa Lipunan Tikal, Palenque, Copán, Chichen Itza estadong- lungsod na pinamumunuan ng hari; may komplikadong burukrasya sistema ng hieroglyphic na pagsulat maunlad na arkitektura (hal., mga piramide, palasyo), detalyadong mga eskultura, at mga fresco namumunong uri, nobilidad, mga eskriba, artisano, mga magsasaka, alipin

28 pagsulat gamit ang glyphs piramide sa Chichen Itza

ika-14 hanggang ika-16 siglo Lambak ng Mexico maraming lawa at ilog ngunit limitado ang lupaing mapagtataniman gumamit ng chinampa o floating gardens upang makapagtanim Pag-unlad 29 Ang Kabihasnang Aztec

30 Ang Kabihasnang Aztec Mga lungsod Pamahalaan Sistema ng pagsulat Sining at arkitektura Dibisyon ng Paggawa at Uri sa Lipunan Tenochtitlan, Texcoco, Tlacopan sentralisado ng imperyo na pinamumunuan ng isang emperador ( tlatoani ) mga glyph na pictographic at ideographic malalaking templo at piramide, masalimuot na mga eskultura, makukulay na mural emperador, nobilidad, mga pari, mandirigma, karaniwang mga tao, alipin

31 chinampa modelo ng lungsod ng Tenochtitlan

umunlad sa kabundukan ng Andes ika-14 hanggang ika-16 siglo umangkop sa matarik at mahirap na kapaligiran terrace farming Inca trail hinati sa mga suyu (rehiyon) Pag-unlad 32 Ang Kabihasnang Inca

33 Ang Kabihasnang Inca Mga lungsod Pamahalaan Sistema ng pagsulat Sining at arkitektura Dibisyon ng Paggawa at Uri sa Lipunan Cusco, Machu Picchu (at iba pa) estadong mataas ang sentralisasyon na pinamumunuan ng Sapa Inca walang tradisyonal na sistema ng pagsulat, ginamit ang quipu para sa pagtatala dalubhasang masonry, sistema ng daan, terasa sa agrikultura pinuno ng Inca, nobilidad, mga administrador, artisano, mga magsasaka

34 lungsod ng Cusco quipu

Paglalapat Amazon rainforest: bahagi ng rehiyong Andes pagkawala ng kagubatan dahil sa malawakang gawaing agrikultura, pagmimina, urbanisasyon pagkasira ng habitat nakaaapekto sa tradisyonal na pamumuhay ng mga katutubo Deforestation ng Amazon Rainforest

Paglalapat Anong ang epekto ng deforestation ng Amazon Rainforest? Anong aral mula sa sinaunang kabihasnan ang maaaring magamit upang tugunan ito? Sa anong paraan maaaring makatulong ang kaalaman tungkol sa sinaunang kabihasnan upang maitaguyod ang likas-kayang paggamit ng lupa sa kasalukuyan? Deforestation ng Amazon Rainforest

37 Sagutin Natin Piliin ang tamang sagot. Aztec Inca Olmec Maya Itinuturing na “Ina ng Kultura” sa Mesoamerica

38 Sagutin Natin Piliin ang tamang sagot. Aztec Inca Olmec Maya Itinatag ang kabeserang tinawag na Tenochtitlan

39 Sagutin Natin Piliin ang tamang sagot. Aztec Inca Olmec Maya Pinamunuan ng isang halach uinic o mataas na hari

40 Sagutin Natin Piliin ang tamang sagot. Aztec Inca Olmec Maya Lumikha ng mga floating gardens o chinampa

41 Sagutin Natin Piliin ang tamang sagot. Aztec Inca Olmec Maya Gumamit ng kalendaryong binubuo ng tatlong magkakaugnay na sistema.

42 Sagutin Natin Piliin ang tamang sagot. Aztec Inca Olmec Maya Nagpaunlad ng terrace farming

43 Sagutin Natin Piliin ang tamang sagot. Aztec Inca Olmec Maya Kilala sa paggawa ng higanteng ulo na gawa sa bato

44 Sagutin Natin Piliin ang tamang sagot. Aztec Inca Olmec Maya Sumamba kay Inti, ang diyos ng araw

45 Sagutin Natin Piliin ang tamang sagot. Aztec Inca Olmec Maya Itinayo ang lungsod sa isla sa gitna ng Lawa ng Texcoco

46 Sagutin Natin Piliin ang tamang sagot. Aztec Inca Olmec Maya Hinati ang emperyo sa mga suyu

47 Pag-isipan Natin Paano umangkop sa kanilang pisikal na kapaligiran ang mga kabihasnan sa Mesoamerica at Andes? Magbigay ng kongkretong halimbwa mula sa alinmang kabihasnan doon.

48 Pag-isipan Natin Paano nakaapekto ang heograpiya sa pag-unlad ng paniniwala o relihiyon ng mga kabihasnan ng Mesoamerica at Andes? Magbigay ng kongkretong halimbawa mula sa alinmang kabihasnan doon.

49 Pag-isipan Natin Sa iyong palagay, ano ang pinakakahanga-hangang ambag o pamana ng sinaunang kabihasnang ng Mesoamerica at Andes? Ipaliwanag ang iyong sagot.

50 Pagnilayan Natin Ano ang natutuhan mo tungkol sa pag-angkop ng mga kabihasnan ng Mesoamerica at Andes sa kanilang kapaligiran? Paano mo ito maaaring magamit sa kasalukuyang panahon sa konteksto ng iyong lokal na komunidad?

51 Pagpapahalaga Paano nakatulong ang pagiging mapamaraan ng mga sinaunang tao sa kanilang pag-angkop sa mga hamon ng kanilang kapaligiran? Paano ito maaaring maging inspirasyon sa pagharap sa mga kasalukuyang isyung pangkapaligiran?

52 Inaasahang Pag-unawa Ang mga sinaunang kabihasnan sa Mesoamerica at Andes ay umangkop sa kanilang kapaligiran sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kanilang kaalaman at pamamaraan sa agrikultura, arkitektura, at pamamahala ng likas na yaman. Ang mga pag-angkop ng sinaunang kabihasnan ay nagpapakita ng teknikal na kahusayan at malalim na pag-unawa at paggalang sa kanilang kapaligiran.

53 Inaasahang Pag-unawa Ipinakikita nito ang mahigpit na ugnayan ng heograpiya at kultura. Pinatutunayan nito na ang pisikal na kapaligiran ang nagbigay-hugis sa pang-araw-araw na pamumuhay, tradisyon, paniniwala, at organisasyon ng sinaunang lipunan. Ang pagkakakilanlang ito ang kanilang ipinamana sa mga sumunod na henerasyon.

54 Dapat Tandaan Ang mga heograpikal na katangian ng Mesoamerica at Andes ay nagbigay-daan sa paghubog ng kultura at ekonomiya ng mga sinaunang kabihasnan. Umangkop ang sinaunang kabihasnan sa iba’t ibang kalagayan gaya ng pamumuhay sa patag, sa gitna ng lawa, at sa matarik na kabundukan.

55 Dapat Tandaan Kilala bilang “Ina ng Kultura” sa Mesoamerica, ang Kabihasnang Olmec ay umunlad sa mga tropikal na kapatagan ng timog-silangang Mexico. Ang kanilang mga lungsod, tulad ng San Lorenzo at La Venta, ay nakinabang sa mga ilog para sa agrikultura at kalakalan.

56 Dapat Tandaan Ang Kabihasnang Maya ay nagtatag ng kanilang mga lungsod tulad ng Tikal, Palenque, at Chichen Itza. Gumamit sila ng pagkakaingin o slash-and-burn technique para palawakin ang kanilang sakahan. Pinagyaman nila ang kanilang kaalaman sa agham at astronomiya upang mapaunlad ang kanilang produksiyon.

57 Dapat Tandaan Ang Kabihasnang Aztec ay umunlad sa isla sa gitna ng Lawa ng Mexico. Lumikha sila ng chinampa o floating garden para tugunan ang limitadong lupaing maaaring pagtaniman. Itinatag nila ang Tenochtitlan na naging pinakamalaking lungsod at sentro ng kanilang politika, kalakalan, at kultura.

58 Dapat Tandaan Ang mga Inca ay namuhay sa rehiyon ng Andes. Pinaunlad nila ang sistema ng irigasyon at terrace farming upang masuportahan ang agrikultura sa matarik na kabundukan. Ang Cusco, ang kanilang kabesera, ay naging sentro ng kanilang politika, kultura, at relihiyon. Makikita rito ang komplikadong mga estrukturang gawa sa bato.

59 Dapat Tandaan Ang mga sinaunang kabihasnan sa Mesoamerica at Andes ay sumamba sa mga diyos na kumakatawan sa likas na mga puwersa ng kalikasan. Nagpapakita ito ng malalim na koneksiyon ng kanilang relihiyon sa kapaligiran. Ang mga ritwal at seremonya ay madalas na nakabatay sa likas na mga pangyayari.

60 Dapat Tandaan Ang mga sinaunang kabihasnan ay nagpakita ng malinaw na estratipikasyon sa kanilang lipunan. Ang pagkakaroon ng matataas at mabababang uri ay nagpapahiwatig ng organisadong sistema ng paggawa at pamamahala na nagbigay-daan sa pagpapaunlad ng mga impraestruktura at iba’t ibang gawain sa lipunan.

61 Kasunduan Tingnan ang mapa ng mga isla sa Karagatang Pasipiko. Pansinin ang pagkakapareho ng kapaligiran nito sa ating bansang Pilipinas. Batay sa inyong naipong kaalaman tungkol sa sinaunang kabihasnan sa pangkapuluang Timog-Silangang Asya at sa naging pag-unlad ng iba pang sinaunang kabihasnan, maghinuha tungkol sa paraan ng pamumuhay ng mga tao sa rehiyong ito. Ihanda ang inyong mga sagot para sa susunod na pagkikita.

62 Kasunduan

Slide no.: [name of file], by [Author] is licensed under [licensing code] via [source]. Slide 4 : Blue and Red litmus papers , by Kanesskong is licensed under CC BY-SA 4.0 via Wikimedia Commons . 63 Slide 7 : Ang 218 View from Inca Trail to Sun Gate Machu Picchu Peru 2486 (14977553069) ni bobistraveling ay sumasailalim sa lisensiyang CC BY mula sa Wikimedia Commons . Slide 5 : Ang Mesoamérica relief map with continental scale ni El Comandante ay sumasailalim sa lisensiyang CC BY-SA mula sa Wikimedia Commons . Slide 14 : Ang Aztec Calendar ni Horveyy ay sumasailalim sa lisensiyang CC BY-SA mula sa Wikimedia Commons . Slide 14 : Ang Machu Picchu, Peru ni Pedro Szekely ay sumasailalim sa lisensiyang CC BY-SA mula sa Wikimedia Commons . Slide 18 : Ang Chichen Itza-16 ni Dronepicr ay sumasailalim sa lisensiyang CC BY mula sa Wikimedia Commons . Slide 20 : Ang Machu Picchu maravilla del mundo ni Christian Morales Callo ay sumasailalim sa lisensiyang CC BY-SA mula sa Wikimedia Commons . Slide 24 : Ang SE Mesoamerican Formative Period sites ay sumasailalim sa lisensiyang CC BY mula sa Wikimedia Commons .

Ang San Lorenzo Monument 3 ni Maribel Ponce Ixba ay sumasailalim sa lisensiyang CC BY mula sa Wikimedia Commons .

Slide no.: [name of file], by [Author] is licensed under [licensing code] via [source]. Slide 4 : Blue and Red litmus papers , by Kanesskong is licensed under CC BY-SA 4.0 via Wikimedia Commons . 64