MGA URI NG MAMBABASA AT 10 INOBATIBONG ESTRATEHIYA NG PAGTUTURO NG MAKRONG KASANAYAN SA PAGBASA.pptx

AngelicaVallejo14 0 views 29 slides Sep 26, 2025
Slide 1
Slide 1 of 29
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29

About This Presentation

............................


Slide Content

MGA URI NG MAMBABASA

Siya ang mga mambabasang parang trapiko sa EDSA na sa sobrang bagal umusad , halos ilang buwan o taon bago matapos ang aklat . 1. Edsa

2. Kidlat Siya ang tipo ng mambabasang simbilis ng kidlat kung magbasa . Kaya niyang tapusin ang isang nobela sa loob ng ilang linggo o kaya isang upuan lamang .

3. Kolektor Siya ang mambabasang hilig mag- ipon ng mga aklat kahit hindi naman binabasa . Sa oras ng pangangailangan saka lamang ito bubuksan .

Ang mambabasang ito ang walang sawa at paulit-ulit sa pagbasa . Kung ang pagbabasa ay parang chewing gum na niluwa na ng iba dahil walang lasa samantalang siya ay nasisiyahan pa. 4. Wasuy

Siya ang uri ng mambabasang nakasentro ang lahat ng binabasa sa pananampalataya . Laging ibinabahagi sa kapuwa ang magandang balita . 5. Anghel

6. Robot Siya ang mambabasang higit ang pagpapahalaga sa mga aklat ng Agham at Matematika . Nilalamon ng libro ang wika niya kaya sinumang makakarinig ay magpapanganga .

7. Kiko Hango mula sa unang pangalan ni Balagtas . Siya ang mambabasang labis ang pagpapahalaga sa mga klasikong akdang pampanitikan . Malikhaing mag- isip tulad ng nababasa niyang akda .

10 INOBATIBONG ESTRATEHIYA NG PAGTUTURO NG MAKRONG KASANAYAN SA PAGBASA

Pagmamapa ng Kuwento Ang pamamaraang ito ay sumusuri sa mahalagang elemento o sangkap ng isang akda o teksto . Angkop na gamitin ito sa panunuri ng mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga pangyayaring bahagi ng panimula tulad ng tauhan , tagpuan , suliranin , tunggalian , gayundin ang bumubuo sa kasukdulan , kalakasan at ang naging wakas .

Maaari ding suriin ang paksang tinalakay , damdaming nangingibabaw , at ang mahalagang aral na napulot ng mambabasa . Ang pamamaraang ito ay tradisyunal na ginagamit sa pag-unawa ng binasa ngunit epektibong pamamaraan upang maikintal sa isipan ng mambabasa ang mga mahahalagang impormasyon . Nakabatay lamang ito sa pagkamalikhain ng guro kung paano niya ihahain bilang bago sa mata at panlasa ng mambabasa . Pagmamapa ng Kuwento

2. Paggamit ng Grapikong Presentasyon Ang paglalahad ng mga bahagi ng binabasang akda o teksto ay maaaring ilahad sa pamamagitan ng mga grapikong presentasyon tulad ng Venn diagram, Fishbone diagram, KWL chart, pagmamapa ng konsepto , talahanayan ng pangyayari at marami pang iba .

Ang nabanggit sa unang bilang hinggil sa pagmamapa ng mga elemento ng kuwento ay maaaring lapatan ng ganitong pamamaraan upang magkaroon ng kongkretong biswal na representasyon ang ugnayan ng mga inilahad na idea. Tandaang nakakapagod sa mata ang pagbabasa ng purong talata kumpara sa tekstong may kombinasyon ng hugis at grapiko dahil madali natin itong maaalaala . Paggamit ng Grapikong Presentasyon

3. Paggamit ng Komi ks Maaaring ituring itong pagkakataon upang maituro ang pagbasa sa estilong komiks partikular na sa panitikan . Maraming paraan upang maisakatuparan ito kahit walang kakayahan sa pagguhit . Maaaring kumuha ng mga larawan o kaya sikat na mga personalidad upang gamiting tauhan sa paglalahad ng pangyayari at gamitin ang diyalogong nakapaloob sa mismong akda . Sa pamamagitan nito , tiyak na makukuha ang kawilihan ng mga mag- aaral na magbasa sapagkat angkop ito sa kanilang panlasa .

4. Paggamit ng mga Imahen May kasabihan tayo na ang isang larawan ay katumbas ng libo-libong salita . Samakatuwid , maaari din itong gamiting estilo sa paglalahad ng teksto o kaya mga pangyayari sa isang akda . Ngunit nararapat isaalang-alang ang pagkakaroon ng preliminaryong pagbasa ng mga mag- aaral sa orihinal na teksto sapagkat ang mga larawang gagamitin ay pantulong lamang sa pag-unawa ng akda .

Hindi magkakaroon ng kongkretong pag-unawa kung tanging larawan lamang ang pagbabatayan . Nararapat na parehong may pagbatid sa teksto at imahen upang ganap na maunawaan . Paggamit ng mga Imahen

5. Paghuhula ng mga Pangyayari Ang pamamaraang ito ay maaaring ilapat sa pamamagitan ng paghahati - hati ng paglalahad ng pangyayari habang nagaganap ang pagbasa . Higit na mainam gamitin ang estratehiyang ito para sa mga mga mambabasang wala pang alam o hindi pa nababasa ang teksto sapagkat susuriin nito ang kanilang mapanuring pag-iisip .

Isa pang alternatibong halimbawa nito ang paghula ng isang bagay o simbolong maglalarawan sa kabuoan ng akda katulad na lamang ng ating karanasan sa panonood ng Maalaala Mo Kaya (MMK). Kailangang tapusin ang panonood upang mahulaan . Paghuhula ng mga Pangyayari

6. Pagbubuod ng Binasa Nakasanayan na sa mga gawain sa pagsulat ang pagbibigay ng lagom o buod sa isang binasang napakahabang teksto . Gayunpaman kabahagi ng estilong ito ang kasanayan sa pagsulat dahil pagbabatayan nito ang pangkaisipan o input na prosesong natamo mula sa pagbasa .

Ang pagbubuod ng binasang teksto ay maihahalintulad sa paglilikha ng mabilis na ruta matapos ang pagtahak sa mahabang daan ng paglalakbay . Sa madaling salita , nagagawa nitong makita ang pangkalahatang pag-unawa sa mahabang akdang binasa . Pagbubuod ng Binasa

7. Masining na Pagkukuwento Karaniwang nagaganap ang pagbasa sa paraang walang ingay at tanging koordinasyon lamang ng mata at isip ang nagaganap . Sa estratehiyang namang ito ay magkakaroon ng panibagong sangkap ng retorika o ang masining na pagpapahayag sa paraang pasalita .

Masining na Pagkukuwento Sa pamamagitan nito , makikita ang linyar na proseso ng ugnayan ng pag-unawang magsisimula sa teksto patungo sa isip ng mambabasa at sa paglalahad ng naunawaan ng mambabasa patungo sa mga tagapakinig .

8 . Pagrerekord ng ng Binasa Isang mabisa at epektibong estilo upang maunawaan at manatili ang mga impormasyong binasa ay ang pagrerekord ng pagbasa . Katulad na lamang ng pagsulat madali nating maaalala ang mga impormasyon batay sa mga ideang ating naitala . Ang kaibahan lamang nito , sa aktuwal na pagrekord ng pagbasa , ang pakikinig ang ating daluyan bilang alternatibong paraan ng pag-alaala .

Pagrerekord ng ng Binasa Angkop ito para sa mga mag- aaral na gahum ang kakayahang berbal kaysa biswal . Makatutulong din ito upang masuri hindi lamang ang nilalaman o impormasyong binabasa bagkus maging ang katatasan sa pagbigkas ng wika .

9. Pagtatanghal ng Binasa Ang pagtatanghal ng isang akdang pampanitikang binasa ang pinakakongkretong pruweba upang masuri ang naunawaan ng mag- aaral . Makalumang estilo na marahil ang ganitong estratehiya sa pagtalakay ng panitikan ngunit hanggang ngayon ay subok pa rin ng panahon .

Pagtatanghal ng Binasa Bukod sa pagtatanghal sa entablado ng pagsasadula , maaaring gamiting alternatibo ang paggawa ng maikling pelikula upang ilahad ang bahaging pangyayari ng akda . Sa panahon ngayong laganap ang vlogging at mga bidyo sa social media, nararapat lamang makipagsabayan sa teknolohiya upang bihisan ng panibagong anyo ang pagtatanghal at pagbasa .

10. Palarong Pagbasa Likas na sa tao ang paglalaro . Ito ang maitutuiring na pinakamasayang bahagi ng karanasan kung kaya nararapat lamang na iparanas ang pagbasa bilang isang nakalulugod at nakakalibang na kasanayan . Ang estilong ito ay nakabatay sa tradisyonal na tanong-sagot na pamamaraan at nagkakaiba-iba sa uri o antas ng tanong .

Maaring gamitin ang pagbasa bilang motibasyon upang mahikayat silang matugunan ang mga mapanghamong tanong . Nakakasalalay sa pagkamalikhain ng guro kung anong uri ng laro o gameshow ang kaniyang gagamitin upang mahikayat silang magbasa .

Salamat sa pakikinig !
Tags