Mga Uri ng Tayutay. Mga Uri ng Tayutay..

LoriemelDulayBugaoan 44,197 views 29 slides Feb 08, 2024
Slide 1
Slide 1 of 29
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29

About This Presentation

uri ng tayutay


Slide Content

LAYUNIN: 1. Natutukoy ang uri ng tayutay sa pangungusap. 2. Nakabubuo ng pangungusap gamit ang tayutay. 3. Napahahalagahan ang iba’t – ibang uri ng tayutay.

MGA URI NG TAYUTAY

Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapahayag na gumagamit ng talinhaga o di karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin. Ayon kay Tumangan (1997), ang tayutay ay di sinasadyang paglayo sa karaniwang paraan ng paggamit ng mga salita sa layuning gawing makulay, kaakit – akit at lalong mabisa ang pagpapahayag. Sapagkat ang magandang pagpapahayag ay siyang pangunahing layuninng retorika, karaniwang iniuugnay ditto ang paggamit ng mga tayutay. Ano ba ang Tayutay?

Di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing - , sim - , magkasing- , magkasim- , at iba pa. HALIMBAWA: Ikaw ay tulad ng bituin Ang puso mo ay gaya ng bato Ang mga pangako mo ay parang hangin Ang ulap ay kawangis ng mukha ng tao. SIMILI O PAGTUTULAD (SIMILE SA INGLES)

Tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig. Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, Gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. PAGKAKAIBA NG METAPORA SA PAGTUTULAD Ang METAPORA o (METAPHOR) ay naiiba lamang sa pagtutulad (simile) sa di paggamit ng mga salita o pariralang pagtutulad. PAGTUTULAD – Para kang baboy. (You are like a Pig.) METAPORA – Baboy ka! (You’re a pig!) HALIMBAWA NG METAPORA Si Elena ay isang magandang bulaklak. Ang kanilang bahay ay malaking palasyo. Si Inay ay ilaw ng tahanan. METAPORA O PAGWAWANGIS (METAPHOR SA INGLES)

Ginagamit ito upang bigyang buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao – talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang – diwa. Ang personipikasyon ay isang tayutay na nagkakapit ng katalinuhan at mga katangian ng tao sa mga bagay na walang talino tulad ng hayop, ibon at bagay. Tinatawag din itong pagtatao, pagsasatao o pagbibigay – katauhan Halimbawa: Humagulgol ang langit. Lumipad ang mga oras. Napangiti ang bulaklak sa aking pagdating. Sumasayaw ang mga bituin sa langit. PERSONIPIKASYON O PAGTATAO ( PERSONIFICATION SA INGLES)

Isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao. HALIMBAWA: O, tukso! Layuan mo ako! Araw, sumikat ka na! Kamatayan, nasaan ka? Wakasin mo na ang aking kapighatian. APOSTROPE O PAGTAWAG

ALITERASYON – Ang unang titik o unang pantig ay pare – pareho. Halimbawa: Pagod at pawisan siyang dumating na tila hinahabol ng palaso. 2. ANAPORA – Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay. Halimbawa: Babangon ang mga naaping ma mamamayan Babangon sila at pakikilabanan ang kanilang karapatan Babangon sila sa matagal na pagkakahimlay 3. ANADIPLOSIS – Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay. Halimbawa: Sumisilakbo pa rin sa kanya ang galit , Galit na matagal rin niyang sinikil , Sinikil niya ang damdamin upang hindi makasakit , Makasakit sa mahal niya at buong pusong iniibig. PAG - UULIT

4. EPIPORA – Pag – uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunod – sunod na taludtod. Halimbawa: Noong siya ay bata pa, Ang kanyang pag – iisip ay sa bata ; Ang kanyang mga kilos ay sa bata ; Ang kanyang pag-unawa ay sa bata ; Ngayong Malaki na, siya’y isa pa ring asal bata . 5. KATAPORA – Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan. Halimbawa: Siya ang nanalo sa patimpalak, sapagkat pinaghandaan ito ni Daniel.

Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan. Halimbawa: Namuti ang buhok ko sa kahihintay. Narinig ng buong mundo ang iyong pag – iyak. Abot langit ang pagmamahal ko sa iyo. PAGMAMALABIS O HAYPERBOLE

Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. Gumagamit ang onomatopeya ng kaugnay ng tunog o himig ng mga salita upang ipahiwatig nag kahulugan. Halimbawa: Malakas ang potpot ng kotse Narinig ko ang twit – twit ng ibon. PANGHIHIMIG O ONOMATOPEYA

Isang himig ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin. Halimbawa: Napakaganda niya kapag nakatalikod. Maganda ang boses niya… kasing – ganda ng kokak ng palaka. Para kang mahalimuyak na bulaklak…nagbabad ka ba sa pabango? Sa sobrang paglinis ng gobyerno sa ilog, ni isda walang nabubuhay. Ang tangkad mo…kahit baywang ni Gloria hindi mo maabot. Ang sarap ng luto sa karenderya nila…ang dami ko laging uwi para sa alaga kong aso. Kaya nga…sobrang talino mo walang nakakaintindi sa pinagsasabi mo. PAG - UYAM

Isang bagay, konsepto, kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit. Halimbawa: Ayaw kong makitang nakatungtong ang iyong paa sa aking pamamahay. Ayokong Makita ang iyong pagmumukha. SENEKDOKE O PAGPAPALIT SAKLAW( SYNECDOCHE)

Tulad ng pagbibigay – katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri. Halimbawa: Malungkot na umaga ang nararamdaman niya paggising. Kulimlim ang langit na nagbabadya ang ulan. Madilim ang kinabukasan para sa kanya at sa kaniyang pamilya mula ng iwanan sila ng kanilang ama. Ang ulilang silid ay naging masaya sa pagdating ni Lucy. Ang mapaglingkod na payong ay maingat na tiniklop ni Eleanor. PAGLILIPAT – WIKA O TRANSFERRED EPITHET

Isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli. BALINTUNAY

Pataas na paghahanay ng mga salitao kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas. Halimbawa: Nararamdaman na naming ang malakas na simoy ng hangin, ingay ng mga nangangaroling tuwing gabi, at makikita na ang mga napakaliwananag na mga ilaw sa mga kalye na nagsisimbolong malapit na ang pasko. Biglang nawala ang liwanag na sikat ng araw, dumilim ang kapaligiran, na nagsisimbulong paparating na ang bagyo. Biglang naliliwanagan, nabigyan ng pag-asa ang madilim na kahapon sa isang nabiktimang bagyong Ondoy. PASUKDOL O KLAYMAKS

Paggamit ng mga inihanay na pahayag ng damdamin kaisipan na may maliwanag na impresyon ng pagbaba ng tindi ng kahulugan o ng ideya. Halimbawa: Alaala niya tila lumayo, nawala at napawi. Nakipaglaban hanggang sa nawalan ng pag-asa. Pagsisikap ng magulang napawi sa pariwarang anak. ANTIKLAYMAKS

Gumagamit ng katagang “ Hindi” na nagbabadya ng pagsalungat o di – pagsang – ayon. Ito’y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin. Halimbawa: Siya ay hindi isang kriminal. Hindi niya magawang magsinungaling sa panahon ng kagipitan. Ang aking kapatid ay hindi isang taong walang dangal. PAGTANGGI O LITOTES

Hindi ito naghihintay ng kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng pag-aalinlangan. Halimbawa: May magulang bang nagtatakwil ng anak? May kaligtasan pa kaya si Elisa? Papawi pa ba ang sakit na kanyang naramdaman? RETORIKA NA TANONG

Sa pamamagitan ng halos iisang istruktura, itatag dito ang mga ideya sa isang pahayag. Halimbawa: Pook na karaniwan ay may tanawin ng mga damo at punong kahoy na ginagamit ng taong bayan para pasyalan. (parke) Kailangan natin ang bahay na tirahan , ang damit na kasuotan at ang pagkaing panlaman ng tiyan. PARALELISMO

Pagpapalit ng salitang mas magandang pakinggan kaysa sa salitang masyadong matalim, bulgar o bastos. Halimbawa: Kailangan nating bawasan ang mga empleyado. (Tanggalin sa trabaho) Malakas lumamon si Faith. (Malakas kumain) EUPEMISMO

Ito ay paglalahad ng mga bagay na magkasalungat upang higit na mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag. Halimbawa: Kailan nagiging tama ang mali? PAGTATAMBIS (OXYMORON)

Ito ang pagpapalit ng katawagan o pangalan sa bagay na tinutukoy. Halimbawa: Ang palasyo ay nag – anunsyo na walang pasok bukas. (palasyo – Presidente ng Pilipinas) PAGPAPALIT – TAWAG ( METONYMY)

GAMIT SA PAG-UUGNAY O PAGHAHAMBING 1. Simile 2. Metapora 3. Alusyon 4. Analohiya o paghahalintulad 5. Metonomiya o pagpapalit – tawag 6. Sinekdoke o pagpapalit - saklaw WASTONG GAMIT NG TAYUTAY

Hayperbole Apostrope o panawagan Ekslamasyon o padamdam GAMIT SA PAGLALARAWAN

Ironya o Balintunay Paradox o Salantunay Oksimoron Eupemismo o paglumanay Pagtanggi GAMIT SA PAGSASALUNGATAN

Personipikasyon o pandiwan – tao Paglilipat – wika (Transferred Epithets) GAMIT SA PAGSASALIN NG KATANGIAN

Onomatopeya o pasintunog Aliterasyon Asonansya GAMIT SA PAGSASATUNOG

Panuto: Bumuo ng pangungusap gamit ang tayutay mula sa bagay na iyong mapipili at tukuyin kung anong uri g tayutay ang ginamit sa binuo mong pangungusap.. Gawain:
Tags