Misyon ng Pamilya sa Edukasyon, Paggabay, at Pananampalataya .pdf

macristinasosa02 5 views 21 slides Oct 31, 2025
Slide 1
Slide 1 of 21
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21

About This Presentation

Misyon ng Pamilya sa Edukasyon, Paggabay, at Pananampalataya


Slide Content

Misyon ng Pamilya
sa Edukasyon,
Paggabay, at
Pananampalataya
Inihanda ni: Ma. Cristina Sosa
GRADE 8 ESP

Naalala mo ba si Aristotle,
isang kilalang pilosopo noong
unang panahon? Marami
siyang winika ng mga
mabubuting aral at gabay sa
buhay.
Pakikipagkapwa at Pananampalataya:
Natutuhan Muna sa Pamilya

Isa siya sa mga nagwikang ang
tao ay panlipunang nilalang.
Sinabi rin niya na ang mga tao
ay makapamilya at ang
kanilang kalikasang panlipunan
ay pangunahing bunga ng
pamilya
Pakikipagkapwa at Pananampalataya:
Natutuhan Muna sa Pamilya

Naniniwala ka bang
mabuti man o hindi ang
kahihinatnan, ang mga
anak ay bunga ng
pamilya?

Anuman ang iyong relihiyon
mapabibilib ka sa winika ng
dating Pope John Paul II na
ang karanasan sa pag-
uugnayan at pagbibigayan sa
pamilya ay dapat laging
nananatili sa araw-araw na
pamumuhay.

Ito ay nagpapakita ng una at
pangunahing kontribusyon ng
pamilya sa lipunan. Aniya ang
ugnayan ng mga kasapi sa
pamilya ay nagaganyag at
nagagabayan ng batas ng
"kusang pagbibigayan".

Ang Misyon ng Pamilya sa
Edukasyon, Paggabay, at
Pananampalataya
Nakasaad sa batas na
karapatan at tungkulin ng
mga magulang ang
magbigay ng edukasyon sa
kanilang mga anak.

Ibig sabihin nito ay wala itong
kapalit at hindi maaaring
mabago hindi pwedeng
ipaubaya o iasa ang tungkuling
ito sa iba.
Bago ka pa pumasok sa
paaralan, ang iyong pamilya na
ang natuturo sa iyo ng
sosyalisasyon o pakikipag-
ugnayan sa kapwa.

Ang edukasyon ang sinasabing
tanging pamana nila sa kanilang
mga anak kaya puspusang
nagsisikap ang mga magulang
upang mapag-aral ang mga ito

Kasama sa pagbibigay ng
edukasyon ang pagsasanay sa mga
anak ng mga pagpapahalaga tulad
ng simpleng pamumuhay, paggalang
sa dignidad ng kapwa, mabuting
ugnayan, malasakit, katarungan at
paglinang ng pananampalataya.

Ang tahanan ng bawat
pamilya ay mabuting
maging likas na lugar pang
espiritwal kung saan
natutuhan ang
pagpapahalaga sa Maylikha.

Walang isinilang na mayroon ng sistema ng
pagpapahalaga. Natututo tayo mula sa
pangangaral ng ating mga magulang at ng
iba pang kasapi ng pamilya.
Ang Pamilya bilang Paaralan
ng Pagpapahalaga

Habang tayo ay tumatanda, tumitibay ang
ating pagsasabuhay sa mga pagkatutong
ito na nagdudulot ng pag-unlad ng ating
pagkatao. Ang mga pagpapahalagang
naituro sa atin ay nagpapabuti sa ating
pagkatao.

Ang Pamilya ang Tagahubog
ng Pagkakabuklod
Isang kalakasan ng pamilyang pilipino ay
ang pagkakabuklod. Kahit na kung minsan
ay malayo sa pamilya ang ibang miyembro,
hindi pa rin nawawala ang kanilang
ugnayan sa pamamagitan ng iba't ibang
teknolohiya at gamit sa kasalukuyang
panahon

Kapag ang isang kabataang tulad mo ay natututo
sa isang pamilyang nagkakabuklod, malamang na
naipakikita mo rin ang kakayahang ito sa iyong
pakikipagkapwa. Ang mga kakayahang ito ay
nababatay rin sa apat na sumusunod na mga
palatandaan ng pagkakabuklod.

1. Marunong kang magpahalaga ng
mabuting ugnayan sa iyong mga
kaibigan, kaklase, at kapitbahay. Sila
ang mga palagiang nakakasama mo
sa labas ng iyong pamilya.

2. Dahil kabisado mo ang kultura ng
iyong kapangkat. Kabisado mo rin ang
sistema ng pakikipag-ugnay sa kanila.
Ito ay dahil natututo kang umunawa at
maging responsable sa iyong
pakikipag-usap, pagsunod sa mga
gusto, at pag-iwas sa mga ayaw ninyo
bilang nagkakaisang pangkat.

3. Tapat ka sa pakikipagkapwa
dahil gustong-gusto mong
makiisa at makilahok sa
anumang mithiing gusto niyong
marating.

4. Marunong kang kumilala o magpakita
ng mabuting pamumuno sa iyong
pangkat. Marunong ka ring sumunod
nang ayon sa napagkasunduan o
maaaring naiatang sa iyo bilang kasapi
ng pangkat.

Maghanda para
sa maikling
pagsusulit sa
susunod na
linggo.

MARAMING
SALAMAT!
Tags