Ito ay patungkol saikalawang bahagi ng Migrasyon ascascdx
Size: 1.79 MB
Language: none
Added: Sep 30, 2025
Slides: 25 pages
Slide Content
MODULE4 . Saloobin Tungkol sa Epekto ng Migrasyon Dulot ng Globalisasyon
Ang migrasyon ay may malaking impluwensiya sa mga kabataan. Ang linyang “Paglaki ko, mag-aabroad ako!” ay nagsasaad ng masidhing pagkagusto at pagnanais ng mga anak na mangibang-bansa para makapagtrabaho tulad ng kanilang mga magulang.
Ano nga ba ang saloobin tungkol sa epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon?
•Ang globalisasyon ay nagdulot ng mas mabilis na paggalaw ng tao, produkto, serbisyo, at impormasyon sa iba't ibang panig ng mundo.
•Isa sa pinakamalaking epekto nito ay ang migrasyon o paglipat ng mga tao mula sa isang bansa patungo sa iba upang maghanap ng trabaho, edukasyon, o mas magandang pamumuhay.
Mga Dahilan ng Migrasyon: •Kahirapan at kakulangan ng trabaho sa sariling bansa. •Mas mataas na sahod at oportunidad sa ibang bansa. • Edukasyon at karanasan na makukuha sa banyagang lugar. • Pagpupursige para sa mas magandang kinabukasan ng pamilya.
Mga Mabuting Epekto ng Migrasyon: •Nakakakuha ng mas mataas na kita at naipapadala ito bilang remittance sa pamilya. •Nakakapag-ambag sa ekonomiya ng sariling bansa. • Pagkakaroon ng karagdagang kasanayan at kaalaman mula sa ibang bansa. •Pagpapalawak ng kultura at pananaw dahil sa pakikisalamuha sa iba't ibang lahi.
Mga Hindi Mabuting Epekto: •Brain Drain - pagkawala ng mga propesyonal at eksperto sa sariling bansa. •Pagkawatak-watak ng pamilya (pag-alis ng magulang, epekto sa anak). • Diskriminasyon at pang-aabuso na nararanasan ng mga migrante. •Pagkakaroon ng dependency sa remittances kaysa sa lokal na hanapbuhay.
Saloobin ng mga Mamamayan: Positibo : Nakakatulong ang migrasyon sa pagbabawas ng kahirapan at nagbubukas ng bagong oportunidad. Negatibo : Nawawala ang oras ng pamilya sa isa't isa at nagiging hamon ang pakikipagkapwa sa ibang bansa.
Karagdagang💭 Kaalaman
MIGRASYON → Ang migrasyon ay tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar upang manirahan o maghanap ng mas magandang oportunidad, trabaho, o edukasyon. Maaari itong panloob (probinsya patungong siyudad) o pandaigdigan (ibang bansa).
Overseas Filipino Workers (OFW) •Ang OFW ay mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa upang kumita ng mas mataas na sahod at makatulong sa kanilang pamilya.
Brawn Drain → Ang brawn drain ay tumutukoy sa pagkawala o pag-alis ng mga manggagawang may lakas-pisikal tulad ng mga construction worker, driver, seaman, at iba pang skilled workers na mas pinipiling magtrabaho sa ibang bansa kaysa sa Pilipinas.
House Husband → Ang house husband ay tumutukoy sa isang ama na naiiwan sa bahay upang alagaan ang pamilya at tahanan dahil ang kanyang asawa ang nagtatrabaho, madalas sa ibang bansa. Isa itong epekto ng migrasyon na nagbabago sa tradisyonal na papel ng magulang sa pamilya.
Brain Drain •Ang brain drain ay tumutukoy sa pagkawala ng mga propesyonal at mataas ang pinag-aralan gaya ng doktor, guro, inhinyero, at nars dahil mas pinipili nilang magtrabaho sa ibang bansa. Nagiging suliranin ito dahil nababawasan ang eksperto at skilled workers na nakikinabang ang sariling bayan..
Kongklusyon Ang migrasyon ay may dalawang mukha: nakakatulong ito sa kabuhayan at kaunlaran, ngunit may kaakibat ding panganib sa lipunan at pamilya.
*Sa pamamagitan ng wastong pamamahala, suporta ng pamahalaan, at pagkilala sa karapatan ng mga migrante, maaaring mapabuti ang epekto ng globalisasyon sa migrasyon.
Pag-angkop sa Pamantayang Internasyonal INIHANDA NG MGA GWAPONG lalaki
Pag-angkop sa Pamantayang Internasyonal -Upang makasabay ang Pilipinas sa mabilis na pagbabago at pag-unlad na dulot ng globalisasyon.
Bologna Accord •Ito ay nagmula sa University of Bologna sa Italy kung saan nilagdaan ng mga Ministro ng Edukasyon mula sa 29 na bansa sa Europa. Layunin nitong iayon ang kurikulum ng bawat bansa para maging mas madali ang pagtanggap sa mga mag-aaral o nagtapos na nais lumipat o magtrabaho sa Europa. Sa madaling salita, kapag nakapagtapos ka sa isang bansa, mas madali kang matatanggap sa iba pang bansang kasapi.
Washington Accord •Ito naman ay kasunduan ng mga international accrediting agencies na nagsusuri at nagtutugma ng mga engineering degree programs sa iba't ibang bansa. Mahalaga ito dahil dati, ang mga engineering graduates mula sa Pilipinas ay hindi agad itinuturing na engineer sa ibang bansa. Kaya maraming Pilipinong propesyonal ang nahihirapan makahanap ng trabaho na akma sa kanilang tinapos.
Ikatlo, ang tugon ng Pilipinas ang K-to-12 Basic Education Curriculum. Ipinatupad ito ng pamahalaan upang maihambing at maitugma ang ating sistema ng edukasyon sa pamantayan ng ibang bansa. Dati, ikinukonsidera ang mga Pilipinong nagtapos bilang second-class professionals dahil mas maikli ang ating basic education. Ngayon, sa pamamagitan ng K-to-12, inaasahang tataas ang kalidad ng edukasyon at magiging mas kompetitibo ang mga Pilipino sa pandaigdigang larangan.
Sa kabuuan, ang paglahok ng Pilipinas sa mga kasunduang ito ay hakbang upang makasabay sa globalisasyon at mabigyan ng mas magandang oportunidad ang mga mag-aaral at propesyonal na Pilipino sa ibang bansa.