modyul-1-171028042058 (1).presentation in Kabutihan Panlahat

ROLANARIBATO3 0 views 22 slides Sep 29, 2025
Slide 1
Slide 1 of 22
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22

About This Presentation

Kabutihang panlahat Presentation in ESP 9


Slide Content

Aralin 1 Layuning Panlipunan : Kabutihang Panlahat Inihanda ni : ARNEL O. RIVERA Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos .

Panimula : “ Walang sinumang ang nabubuhay para sa sarili lamang ”. Kinakailangan ng taong makibahagi at mamuhay sa LIPUNAN . Ang buhay ng tao ay panlipunan ( Manuel Dy Jr ,1994). Ang ating pagiging kasamang-kapwa ay isang pagpapahalaga na nagbibigay ng tunay na kaganapan sa ating pagkatao .

Ano ang LIPUNAN ? Nagmula sa salitang ugat na “ lipon ” na nangangahulugang pangkat . Ang mga tao ay mayroong kinabibilangang pangkat na mayroong iisang tunguhin o layunin . Kolektibo ang pagtingin sa bawat kasapi nito ngunit hindi naman nito binubura ang indibidwalidad o pagiging katang-tangi ng mga kasapi .

Ano naman ang komunidad ? Ang salitang komunidad ay galing sa salitang Latin na communis na nangangahulugang common o nagkakapareho . Ang isang komunidad ay binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng mga interes , ugali o pagpapahalaga na bahagi ng isang partikular na lugar .

Bakit likas sa TAO ang mamuhay sa LIPUNAN ? Dahil sa katotohanang ang TAO ay nilikhang HINDI perpekto at likas sa ating magbahagi sa kapwa ng kaalaman at pagmamahal . Jacques Maritain: The Person and the Common Good (1966)

Bakit likas sa TAO ang mamuhay sa LIPUNAN ? Dahil sa ating pangangailangan o kakulangan mula sa materyal na kalikasan . Hindi makakamit ng tao ang kanyang kaganapan kung hindi matutugunan ng lipunan ang kanyang mga pangangailangan . Jacques Maritain: The Person and the Common Good (1966)

Ayon kay St. Thomas Aquinas … “Sa pamamagitan lamang ng lipunan makakamit ng tao ang layunin ng kanyang pagkakalikha .” Malaki ang magagawa ng lipunan sa paghubog ng iyong pagkatao . Mayroon itong impluwensiya sa paraan ng iyong pag-iisip at pagkilos . Lahat ng iyong iniisip , nararamdaman , sinasabi at ginagawa ay naiimpluwensiyahan ng lipunan na iyong kinabibilangan .

Binubuo ng TAO ang LIPUNAN. Binubuo ng LIPUNAN ang TAO . Dr. Manuel Dy Jr. Philosophy Professor Ateneo de Manila University Sa lipunan , nagkakaroon ang tao ng pagkakataong maipakita ang pagmamalasakit , ang tumulong at matulungan sa panahon ng pangangailangan . Dahil dito,umuusbong ang pagtitiwala sa kapwa na siyang dahilan ng sama-samang pagkilos tungo sa isang mithiin .

Ano ang Kabutihang Panlahat ? Ito ay ang kabutihan para sa bawat isang indibidwal na nasa Lipunan . Ito ang pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan . Tumutukoy sa kabutihang naaayon sa moralidad ng tao , sa Likas na Batas Moral.

Ano ang Kabutihang Panlahat ? Ang tunay na layunin ng lipunan ay ang kabutihan ng komunidad na nararapat na bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito . Hindi kalayaan o pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig kundi ang panlipunan at sibil na pagkakaibigan , na palaging nangangailangan ng katarungan .

Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat Ang paggalang sa indibidwal na tao (Human Rights). Upang maging makatarungan ang isang lipunan , kailangang nasisiguro ng namumuno dito na ang karapatan ng bawat indibidwal ay kinikilala , iginagalang , pinoprotektahan at pinahahalagahan .

Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat (Social Justice) . Mahalagang may mamagitan upang masigurong nakakayanan at nararating ang mga ito ng bawat isa sa lipunan . Kapag nangyayari ito , natutugunan ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat .

Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat Kapayapaan (Peace ) . Ang kapayapaan ay resulta ng pagkakaroon ng katahimikan , kapanatagan at kawalang ng kaguluhan . Mayroong kapayapaan kapag iginagalang ang bawat indibidwal at umiiral ang katarungan . Ang kapayapaan ay indikasyon ng pagkakaroon ng kabutihang panlahat , ang katatagan at seguridad ng makatarungang kaayusan .

MGA HADLANG SA PAGKAMIT NG KABUTIHANG PANLAHAT Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat Indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya kaysa sa nagagawa ng iba .

Mga Kondisyon sa Pagkamit sa Kabutihang Panlahat Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya gabay ang diyalogo , pagmamahal at katarungan . Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan . Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapa-unlad patungo sa kanyang kaganapan .

Hindi nami m ili ng edad o antas sa buhay ang pagtiyak na mananaig ang kabutihang panlahat . Ito ay nakabatay sa iyong puso at pagmamalasakit sa iyong kapwa . TANDAAN:

“ Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng iyong bansa para sa iyo , kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa .” Pres. John F. Kennedy

Paano ka makakatulong upang makakamit at mapananatili ang kabutihang lahat ? Bakit ba mahalagang ito ay makamit at mapanatili ?. PAGPAPAHALAGA TAKDA:

References: Edukasyon sa Pagpapakatao 9– Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 , DepEd Modyul 1 : Layunin ng Lipunan : Kabutihang Panlahat ni Bb. Jo Marie Nel C. Garcia Retrived 02 May 2017 from https :// www.slideshare.net/jomarienel/modyul-1-kabutihang-panlahat-51411051?from_action=save LAYUNIN NG LIPUNAN : KABUTIHANG PANLAHAT by Ian Mayaan Retrived 02 May 2017 from https ://www.slideshare.net/justinemayaanpatricio/esp-9-m1-kabutihang-panlahat-44916606

Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap . NO ERASURES. Wrong Spelling Wrong. Mga taong na kinabibilangang sa isang pangkat na mayroong iisang tunguhin o layunin . Ang isang _______ ay binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng mga interes , ugali o pagpapahalaga . Ito ang pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat .

Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap . NO ERASURES. Wrong Spelling Wrong. Resulta ng pagkakaroon ng katahimikan , kapanatagan at kawalang ng kaguluhan . May akda ng aklat na The Person and the Common Good (1966) .

SAGOT: Lipunan Komunidad Kabutihang Panlahat Kapayapaan / Peace Jacques Maritain