modyul-1-kahalagahan-ng-aktibong-pagkamamamayan-Autosaved.pptx

JoyAonuevo1 0 views 26 slides Sep 29, 2025
Slide 1
Slide 1 of 26
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26

About This Presentation

snjshcjkcnMZxz


Slide Content

KABIYAK NG AKING PUSOđź’”

KAHALAGAHAN NG AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN

KAHULUGAN AT BATAYAN NG PAGKAMAMAMAYAN SA PILIPINAS Ang citizenship o pagkamamamayan ay tumutukoy sa pagiging kasapi o miyembro ng isang indibidwal sa isang estado o bansa batay sa itinakda ng batas. Itinuturing ang pagkamamamayan bilang ugnayan ng isang indibidwal at ng estado.

1987 PHILIPPINE CONSTITUTION, ARTICLE IV, SECTION 1 Batay sa Saligang Batas ng PIlipinas ng 1987, isinasaad sa Artikulo IV, Seksiyon 1 nito na ang sumusunod ay itinuturing na mamamayan ng Pilipinas : Yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng Saligang Batas; Yaong ang ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas ; Yaong isinilang bago ang Enero 17, 1973, may Pilipinong ina , na pinili ang pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng kanilang karampatang gulang ; at Yaong mga naging mamamayan ng Pilipinas na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon .

CITIZENSHIP RETENTION AND REACQUISITION ACT OF 2003 Ito ay tinatawag din na Republic Act No. 9225 . Ito ay isang batas na nagdedeklara na ang mga natural-born citizen ng Pilipinas na sumumpa ng pagkamamamayan sa ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay hindi nawawala ang kanilang pagkamamamayang Pilipino at maaaring muling maging mamamayang Pilipino. .

CITIZENSHIP RETENTION AND REACQUISITION ACT OF 2003 Ang RA 9225 ay naging epektibo noong Setyembre 17, 2003 at karaniwang tinatawag din na Dual Citizenship Act. Batay sa batas na ito , ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring muling makamit sa pamamagitan ng pagsasailalim ng nagnanais nito ng oath of allegiance sa isang legal at awtorisadong opisyal ng Pilipinas na maaaring magsagawa nito .

KONSEPTO NG DUAL CITIZENSHIP Nangangahulugan ang dual citizenship ng pagkakaroon ng isang indibidwal ng dalawang pagkamamamayan o citizenship bilang resulta ng interaksiyon ng mga batas sa pagitan ng dalawang bansa. Ang katayuan ng dual citizenship ay maaaring pinili (by choice) ng isang indibidwal o batay sa kanyang kapangananakan (by birth).

Batay sa depinisyon ng Grolier's New Book of Knowledge, ang pagkamamamayan ay bahagi ng pagkakakilanlan ng isang indibidwal. Bilang bahagi ng ugnayan ng isang indibidwal at ng estado, nagkakaroon siya ng mga karapatan, kalayaan, at tungkulin bilang mamamayan. Bukod sa legal na aspekto, mahalagang maisapuso at maisadiwa ng isang indibidwal ang kanyang pagkamamamayan. MGA PAMAMARAAN NG PAGKAMIT AT PAGKAWALA NG PAGKAMAMAMYANG PILIPINO

May dalawang pangkalahatang paraan ng pagkuha ng pagkamamamayan sa Pilipinas: F ilipino by birth o yaong mga ipinanganak na Pilipino. Kinikilala ng Pilipinas ang prinsipyo ng jus sanguinis (right of blood). Ito ay isang legal na prinsipyong nagsasaad na sa kanyang kapanganakan ay nakukuha ng isang indibidwal ang pagkamamamayan ng kanyang mga magulang o isa man sa kanila. Samantala, sa ibang mga bansa, ang pagkamamamayan ay maaaring nakabatay sa prinsipyo ng jus soli (right of soil). Ito ay isang legal na prinsipyong nagsasaad na ang pagkamamamayan ng isang indibidwal ay nakabatay sa lugar ng kanyang kapanganakan. PAGKAMIT NG PAGKAMAMAMAYAN SA PILIPINAS

May dalawang pangkalahatang paraan ng pagkuha ng pagkamamamayan sa Pilipinas: 2. Filipino by naturalization o yaong mga naging Pilipino sa pamamagitan ng naturalisasyon. Ang pagkamamamayang Pilipino sa pamamamagitan ng naturalisasyon ay isang hudisyal na paraan ng pagkuha ng isang banyaga ng pagkamamamayang Pilipino at pagbibigay sa kanya ng mga pribilehiyong katulad ng taglay ng isang likas na ipinanganak na Pilipino. PAGKAMIT NG PAGKAMAMAMAYAN SA PILIPINAS

Ang isang indibidwal ay sumailalim sa proseso ng naturalisasyon ng pagkamamamayan sa ibang bansa, nanumpa ng pagkamamamayan sa ibang bansa, at ipinawalang bisa ang kanyang pagkamamamayang Pilipino. Sundalong tumakas sa hukbong sandatahan ng Pilipinas sa panahon ng digmaan. Pagakawala ng bisa ng naturalisasyon ng pagkamamamayang Pilipino PAGKAWALA NG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO

KAHULUGAN, BATAYAN, AT KAHALAGAHAN NG AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN

ACTIVE CITIZENSHIP Ang active citizenship o aktibong pagkamamamayan ay tumutukoy sa mga mamamayang nakikibahagi sa malawak na usapin at gawain na naglalayong maitaguyod at sumusuporta sa demokrasya .

ANG DALAWANG ASPETO NG PAGKAMAMAMAYAN

Ang unang kategorya ay sumasaklaw sa taglay na kalayaan ng isang indibidwal gayundin ang kanyang mga karapatang politikal, sibil, panlipunan, at pang-ekonomiko bilang isang mamamayan. ANG KARAPATANG NAKABATAY SA PAGKAMAMAMAYNAN (CITIZENSHIP RIGHT)

Ang ikalawang kategorya ay tumutukoy sa mga gawaing nauugnay sa pagkilos at pagganap ng isang indibidwal sa kanyang tungkulin bilang mamamayang nagtataglay ng mga karapatan at kalayaan. AKTIBONGPAGKAMAMAMAYAN (CITIZENSHIP PRACTICE\ACTIVE CITIZENSHIP)

MGA HALIMBAWA NG ACTIVE CITIZENSHIP: PAKIKILAHOK SA ELEKSYON BAYANIHAN AT VOLUNTEERISM PAKIKILAHOK SA KOMUNIDAD PAGGAMIT NG BOSES PARA SA PAGBABAGO PAGSUNOD SA BATAS PAGIGING RESPONSABLENG MAMAMAYAN ARAW-ARAW

ANG BATAYAN NG AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN

Bagama't kinikilala ang pangunahing tungkulin ng tahanan at pamayanan sa paglinang ng aktibong pagkamamamayan ng isang indibidwal , malaki ang papel na ginagampanan ng sistema ng edukasyon dito . Inaasahang malilinang at maisusulong sa paaralan ang kultura at pagpapahalaga ng aktibong pagkamamamayan sa mga mag- aaral na mangangalaga at magsusulong ng karapatang panlahat na siyang pangunahing batayan ng demokrasya .

Ang kinabukasan ng pamahalaan at lipunan ay nakasalalay sa kakayahan ng kabataang makibahagi sa mga makademokratikong proseso at gawain. Ito ay tuwirang nauugnay sa kapasidad ng sistemang pang-edukasyon na malinang ang kaalaman at kasanayan at maimulat ang kabataan sa kanilang mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan, kumilos para sa hustisyang panlipunan at pangkapaligiran, at manindigan para sa karapatang pantao.

NARITO ANG ILAN SA MGA PANGUNAHING PRINSIPYO AT KATANGIAN NG AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN:

Nagtataglay ng mga kaalaman at kasanayang kinakailangan upang maging ganap ang pansibikong tagumpay; Nakikilala ang mga hamon o oportunidad sa pamayanan, paaralan, estado, o bansa na maaaring matugunan sa pamamagitan ng epektibong pagkamamamayan; Nagtataglay ng kaalamang nauukol sa mga demokratikong institusyon at proseso;

Epektibong paggamit ng kasanayan, kaalaman, at pagpapahalaga upang makatugon sa oportunidad o hamon sa kanilang kapaligiran. Nagtataglay ng katangian ng isang makademokratikong mamamayan tulad ng pagkilala at paggalang sa pagkakaiba-iba ng etnisidad , relihiyon , seksuwalidad , kasarian , at iba pang kalagayang panlipunan gayundin ang pagkakaiba-iba sa panlipunan at pampolitikang pananaw ;

KAHALAGAHAN AT BUNGA NG AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN

SALAMAT SA PAKIKINIG!