Modyul 2 EsP 10 ANG MATAAS NA GAMIT AT TUNGUHIN NG ISIP AT KILOS-LOOB
JHENLONGNO
9 views
39 slides
Aug 30, 2025
Slide 1 of 39
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
About This Presentation
IKALAWANG MARKAHAN
Size: 3.26 MB
Language: none
Added: Aug 30, 2025
Slides: 39 pages
Slide Content
Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos- Loob
Ang Tao ay nilikhang kawangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na kanyang obra maestra .
Mga Katangian : 1. Ang pagkalikha ng tao ayon sa kawangis ng Diyos .
2. Binigyan niya ang tao ng kakayahang mag- isip , pumili at gumusto .
3. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at masama . Ang kaniyang konsensiya ay ang indikasyon nito .
4. Ang kakayahang gumawa ng malayang pagpili .
Ang TAO ay nilikhang di- tapos ?
Sapagkat walang sinuman ang nakaalam kung ano ang kahihinatnan niya mula sa kanyang kapanganakan , o magiging sino siya sa kaniyang paglaki . Siya ay may pinaghandaang kinabukasan
na siya mismo ang lililok para sa kaniyang sarili . Kaya patuloy ang pagkilos ng bawat tao patungo sa paghahanap ng mga piraso na makatutulong upang siya ay maging TAPOS.
1. Ang pangkaalamang pakultad (knowing faculty) – dahil sa kanyang panlabas at panloob na pandama at dahil sa isip kaya’t siya ay nakauunawa , naghuhusga at nangangatwiran .
2. Ang pagkagustong pakultad (appetitive faculty) – dahil sa mga emosyon at dahil sa kilos- loob
Nakaaalam ang tao hindi lang dahil sa kaniyang isip kundi dahil din sa kanyang pandama . Sa pamamagitan ng mga panlabas na pandama , nagkakaroon ang tao ng direktang ugnayan sa reyalidad .
Ang reyalidad ang siyang nagpapakilos sa kapangyarihan o kakayahang makaalam .
Mga Panloob na Pandama : 1. Kamalayan – pagkakaroon ng malay sa pandama , nakapagbubuod at nakapag-uunawa .
2. Memorya – kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan .
3. Imahinasyon – kakayahang lumikha ng larawan sa kanyang isip at palawakin ito .
4. Instinct – kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi dumaan sa katwiran .
Ang panloob na pandama ay walang direktang ugnayan sa reyalidad . Dumidepende ito sa impormasyong hatid ng panlabas na pandama .
Tatlong Kakayahan na magkapareho sa hayop at tao (Robert Edward Brenan): 1. Pandama – na pumupukaw sa kaalaman 2. Pagkagusto – na pinagmumulan ng pakiramdam at emosyon 3. Pagkilos o Paggalaw
Naiiba ang tao sa hayop dahil bukod sa pandama , ang tao ay may isip hindi lamang upang makaalam kundi upang makaunawa at maghusga . Makaunawa - kakayahang makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng
kataga upang bigyan ito ng kahulugan . Maghusga – kakayahang mangatwiran Ang tao ay mayroon ding malayang kilos- loob bukod sa damdamin at emosyon upang
upang magnais o umayaw . Dahil sa isip at kilos- loob ng tao , magagawa niyang pigilin ang pandama at emosyon at mailagay ang paggamit nito sa tamang direksyon .
ISIP – may kakayahang mag- isip , alamin ang diwa at buod ng isang bagay . May kapangyarihang maghusga , mangatwiran , magsuri , mag- alala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay at matuklasan ang katotohanan .
ISIP – walang taglay na kaalaman o ideya mula sa kapanganakan ng tao . Nakukuha niya ito sa ugnayan sa reyalidad sa pamamagitan ng mga panlabas na pandama .
De Torre: ang kaalaman o impormasyong nakalap ng pandama ay pinalalawak at inihahatid sa isip upang magkaroon ito ng mas malalim na kahulugan . Nagsisimulang gumana ang isip kapag nalinang na ang pandama ng tao .
Katotohanan : - ito ay ang mayroon o ang nandiyan na kailangang lumabas sa pagkakakubli at lumitaw dahil sa pagiging bukas ng isip ng taong naghahanap nito .
Fr. Roque Ferriols : ang katotohanan ay ang “ tahanan ng mga katoto .” (May kasama ako na nakakita o may katoto ako na nakakita sa katotohanan .)
Dy : “ ang isip ay may kakayahang magnilay o magmuni -muni kaya’t nauunawaan nito ang kanyang nauunawaan . Ang tao ay may kakayahang magbigay-kahulugan at maghanap ng katotohanan .
KILOS-LOOB: Inilalarawan ni Santo Tomas bilang isang makatwirang pagkagusto sapagkat naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama .
Ibinibigay ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kilos- loob . Mahalaga ito sa moral na pagpili sapagkat kailangang kilalanin ang pagkakaiba ng emosyon at ang paghuhusga at pagpapasya .
Max Scheler : Ang pagmamahal ay ang pinakapanguhaning kilos dahil dito nakabatay ang iba’t ibang pagkilos ng tao . Ito ay naipapakita sa paglilingkod sa kapwa . Ang pagmamahal ay pagmamahalaga sa nakahihigit na halaga ng minamahal.Tumutubo ang minamahal at nagmamahal .
Kapag naglilingkod sa iba , napaalalahanan tayo na walang anumang bagay sa buhay na ito na nagtatagal maliban sa ugnayang nabuo natin sa ibang tao .