PAMATNUBAY NA TANONG Kailan mo masasabi na ikaw ay malaya? Ano-ano ang tungkulin mo dahil ikaw ay malaya ?
Ayon kay Santo Tomas de Aquino ang kalayaan ay ang katangiang kilos- loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa kanyang maaring hantungan at ang itakda ang paraan upang makamit ito .
HALIMBAWA Kung sakaling nagalit ka at nasira ang araw mo , iyon ay dahil pinili mong magpaapekto at masira ang araw mo. Gayundin kung wala kang natutuhan sa leksiyon , may paraan na puwede mong gawin upang maunawaan ang iyong aralin . Ito ay dahil may kakayahan ang taong isipin kung ano ang nararanasan niya sapagkat mayroon siyang kamalayan .
Ang salitang Kalayaan ay karaniwang gumigising sa puso ng bawat tao . Ipinaglalaban ng bawat tao ang kaniyang karapatang mabuhay at magpasiya ayon sa kaniyang nais , sa pangangatuwirang walang panlabas na hadlang na sisirain sa paggawa niya nito .
Palaging isipin na ang kakabit ng pananagutan ang kalayaan ng taong tumugon s a tawag ng pangangailangan ng sitwasyon .
Mga gawain na nagpapakita ng tunay na kalayaan Aaminin ang pagkakamali at humingi ng paumanhin Umiwas sa iba’t-ibang uri ng bisyo tulad ng paninigarilyo Sumusunod sa mga batas na ipinatutupad ng ating pamayanan upang mapanatili ang kapayapaan at katiwasayan . Gumawa ng iyong ninanais basta’t ito ay naayon sa kabutihan .
Mga Pasya at Kilos na tumutugon sa tunay na gamit ng kalayaan . Masusuring pag-iisip batay sa moral na pamantayan . Ito ay ang kakayahan ng tao na masusuri at maihiwalay ang tama sa mali Kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan ayon sa sitwasyon . Ito ay responsableng kalayaan na pagtulong sa kapwa .
Mga Pasya at Kilos na tumutugon sa tunay na gamit ng kalayaan . Gumawa ng mga bagay na tinitingnan ang limitasyon ng kanyang sarili . Ibig sabihin , lahat ay may hangganan sapagkat ito ang diwa ng kalayaan mayroong limitasyon Maging mapanagutan sa iyong kilos. Nangangahulugang ikaw ay magiging responsible sa iyong ginawa
Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng kabutihan na naaayon sa tama , nararapat at sa batas ng tao at Diyos . Makakamtan ang tunay na diwa nito sa pamamagitan ng pagkilala sa sariling hangganan . Pagsunod sa batas at hihinuha ng kabutihan sa iyong kapwa .
2 Aspeto ng Kalayaan 1. Kalayaan mula sa (freedom from) Kalayaan bilang kawalan ng hadlang sa labas ng tao sa pagkamit ng kaniyang ninanais . 2. Kalayaan para sa (freedom for) Ang tunay na kalayaan ayon kay johann ay ang Makita ang kapuwa at mailagay siyang una bago ang sarili .
Ayon kay Scheler , ang kalayaan ay kilos kung saan dumaraan ang isang tao mula sa pagtataglay nito patungo sa pagiging isang uri ng taong ninais niyang makamit .
Ang kalayaang likas sa tao ay nauugnay sa pagpapahalaga na ninanais niyang taglayin bilang tao . Kung paano ito ginagamit ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng isang tao at nagpapakilala ng uri ng kaniyang pagkatao .
Dalawang uri ng kalayaan ang malayang pagpili o horizontal freedom na kung saan sa paliwanag ni Cruz (2012) ang malayang pagpili o horizontal freedom ay tumutukoy sa kung ano ang tingin ng taong makabubuti sa kanya.
Dalawang uri ng kalayaan 2. Fundamental option o vertical freedom. Sa pagpili ng pahahalagahan sa horizontal freedom, naapektuhan nito ang unang pagpiling ginawa ( antecedent choice) na nakabatay sa vertical level o fundamental option na nakabatay sa uri o istilo ng pamumuhay na pinili ng isang tao .
Sa pagkakataong ito , balikan mo ang mga kaisipan at konsepto na iyong natutuhan tungkol sa kahulugan ng kalayaan . Isulat ito sa mga bilog na inilaan para sa inyong mga sagot .
KALAYAAN
PERFOORMANCE TASK 1. Pangkatin ang klase sa tatlo. Gamit ang PowerPoint Presentation, basahin ang sumusunod na sitwasyon. Bawat pangkat ay ipepresenta ito sa harap.
PERFORMANCE TASK 1. Pangkat 1-Sitwasyon 1 Magkakasama kayo ng ilan sa iyong mga kaklaseng kumakain sa kantina. Masaya kayong nagkukuwentuhan nang biglang napunta ang usapan tungkol kay Liza, isa rin sa inyong kaklase. Wala siya sa grupo ninyo nang oras na iyon. Ayon sa isa ninyong kasama, nakikipagrelasyon ito sa isang lalaking may asawa. Kapitbahay ninyo si Liza .
PERFORMANCE TASK 1. Pangkat 1-Sitwasyon 1 1.Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito? 2. Ano ang magiging epekto ng gagawin mo sa mga kaklase mong nagkukuwentuhan tungkol kay Liza? 3. Ano ang magiging epekto kay Liza ng gagawin mo? 4. Ano ang magiging epekto sa iyo ng gagawin mo? 5. Babaguhin mo ba ang naging pasya mo?
PERFORMANCE TASK 1. Pangkat 2-Sitwasyon 2 May inirekomendang pelikula ang matalik mong kaibigang dapat mo raw panoorin dahil maganda ito ayon sa kanya. Mag-isa kang nanonood nito sa inyong bahay ngunit sa kalagitnaan ng pelikula, may isiningit palang malaswang eksena (pornograpiya).
PERFORMANCE TASK 1. Pangkat 2-Sitwasyon 2 1. Ano ang gagawin mo sa pagkakataong ito? 2. Ano ang magiging epekto sa iyo ng gagawin mo? 3. May epekto rin ba sa ibang tao ang gagawin mo? Kanino? Pangatuwiranan. 4. Gagawin mo pa rin ba ang iyong piniling gawin? Bakit?
PERFORMANCE TASK 1. Pangkat 3-Sitwasyon 3 Sinisiraan ka ng iyong kaibigan sa crush mo. Natuklasan mong kaya niya ginawa ito ay dahil crush din pala niya ang crush mo.
PERFORMANCE TASK 1. Pangkat 3-Sitwasyon 3 1. Ano ang mararamdaman mo sa pangyayaring ito? 2. Ano ang gagawin mo sa kaibigan mo? May kaugnayan ba ito sa iyong nararamdaman o emosyon? 3. Ano ang magiging epekto nito sa kaibigan mo? 4. Ano ang magiging epekto nito sa iyo?
PERFORMANCE TASK NO.2 MAGSAGAWA NG MALIKHAING PRESENTASYON ANG BAWAT GRUPO TUNGKOL SA PAKSANG NAKAATANG . PANGKAT 1 - KALIKASAN NG TAO (TALK SHOW) PANGKAT 2 -TAMANG PAGGAMIT NG ISIP (TULA) PANGKAT 3 - KILOS LOOB (RADYO BALITA )