Nag Babagang Klima.docx FILIPINO 9 ACTIVITY

JonelaMortos3 156 views 10 slides Nov 04, 2024
Slide 1
Slide 1 of 10
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10

About This Presentation

FILIPINO 9


Slide Content

NAG BABAGANG KLIMA, MAG BABAGO PA
KAYA?”
NI ASHLEY CORONEL
Alam nyo ba ang kawikaang “Kung ano ang iyong itinanim, iyon rin ang
iyong aanihin”? Halimbawa nito ay ang walang habas na pagtatapon ng
basura sa ating mga kanal at ilog, tiyak baha ang ating makukuha o
kapalit. Kung mapapansin natin sa mga nagdaang araw, buwan at taon,
ang mga kalamidad na nangyayari dito sa bansa at maging sa buong
mundo ay patuloy sa pagiging malupit at mapaminsalang kalikasan sa
ngayon. Tulad halimbawa ng bagyo, lindol, tsunami, biglaang pagtaas ng
temperatura, polusyon at iba pang kalamidad na maiuugnay natin sa
patuloy ng pagbabago ng klima. Malalang sitwasyon ang nangyayari
dahil sa pabagu-bago ng klima. Bakit nga ba nangyayari ito? May
kontribusyon ba dito ang mga tao? O sangkot na rin dito ang sistema ng
lipunan? Anu-ano ang mga epekto ng pag babago ng klima sa buhay ng
tao, sa bansa, sa buong mundo? May magagawa ba tayo?
Pero bago ang lahat ano nga ba ang pag babago ng klima? Ayon sa mga
batikang siyentipiko, ang climate change ay ang malawakang pagbabago
ng panahon o klima sa iba’t ibang parte ng daigdig. Ang epekto ng
climate change ay nadarama natin sa unti-unting pag-init ng mundo na
kadalasan ay tinatawag natin na global warming. Ang pangunahing sanhi
ng climate change ay ang pag laganap ng tinatawag na “greenhouse
gases” sa ating kalawakan.
Kung ating ibabase sa kasalukuyan, ang mga masasamang nangyayari ay
dulot ng polusyon o di kaya’y ang kulang na atensyon at pag-aalaga sa
ating kapaligiran. Gaya ng usok na nang galing sa mga malalaking
pabrika at mga sasakyan ang siyang unti-unting pumapatay sa ating
Inang Kalikasan. Dagdag mo pa rito ang walang habas na pagtapon ng
mga plastik at mga basura sa paligid lalo na sa ating mga ilog at iba pang
anyong tubig. At kung ating papansinin, kaliwa’t kanan na ang pag
usbong ng mga gusali at iba pang imprastraktura. Parang mga kabute na

biglang nag sulputan. Ang mga nangyayari ngayon ay isa patunay sa
kasabihang “lahat ng sobra ay nakasasama na.” Nagbabago na talaga
ang panahon. Ke utak ng tao, klima at pati na rin ang kapaligiran mo. Pag
ito’y nag patuloy pa, malaki ang epekto nito sa bansa, sa buong mundo at
lalong lalo na sa tao. Bilang parte ng ating kaalaman, tayo’y may iba’t
ibang pangangailangan. Pero tayo rin ang mga gumagawa ng paraan
para ito’y tuluyan sumira ng ating pang kabuhayan.
Pero may magagawa pa ba tayo para maagapan ang ating nag babagang
klima? Meron pa. Bawat isa ay makatutulong sa muling pagbuhay ng
nagbubuntong hininga nating kalikasan. Ulitin ang paggamit ng mga
bagay-bagay o pakinabangan ang mga gamit na basura . Sa madaling
salita sa Ingles ay “to reduce, reuse at recycle.” Itapon natin ang ating
basura sa tama nilang kinalalagyan. Simple lang, hindi ba? Napakaliit na
panahon na lamang ang nalalabi upang magsagawa ng matitinding
pagbabago sa mga aktibidad ng tao upang maiwasan ang mapanganib
na pabagu-bagong klima. Dapat patuloy tayong makibaka upang tiyaking
ang mga susunod na henerasyon ay may maayos na mundo pang
magigisnan. Kahit sa maliit nating pamamaraan ay makatulong tayo.
Advertisement
Bawat isa ay makatutulong sa muling pagbuhay ng nagbubuntong
hininga nating kalikasan. Ginawa ng Panginoon na maganda at
kapakipakinabang ang paligid para sa ating kaginhawaan ngunit sino ang
ating dapat sisihin sa pagkawasak nito? Tayo ang sumira kaya’t sa atin din
nakasalalay ang pag-asa, ang pag-asa na makakaranas ang mga susunod
na heneresyon ng mundong hindi balot ng kalamidad at polusyon. Sana,
sa huli, masasabi ng ating Panginoon na tunay nga nating inalagaan ang
kayamanan na kanyang inihandog sa atin- ang kalikasan. Sa puntong ito,
gusto ko kayo ang maka isip o bumatay kung ang Nagbabagang Klima ay
mag babago pa.
Muli, ako’y naririto ako sa inyong harapan para ipabatid at ipaalam sa
inyo ang mga kaganapan tungkol sa ating kalikasan. Nag babagang
klima, mag babago pa kaya? Maraming Salamat!

“PAG BABAGO NG ATING KALIKASAN”
NI BRYAN RECALDE
Ang climate changes ay malawakang pagbabago ng klima sa ibat-ibang
bahagi ng daig-dig. Ang epekto  nito ay nadarama natin sa tinatawag
natin na “GLOBAL WARMING” o ang unti-unting pag inet ng mundo. May
dalawang pangunahing sanhi ng climate change. Una, ang likas na
pagbabago ng klima ng buong mundo nitoy mga nagdaang panahon.
Ang ikalawang sanhi ay ang pagtaas ng lebel ng green house gas sa
kalawakan, particular ang carbon dioxide na resulta ng mga gawain ng
tao. Halimbawa nito ang pag gamit ng mga sasakyang gumagamit ng
petrolyong langis at ang walang pangundangan at ang pagpuputol ng
mga punong nag aalis ng carbon dioxide sa hangin.
Ang isyo ng climate change ay napakahalagang isyo sa mga bansa at isa
na rito ang Pilipinas. Isa kase tayo sa bansang pinaka maaapektuhan sa
mga pag babagong dala nito.
Ang bansang tulad natin na acrchipelago napapaligiran ng tubig ay na
nganganib sa climate change. Ano ba ang magiging epekto nito sa atin ?
Kapag mangyare ito mag iinit ang lahat ng lugar sa ating bansa, lalo na
pag tag init. Pag dating naman sa panahon ng tag ulan maaaring mas
kumonte ito sa karaniwan, kapag tag init, ngunit sa mga lugar na Luson
at Visayas mas dadami naman ito sa pangkaraniwan, lalo na sa panahon
ng South West Moonson at habagat pero sa Mindanao pusibli na mas
umikli ang panahon ng tag ulan. Ang Mindanao ay pinag tataniman ng
palay at ang ulan ay napaka halaga sa lugar na ito.

Ano nga ba ang implikasyon ng maraming pagbabago sa init at ulan ?
Ang tag ulan natin ay magiging mas malubha at ang tag init natin ay mas
magiging mainit, mas maraming baha, mas maraming tag tuyot. Paka
isipin natin na ang taong 2020 ay tatlong taon na lang mula ngayon at
ang epekto ng pagbabago ng klima ay ramdam na natin sa ngayon. Ito
ang isang isyu na mahalaga sa ating lahat, apekto rito ang lahat ng ating
kabuhayan. Kailangan mag tulong tulong ang bawat mamamayan di
lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Ang pag babago ng klima
ay nagpapakita na lahat tayo ay kunektado. Ang pang aabuso sa
kalikasan, kahit pa ginawa sa ibang parte ng mundo ay may epekto parin
satin.
Kung hindi maiibhan delubyo ang hatid ng pagbabago ng klima. Sa
kasalukuyan nakararanas ang ibang bansa ng  tag init o kaya naman ay
mas mahabang panahon naman ang tag tuyot. Dito sa Pilipinas mas
malalakas ang bagyong nag dudulot ng mapaminsalang pag baha ng
ating nararamdaman dahil naririto na ang pagbabago ng klima.

“TAMA PA BA?”
NI NEIL MUTYANGPILI
“Dapat respetuhin ang ating mga kapwa” iyan ang unang pangungusap na pumasok sa aking isip
nung narinig ko ang oplan tukhang. Kung saan hindi na naisasagawa ng maayos ang bagay na yan
dahil may ing taong naaapektuhan. Sa tingin niyo ba makatarungan ang bagay na ito? Ako nga pala
si Neil Mutyangpili ng Grade 10 Br. Paternus at magbabahagi lang ako ng aking nalalaman tungkol
sa oplan tukhang.
Advertisement
Napakadami ng gumagamit ng droga dito sa ating bansakaya dumadami din ang mga krimen dito sa
ating bansa na nangyayari. Pero simula ng naging presindente si Rodrigo Duterte na sobrang galit
sa drugs at gusto nito na mawala na lahat ng mga taong konektado sa droga. Kaya napakadaming
tao ang sumuko ng dahil na lamang sa takot na baka sila ay mamamatay. Sangayon ako nung una
sa patakaran na ito, pero lagi lo nalang nababalitaan na napakadaming tao ang namamatay. Ang
masama na lamang dito ay ang ibang pulis ay inaabuso ang kanilang mga lakas sa mga taong
nasangkot lamang at hindi naman sila sigurado na adik ay pinapatay na agad nila. At hindi tama yon
na basta na lamang sila pumapatay ng mga tao para lamang na mabigyan sila ng pera o naman
kaya ng bonus pag sila ay nakapatay? Naaawa at natatakot na lang din ang aking nsraramdaman di
lamang para saking sarili kung di pati sa aking mga kaibigan, pamilya at para sa ibang tao na hindi
naman gumagamit ng droga pero baka bigla na lamang mawala sa ating mga piling at pinatay na din
pala. Masyado ng masakim ang ibang pulis para lang sila ay magkapera, pati ibang pulis ay
sumasama ang imahesa mga tao ng dahil na lamang sa mga pulis na wala na lamang ginawa kung
di abusuhin ang mga taong di naman dapat inaaabuso. Sa tingin ba nila ay maganda ang mga ito?
Masyado na silang hindi nagiging makatao sa mga bagay na to.
Meron akong nalaman samin sa Lipa City, Batangas na may mga dinampot ang mga pulis na wala
man lang sila na search of warrant at sa pagkakaalam nating lahat na bawal magkaso at lalo ng
dumampot ng mga tao ng wala man lang sila na search of warrant pero ano nangyare, dinampot
padin nila ang dalwang binata. At oo siguro naisip na ng pulis na nagkamali sila saknilang ginawang
pagdampot sa mga ito at siguro nalaman din nila sakanilang sarili na hindi nagdrodroga ang mga
binatang kinuha nila. Pero wala, hindi pa din nila pinalaya ang dalawang binata ito. At kinabukasana

pumutok na lamang ang balita na patay na ang dalawang binata, pero bakit? Bakit pinatay ang mga
binatang ito? Sobra ang naging galit ng mga pamilya ng mga ito dahil sa ginawa nilang immoral.
Pero ang sinasabe lang ng mga pulis ay adik ang mga ito kaya nila pinatay at sinabi nila na
nanlaban ang mga bata. Tama na ba ang eksplanasyon nilang iyon, ee samantalang dinampot nga
nila ang mga binatang iyon ng walang search of warrant. Ginawa lang talaga iyon dahil alam nilang
mapapahiya sila sakanilang mga ginawa.
Pangalawa, oo meron akong kilala na gumagamit ng marijuana at hindi ko to maitatanggi dahil
kakilala ko ito sa subdivision namin. Oo naggtutulak din siya ng marijuana at siya ay nahuli ng mga
pulis. At wala namang masama sa paghuli sakanya dahil nga nahuli siya sa aktong pagbebenta nito.
Kinulong din siya dahil siya ay 19 taon na. At pasalamat ko nalang din na hinuli siya dahil para
matuto siya sakanyang mga masasamang pinagagagawa. At makalipas ang mga isang buwan ay
pinalaya siya at siya ay nakakalaro ko pa ng basketball samin at sigurado naman ako na siya
nagbabago na at tinigil na ang kanyang mga masasamang ginagawa. Pero makalipas din ang ilang
mga linggo ay nabalitaan ko na lamang na pinatay siya. Pero bakit kailangan siya ay patayin pa,
talaga bang pinalaya lang siya para sa labas na patayin? Naaawa ako ksse alam ko na naman
talaga na nagbago na siya at tinigil na ang kanyang mga masasamang ginagawa.
Ang napansin ko lang dito ay napakapangit ng epekto ng oplan tukhang dito sa ating bansa,
napakadaming taong namamatay ng dahil na lamang sa paggamit ng lakas ng mga ibang pulis sa
ating ekonomidad. Kaya mas maayos na tanggalin nalang ang ginagawang ito o tanggalin ang mga
pulis ginagamit ang kknilang lakas.
“NASAN ANG KARAPATAN? “
NI KAYCEE AGUAS
Magandang umaga sainyong lahat. Narito ako ngayon sainyong harapan
upang ipahayag ang mga nangyayari sa ating bansa at magbigay ng
saloobin sa isang proyekto ng ating kasalukuyang pangulo, na si
pangulong Rodrigo Duterte.
Droga, nakasubok ka na ba? Ano nga ba ang maidudulot ng droga sa
iyong buhay?
Ang droga ay ipinagbabawal na gamot na inaabuso at mapanganib
gamitin. Ang nagagawa ng droga sa isang tao ay ang pagbabago ng
kanilang takbo ng pag-iisip at katawan. Mahihirapan ka na itong tigilan
dahil may nakaakibat na mga katangian ito na nakakaakit at nagtataglay
ng pagkalulong o mahirap iwasan dahil hindi na nila ito mapigilan sa
kadahilang nasubukan na nila ito at makakasanayan ng gawin.

Advertisement
Isa sa mga proyekto ng ating kasalukuyang pangulo ay ang Oplan
Tokhang. Ang proyekto na ito ay kampanya ng ating mga kapulisan kung
saan ay magbabahay-bahay sila, at pupunta sa mga partikular na lugar
kung saan nakatira ang mga hinihinilang sangkot sa illegal na droga. Ang
oplan tokhang ay nangangahulugang “ tok tok “ at “ hangyo“ na ibig
sabihin ay katok at pakiusap.
Ang layunin ng programang ito  ay para sa lahat ng mga gumagamit ng
illegal na droga na bigyan pa ng isang pagkakataon upang magbago at
ayusin ang kanilang buhay. Sila ay kinakailangan na kusang loob na
sumuko sa barangay o di kaya sa pulisya. Sila ay tutulungan ng mga ito
upang bigyan ng mga payo at ipaalam sakanila ang epekto ng dorga sa
kanilang buhay at kung gaano ito makakasira sa iyong buhay.
Kung hindi parin ito sumunod sa pakiusap ng mga kawani ng gobyerno,
mapipilitan na ang mga pulisya na sila ay hulihin dahil sa paglabag ng RA
9165. Kung sila ay hindi parin susunod sila ay makukulong at
masasampahan na ng kaso.
May mga pulis na pinapatay na nila ang mga sangkot sa droga para
matapos na ang kanilang problema o di kaya ay pinapatay na nila ito
para hindi na sila mabuko na sila ang protector ng mga ito. May mga
pulis din na gumagamit ng ibang tao upang sila na ang bumaril sa mga
nasangkot sa droga at babayaran nila ito at hindi magiging madumi ang
kanilang pangalan bilang pulis.
Sa katunayan, mayroon ako isang taong kilala na nasangkot sa oplan
tokhang. Siya ay aking tiyuhin. Mayroon siyang asawa at pitong anak. At
ang pinakamatanda dito ay nasa siyam na taong gulang pa lamang. Mula
noong napatupad ang oplan tokhang, ay kusang loob na siyang sumuko
sa barangay simbolo ng siya ay titigil na sa pag gamit ng illegal na droga
at mabigyan ng isa pang pagkakataon para magbagong buhay.
Isang araw, mayroong mga pulis at isang nakabalot ang kanyang mukha
na papunta sa kanilang tahanan. Malayo pa man ang mga ito ay

nakatakbo na ang aking tiyuhin sa takot na baka siya ay patayin tulad na
lamang ng mga nababalita sa telebisyon. Siya ay nakatakas at nagtago na
kasama ang kanyang asawa at ibang anak. Ilang araw ang nakalipas ay
pabalik balik padin ang mga pulisya at ang malala ay nadamay pa kaming
mga kamang-anak niya dahil kami ay pinipilit na umamin na sabihin kung
nasaan siya.
At hanggang ngayon ay nagtatago padin siya at naiwan samin ang
tatlong anak niya. Nakikita ko dito kung gaano kahirap sa sitwayon ng
mga bata ang nangyayari sakanilang papa at hindi din naman maiwasan
na hanap hanapin nila ito.
Para sa akin, hindi ako sang-ayon sa proyektong ito na oplan tokhang.
Dahil ang bawat tao ay may karapatang magbago at ayusin ang kanilang
sariling buhay. Oo, sabi ng mga kawani na bibigyan ka ng pagkakataon
para magbago, pero alam naman natin ang nangyayari ngayon ay
deretsuhan na pinapatay ang mga nasasangkot sa illegal na droga. Sabi
nga nila, Ang pagsuko sa mga kapulisan ay para ka na ding nagpalista sa
iyong kamatayan. Isa pa sa dahilan kung bakit hindi ako sang-ayon dito
ay  madami ang nadadamay na hindi naman napatunayan na sangkot
talaga dito, at may iba pang nadadamay na tao na kasama lang nila ito.
Sana ay makita na ng ating gobyerno partikular ng ating pangulo ang
maling naidudulot ng oplan tokhang sa ating bansa. At bigyan muli ng
pagkakataon ang mga tao na magbago at darating ang panahon na
maging maayos na muli ang ating bansa sa mabuting pamamaraan.
 
BAKIT K-12?
TALUMPATI NI MARIA CIELO B. AMPO
Magandang umaga. Ako po si Maria Cielo Ampo at ako ay naririto sa
inyong harapan upang ipaalam sa inyo ang aking saloobin uko sa K-12.

Ano ba ang K-12? Saan ba ito nanggaling? Alam niyo ba? Ito ay ang
programang ipinapatupad ng ating pamahalaan at ng Kagawaran ng
Edukasyon na may layuning tulungan ang mga kabataang Pinoy at
mapantayan ang sistema ng edukasyon sa ibang bansa. Ang Pilipinas ay
nahuli na sa mga karatig bansa sapagkat tayo na lamang ang natirang
hindi nagpatupad ng K-12 sa Asya. Ang lahat ng bansa ay matagal nang
mayroong 12 taong inilalaan sa pag-aaral ng mga kabataan. Ang
pagkakaroon dawn g K-12 ay maghahanda sa mga kabataang Pilipino
upang harapin ang buhay sapagkat dito ay makakapili sila kung nais na
nilang maghanap-buhay o di kaya ay magtuloy sa kanilang pag-aaral.
Bilang isa sa mga mag-aaral na makararanas ng K-12, hindi ko maialis sa
aking isipan kung ano nga ba ang tunay na kahalagahan nito sa aming
mga kabataan. Kung ito ay nararapat para sa lahat, bakit kinakailangang
magkaroon ng accelerated program upang ang ilang mag-aaral ay
makaiwas at dumerecho nang makapag-kolehiyo. Aking iniisip kung
paano ako ihahanda ng K-12 sa aking haharapin sa buhay. Ito ba ay tunay
na mahalaga at makakatulong sa akin or isa lamang itong dagdag gastos
at pag-aaksaya ng panahon?
Ilang taon na dumaan at marami nang mga Pilipino ang naging
matagumpay hanggang sa labas n gating bansa. Kinailangan ba nilang
magdagdag ng 2 taon sa pag-aaral upang sila ay maging handa? Tila
hindi naman ata. Hindi ba ito’y dagdag gastos lamang at dagdag
papapahirap sa ating mga Pilipino? Sa hirap ng buhay ay agad na
namamasukan at naghahanap ng pagkakakitaan an gating kapwa. Wala
nang panahon upang mag-aral at magsunog ng kilaymaliban kung
mayroon kang pambayad at ambisyong makapagtrabaho sa isang
kumpanya.
Ang “vocational courses” ay karaniwan na ngayong makukuha sa
maikling panahon. Mahabang panahon pa rin ang gugugulin sa pag-
aaral sa programa ng K-12 kung ihahalintulad sa mga seminar or
workshop. Ang kaalamang nakukuha rito kasama ng karanasan ng isang
mangagawa ay sapat na upang makapaghanapbuhay ang matiyaga at
masipag.
Kaya ano ang nanaisin mo? Karagdagang taon sa pag-aaral at paggastos
o ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng tunay na karanasan sa

lalong madaling panahon. Isa lamang itong palaisipan. Tandaan, tayo pa
rin ang gagawa ng ating kapalaran.
Tags