© 2022 truewaykids.com
Nang maligtas si Pablo, gusto niyang malaman ng lahat ang magagandang bagay na ginawa ng Panginoon para
sa kanya. Matagal siyang naglakbay para ikalat sa iba ang Mabu�ng Balita. Isang bahagi ng kanyang
paglalakbay ay ang ikinwento sa Acts 13.
Mahahalagang punto:
● Ibahagi na�n ang Ebanghelyo.
● Ililigtas ng Diyos ang mga tao mula sa bawat lipi, wika, tao, at bansa.
● Ang Diyos ay maligaya kapag ibinahagi na�n ang Mabu�ng Balita.
Gabayaralin
Bumiyahe si Pablo mula sa kanyang tahanan, at ikinuwento niya sa iba ang tungkol kay Hesus. Hanggang
ngayon, may mga misyonero pa ring nagdadala ng Ebanghelyo sa ibang mga lupain. Gamit ang isang atlas
(maraming Biblia ay mayroon nito sa likod), bakasin ang ruta ni Pablo. Pagusapan ang isang mahabang byahe
na nagawa mo. Ipaliwanag na noong panahon ni Pablo, wala silang mga eroplano o kotse. Mag-isip ng iba pang
klase ng transportasyon na pwedeng nagamit ni Pablo. Pwede ring magbanggit ng iba pang paraan at tanungin
ang anak kung sa �ngin nila ay ginamit ang mga ito noong panahon ni Pablo.
Maglagay ng malinaw na plas�k sa ibabaw ng atlas at gumuhit ng mga parisukat sa landas ng isa sa mga
paglalakbay ni Pablo. Sa mga kard, magdrowing ng mga larawan ng mga pamamaraan ng transportasyon na
maaaring ginamit ni Pablo at atasan ito ng halaga. Hal., Ang bangka ay maaaring atasan ng apat na galaw at
isa sa paglalakad. Maglaro ng simpleng palaro.
Isa pang laro ay ang magtago ng iba't-ibang mga bagay sa bahay. Pwedeng gumamit ng mga bagay tulad ng
watawat, manika, larawan, o isang bagay na simbolo ng iba't ibang bansa. Lumikha ng mga simpleng kard na
may krus o iba pang drowing na kumakatawan sa mabu�ng balita. Sabihin sa bata na dalhin ang Ebanghelyo sa
mga nawawala. Tuwing makakakita sila ng isang bagay (bansa), dapat silang maglagay ng papel na
kumakatawan sa Ebanghelyo dito. Ipagdiwang kapag naabot nila ang huling bansa dala ang kanilang mensahe.
Pagusapan ang mabu�ng balita na nangyari sa iyong buhay, tulad na lamang ng pagsilang ng sanggol o
nakakasabik na regalo. Masaya ang mga tao na ibahagi ang mabubu�ng pangyayari sa kanilang buhay. Ang
Diyos ay masaya kapag ibinabahagi na�n ang mabu�ng balita sa iba.
Sinasabi sa Biblia na ang mga tao sa bawat lipi, wika, tao, at bansa ay magkakaisa sa pananampalataya kay
Hesus. Hindi mahalaga ang itsura, salita, kung saan naka�ra, o kung ano ang kinakain. Sinabi ni Hesus na lahat
ng uri ng tao ay mapupunta sa langit. Lumikha ng isang menu mula sa iba’t ibang sulok ng mundo para sa isang
espesyal na tanghalian o hapunan. Magsimula sa sarili mong bansa, at pumili ng putahe mula sa bawat
kon�nente. Halimbawa, ang galing sa Europa ay maaaring gumawa ng pamilyar na putahe para sa appe�zer,
isang Asian na pagkain para sa pangunahing putahe, at isang dessert galing Amerika. Maaari ring piliin
gumawa ng isang resipe mula sa bawat kon�nente o magluto ng pagkain mula sa isang par�kular na bansa
(hindi sa iyong sarili).
Kung ayaw mong magluto, maaaring lumikha ng dekorasyon na ang tema ay iba't ibang panig ng mundo.
Pumili ng isang talatang mahalaga sa inyong pamilya. I-print o isulat ito sa sarili mong wika. Hanapin ang talata
sa iba't ibang wika at kopyahin ang mga ito. Maaaring idikit sa isang pisi sa pagkakasunud-sunod ng mga bansa
sa mundo o idikit sa mapa sa mga bansang pinagmulan. Pag-usapan kung paano isinalin ang Biblia sa iba't
ibang wika, kadalasan ng mga misyonero.
Panimula