Grade Level: K, I, II, & III
Learning Competencies:
Word Limit: 800 or less
Text Gabay ng Illustrador
1 (pp. 2-3)“Kaaa---looooy!”, sigaw ni Mang Kiko.
“Gabi na ngunit wala pa ang iyong
anak. Saan kaya siya nagpunta?”,
humihikbing wika ni Aling Karing.
Tatay na hinahanap ang
anak. Umiiyak na nanay.
2 (pp. 4-5)Si Kaloy at ang kanyang pamilya ay
nakatira sa isang kubo. Lumaki
siyang palipat-lipat ng bahay dahil
salat sila sa buhay.
Siya ay isang batang mabait,
masipag, palangiti at mapagmahal
na anak. Nais niyang mabigyan ng
masagana, payapa, at permanenteng
tirahan ang kanyang pamilya.
Ang bahay kubo at si
Kaloy.
3 (pp. 6-7)“Kaloy, manguha ka ng panggatong.
Kailangan nating mag-imbak ng
kahoy dahil parating na ang tag-
ulan”, utos ng kanyang nanay.
“Opo ‘nay.”, tugon ni Kaloy.
Bitbit ang lubid, umalis siya sa
kanilang tahanan at tinungo ang
kagubatan.
Si Kaloy na may bitbit na
lubid patungo sa gubat.
4 (pp. 8-9)Habang siya ay abala sa
pangunguha ng panggatong,
nakarinig siya ng malakas na huni
ng ibon.
“Ock-ock-ock-ock”.
Lumingon siya sa kanyang paligid
ngunit wala siyang nakita.
Makalipas ang ilang sandali, narinig
ulit nya ito. Palakas nang palakas.
“Ock-ock-ock-ock”.
Lumingon ulit siya sa kanyang
paligid. Ngunit wala pa rin siyang
nakita.
Tumingala siya sa punong nasa
harapan niya at laking gulat niya sa
kanyang nakita.
Nakatingala sa puno si
Kaloy at nasa taas ng puno
ang ibon na Kalaw.
5 (pp. 10-
11)
May isang ibon na may malaki,
mahaba at mapulang tuka.
“Kumusta ka kaibigang ibon?”,
Nag-uusap si Kaloy at ang
ibong Kalaw.
Nakaapak sa balikat ni
tanong ni Kaloy.
“Ako ay nawawala, hindi ko alam
ang daan ko pauwi. Maaari mo ba
akong samahan?” saad ng ibon.
“Hindi kita masasamahan dahil baka
ako ay gabihin at hanapin ako ng
aking nanay”, ang sabi ni Kaloy.
“Ock-ock-ock-ock”, hikbi ng ibon.
“Gusto ko ng makauwi sa amin.”,
patuloy na sambit nito.
“Huwag ka nang umiyak, sige
tutulungan kita.”, wika ni Kaloy.
Sila ay naglakad nang naglakad.
Gumagabi na ngunit hindi pa sila
nakakarating sa kanilang
pupuntahan.
“Hmmm.. magpahinga muna tayo
kaibigan.”, hinihingal na sambit ni
Kaloy.
“Ock-ock-ock-ock”, tugon ng ibon.
Kaloy ang ibon habang
naglalakad.
6 (pp. 12-
13)
Matapos ang kanilang
pamamahinga, pinagpatuloy nila ang
paglalakad hanggang sa marating
nila ang dulo ng gubat.
Tumambad sa kanya ang
napakaraming ibon at magandang
tanawin. “Wow! Ang ganda!”,
manghang-manghang sambit niya.
“Kaa-laaw…kaa-laaw…kaa-laaw…”,
masayang wika ng ibon ng makita
ang kanyang pamilya.
“Kaa-laaw..kaa-laaw…kaa-laaw”,
tugon naman ng mga ibon.
Masaya sila na makita muli ang
nawawalang si Kalaw.
Magandang tanawin na
makikita sa dulo ng gubat.
Maraming ibong Kalaw.
7 (pp. 14-
15)
“Kaaa---looooy! Kaaa---looooy!”,
tawag ni Mang Kiko at Aling Karing.
“Inay, Itay!”, sigaw ni Kaloy at
niyakap ng mahigpit ang kanyang
magulang
Masayang nagkita-kita ang mag-
anak.
“Dito tayo maninirahan ng payapa,
masaya at sama-sama.”, masayang
wika ni Kaloy sa kanila.
Simula ng araw na iyon, tinawag ang
lugar na Kalaw.
At kalaunan ang Kalaw ay tinawag
Masayang pamilya na
nagkita-kita.