` LAYUNIN Nahihinuha ang damdamin ng mga tauhan batay sa diyalogong napakinggan . F9PN-IIc-46 Nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga tauhan na parang taong nagsasalita at kumikilos F9PB-IIc-46 Naiaantas ang mga salita ( clining ) batay sa tindi ng emosyon o damdamin F9PT-IIc-46 Naisusulat muli ang isang pabula sa paraang babaguhin ang karakter ng isa sa mga tauhan nito F9PU-IIc-48 Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin F9WG-I
MAHAHALAGANG TANONG Paano natin nahihinuha ang damdamin ng mga tauhan sa kanilang mga diyalogo ? Bakit epektibong gamitin ang mga hayop bilang tauhan na parang tao sa mga pabula ? Paano nakakatulong ang pag-aantas ng mga salita ( clining ) sa mas malinaw na pagpapahayag ng damdamin ?
https://www.youtube.com/watch?v=UFHlma3JALQ
1. Ano ang pangunahing damdamin ng bawat tauhan ? 2. Paano ipinakita ng may- akda ang damdaming iyon ? ( sa pamamagitan ba ng salita , kilos, o hayop bilang tauhan ?)
Ang pabula o fabula sa Latin ay isang uri ng panitikan kung saan ang mga tauhan ng kuwento ay mga hayop o mga bagay na walang buhay . Sila ay kumikilos , nagsasalita , at nag- aasal na parang mga tao .
Sinisimbolo ng mga hayop na ito ang mga karakter o mga katangiang taglay ng mga tao gaya na lamang ng pagiging makasarili , mayabang , malupit , tuso , mandaraya , at iba pa.
Minsan , gumagamit din ito ng mga bagay sa kapaligiran na binibigyan ng kakayahang kumilos gaya ng tao upang makapaglahad ng kuwento . Isa ang pabula sa mga maituturing na kuwentong-bayan . mga akdang nagpapakita ng espesipikong kultura ng komunidad na nagpasalin-salin na sa magkakaibang henerasyon sa pamamagitan ng oral na pagsasalaysay
Ang pagkiklino ay proseso ng pagsasa-ayos ng mga salita ayon sa antas o digri . Maaaring may napili ka nang salita , ngunit kung hindi ito ang pinaka-angkop , maaari itong palitan ng mas angkop na salita . 1
Sa pamimili ng pinaka-angkop na salita , naibabahagi nang mas tumpak ang totoong nararamdaman ng isang tao . Nagiging mas angkop din ang magiging reaksyon ng mga tao sa kanyang ipinahayag . 2
PROSESO NG PAGKIKLINO PATUNGKOL SA PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN 1 Isipin ang nararamdaman . 2 Suriin kung angkop ang salita na gagamitin para ipahayag ito. 3 Kung hindi , mamili ng mas angkop na salita .
Paano isinasagawa ang pagkiklino ? Ano ang kahalagahan ng pagkiklino sa pagpapahayag ng damdamin ? Paano masusuri kung epektibo ang pagpili ng salita sa pagkiklino ?
Paglalapat Bakit mahalagang mamili ng tumpak na salita kapag ipinapahayag ang sariling damdamin ? Ano ang maaaring gawin kung nagamit na ang salitang hindi angkop para sa pagpapahayag ng damdamin ? Ano ang aplikasyon ng pagkiklino sa pagbabahagi ng nararamdaman ng iba ?
Pagsusuri para sa Gawain 2: Klino Teatro Ano-ano ang mga salitang ginamit mo para ilarawan ang iyong naramdaman sa mga nangyari ? Ano ang mapapansin sa pagkakasunod-sunod ng mga salitang ginamit mo ? Ano ang naging saysay ng pagkiklino para sa gawaing ito ?
Paano maaaring gamitin ang pagkiklino sa mabisang pagpapahayag ng damdamin?