GAWAIN: Meron,
Pero Kulang!
Ipakita sa klase ang isang pitsel ng tubig (o larawan nito) at sabihin:
“Isang pamilya ang may 8 miyembro pero isang pitsel lang ng tubig ang meron
sila para sa buong araw. Hindi ito sapat para sa kanilang inumin, pagluluto, at
paliligo.”
Mga pamprosesong tanong:
1. Ano ang mararamdaman mo kung ikaw ang
pinakahuling kukuha ng tubig?
2. Ano ang maaaring gawin ng pamilya upang
magkasya ang tubig sa lahat?
3. Sa palagay mo, ito ba ay isang kakapusan o
kakulangan? Bakit?
LAYUNIN
Naiuugnay ang kahulugan ng kakapusan
sa limitadong pinagkukunang-yaman ng
bansa.
Naihahambing ang kakapusan at
kakulangan sa pamamagitan ng
paggawa ng Venn diagram o
talahanayan.
Nauunawaan ang kahalagahan ng
pagiging mapagpasya sa pagbili ng
produkto batay sa pangangailangan
kaysa sa kagustuhan.
ALAMIN
GAWAIN: PICTURE ANALYSIS
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang nakikita mo sa larawan?
2. Ano ang ipinahihiwatig nito?
3. Bakit ito nagaganap?
kapos o kulang?
_________ sa bigas ang bansa kaya’t kailangan pa nitong bumili sa
iba.
_________ amg perang hawak ng mag-asawang Santos para
matustusan ang mga pangangailangan ng buong pamilya.
_________ sa suplay ng gulay sa kapatagan dahil sinalanta ng
peste ang mga gulayan sa Benguet.
_________ ang pagkain ng mag-anak sapagkat walang trabaho ang
ama ng tahanan.
_________ ako sa panahon dahil sa napakarami ko pang dapat
gawin bago matapos ang araw.
Kakulangan/shortage
Ang kakulangan o shortage ay tumutukoy sa limitasyon sa mga binibiling produkto
sa pamilihan.
Ito ang uri ng limitasyong panandalian lamang at maaaring masolusyonan.
Ito ay kadalasang sinasadaya ng ilang nagtitinda o prodyuser bunga ng
makasariling hangaring magtamo ng mas malaking tubo. Ang ganitong gawain ay
tinatawag na “hoarding.”
Ginagawa ito ng mga negosyante upang manipulahin ang suplay ng produkto
upang maimpluwensiyahan ang presyo nito sa pamilihan.
Kakulangan/shortage
Kakulangan ding maituturing ang
nalilikha kapag hindi magkatugma ang
plano ng produksiyon at pagkonsumo.
Ang kakulangan sa produksiyon ay
maaaring magresulta sa panic buying
at ito ay kadalasang nangyayari kapag
may inaasahang kalamidad.
kakapusan/scarcity
Tumutukoy sa limitasyon o hangganan na mayroon ang lahat ng
pinagkukunang yaman.
Ito ay suliraning panlipunan na hindi malulutas ngunit kailangang harapin at
pamahalaan nang tama nang hindi lumala. (Hal. pagtustos sa lumalaking
populasyon).
Kinakailangang harapin ito sa pamamagitan ng matalinong pagpapasiya.
Lahat ng tao/bansa, mahirap man o mayaman, ay nakararanas ng kakapusan,
ngunit mas nararamdaman ng mahihirap ang epekto nito.
sanhi ng kakapusan
Mabilis na pagkaki ng populasyon
Sa katunayan, si Robert Thomas Malthus sa kanyang
akda na “An Essay on the Principles of Population”,
nasabi niya na kung hindi magiging agresibo ang mga
bansa sa pagharap sa papalaking populasyon, darating
ang panahon na makararanas ang mundo ng taggutom
dahil mas mabilis dumami ang tao kaysa gumawa o
lumikha ng pagkain.
gawain #2 basket of goods
Panuto:
Isipin na ikaw ay bahagi ng isang pamilyang may limitadong badyet na
₱1,000 para sa isang linggo. Kailangan mong gumawa ng plano sa
paggastos upang matugunan ang mga pangangailangan ng inyong
pamilya. Gamitin ang talaan at piliin lamang ang mga bagay na
kailangang bilhin upang magkasya ang badyet. Siguraduhing unahin
ang mga pangunahing pangangailangan.
BILANG NG
BIBILHING
PRODUKTO
PRODUKTO NA BIBILHIN PRESYO
TOTAL
format