pAGBASA REPorT paggamit ng mabisang paraan ng pagpapahayag sa reaksyong papel.pptx
mieval214
0 views
19 slides
Sep 06, 2025
Slide 1 of 19
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
About This Presentation
paggamit ng mabisang paraan npagpapahayag sa reaksong papel
Size: 2.45 MB
Language: none
Added: Sep 06, 2025
Slides: 19 pages
Slide Content
Paggamit ng Mabisang Paraan ng Pagpapahayag sa Reaksyong Papel SAMMIE | RYZA
Paglalahad Ayon kay Arrogante (1994), ang paglalahad ay isang pagpapaliwanag na obhetibo o walang pagkampi na may sapat na detalye at pawang pampalawak ng kaalaman sa paksang binibigyang-linaw nang lubos upang maunawaan nang may interes . Isang halimbawa ay ang pagsusuri ng epekto ng climate change sa mga tao at kalikasan . Sa pamamagitan ng mga datos , maaari itong ilahad sa isang talahanayan upang maging mas madaling maunawaan . Iba’t ibang Uri ng Pahayag
Pagsasalaysay Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay . Katulad ito ng pagkukuwento ng mga kawil-kawil na pangyayari , pasulat man o pasalita . Itinuturing ito na pinakamasining , pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag . Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat , epiko at mga kuwentong bayan. Halimbawa : Isang araw , nagpasya si Maria na ipasa ang kanyang proyekto sa huling minuto . Sa pag-uwi niya , inisip niya ang halaga ng tamang oras ng paggawa . Sa kabila ng mga pagsubok , natutunan niyang magplano at humingi ng tulong sa kanyang mga kamag-aral .
Pangangatwiran Ang pangangatwiran o pagmamatuwid ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag na ang isang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng katwiran o rason . Ang pangangatwiran ay kasingkahulugan ng pagbiibigay-palagay , paghuhulo , pag-aakala , pagsasapantaha o paghihinuha . Halimbawa : Ang paggamit ng plastik na bag ay nagdudulot ng polusyon at pinsala sa kalikasan at kalusugan . Kaya't nararapat itong ipagbawal at palitan ng mga eco-friendly na alternatibo .
Paglalarawan Ang paglalarawan ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-palagay tungkol sa isang tao , isang hayop , sa isang bagay, isang lugar o sa isang pangyayari sa pamamagitan ng makukulay , mahuhugis o maanyo at iba pang pandama . Halimbawa : Ang hardin ay puno ng makukulay na bulaklak na parang mga bituin na nag- aagaw ng kulay . Sa gitna ng hardin , may isang maliit na lawa na tinatampukan ng mga lumulutang na dahon ng lotus at masiglang paglipad ng mga paru-paro .
Quiz Time
1.Ayon kay Arrogante (1994), ang ______ ay isang pagpapaliwanag na obhetibo o walang pagkampi na may sapat na detalye at pawang pampalawak ng kaalaman sa paksang binibigyang-linaw nang lubos upang maunawaan nang may interes . A. Paglalahad B. Pagsasalaysay C. Pangangatwiran D. Paglalarawan Piliin ang tamang sagot . Isulat ang napiling sagot sa papel .
Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay . Katulad ito ng pagkukuwento ng mga kawil-kawil na pangyayari , pasulat man o pasalita . A. Paglalahad B. Pagsasalaysay C. Pangangatwiran D. Paglalarawan Piliin ang tamang sagot . Isulat ang napiling sagot sa papel .
3. Itinuturing ito na pinakamasining , pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag . Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat , epiko at mga kuwentong bayan. A. Paglalahad B. Pagsasalaysay C. Pangangatwiran D. Paglalarawan Piliin ang tamang sagot . Isulat ang napiling sagot sa papel .
isang anyo o paraan ng pagpapahayag na ang isang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng katwiran o rason . A. Paglalahad B. Pagsasalaysay C. Pangangatwiran D. Paglalarawan Piliin ang tamang sagot . Isulat ang napiling sagot sa papel .
isang anyo o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-palagay tungkol sa isang tao , isang hayop , sa isang bagay, isang lugar o sa isang pangyayari sa pamamagitan ng makukulay , mahuhugis o maanyo at iba pang pandama . A. Paglalahad B. Pagsasalaysay C. Pangangatwiran D. Paglalarawan Piliin ang tamang sagot . Isulat ang napiling sagot sa papel .
Ang mukha ni Daphne ay tila isang mahinhin na bulaklak na may mga mata na parang mga bituin at kutis na animo'y alabaster. A. Paglalahad B. Pagsasalaysay C. Pangangatwiran D. Paglalarawan Piliin ang tamang sagot . Isulat ang napiling sagot sa papel .
"Ang pag -recycle ng mga basura ay makakatulong sa ating kalikasan dahil nababawasan nito ang dami ng basurang napupunta sa mga landfill at nakakatipid tayo ng mga likas na yaman .“ A. Paglalahad B. Pagsasalaysay C. Pangangatwiran D. Paglalarawan Piliin ang tamang sagot . Isulat ang napiling sagot sa papel .
" Habang naglalakad si Ana papunta sa tindahan , nakita niyang nag- aaway ang dalawang bata sa kalsada .“ A. Paglalahad B. Pagsasalaysay C. Pangangatwiran D. Paglalarawan Piliin ang tamang sagot . Isulat ang napiling sagot sa papel .
"Ang Pilipinas ay kilala sa mga magagandang tanawin tulad ng Boracay, Palawan, at Banaue Rice Terraces. Ang mga ito ay dinadayo ng mga turista mula sa iba't ibang panig ng mundo dahil sa kanilang likas na kagandahan at kakaibang kultura na natatangi sa bansa .“ A. Paglalahad B. Pagsasalaysay C. Pangangatwiran D. Paglalarawan Piliin ang tamang sagot . Isulat ang napiling sagot sa papel .
Ayon kay ______ (____), ang paglalahad ay isang pagpapaliwanag na obhetibo o walang pagkampi na may sapat na detalye at pawang pampalawak ng kaalaman sa paksang binibigyang-linaw nang lubos upang maunawaan nang may interes . A. Aroggante (1991) B. Arrogante (1994) C. Arogantte (1993) D. Arrogannte (1995) Piliin ang tamang sagot . Isulat ang napiling sagot sa papel .
1. “ Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin dahil may darating pang ibang mas magmamahal sa’tin – ‘ yung hindi tayo sasaktan at paasahin …’ yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin” -John Lloyd “One More Chance 2007” 2. "I know what you're doing here. Just be careful with them, hindi lahat ng puso kasing tibay ng sa 'kin." - Clarisse (Andi Eigenman ), Camp Sawi Narito ang ilang mga popular na linya at pansinin ang mga sumusunod na linya na binanggit .
3. “Oh yes kaibigan mo ako , kaibigan mo lang ako … And I’m so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my bestfriend !!!” - Jollina Magdangal “Labas Kita Okey Lang 1998” 4. "All Is Fair In Love And War But Some Battles Leave No Victor, Only A Trail Of Broken Hearts That Makes Us Wonder If The Price We Pay Is Ever Worth The Fight.” – Lady Whisledown “Bridgerton” Narito ang ilang mga popular na linya at pansinin ang mga sumusunod na linya na binanggit .
Sagutin ang mga sumusunod na tanong : 3 – 5 Sentences ( 5 points each) Ano ang napuna mo sa bawat pahayag ? 2. Mayroon bang pagkakatulad o pagkakaiba sa mga ito ? 3. Anong uri ng pahayag ang mga nabanggit ? 4. Bakit mahalagang malaman ang uri ng mga pahayag ?