CHOOSE WISELY,CHOOSE WISELY,CHOOSE WISELY,
VOTE WISELYVOTE WISELYVOTE WISELY
ELECTION IS COMING!!
Paparating na naman ang eleksyon, maraming mga
kandidato na ang nag-sisilabasan na tila ba'y kahit
saan ay makikita mo ang kanilang mga mukha. Sa
mga tarpaulin, billboard, television, at pati na din sa
social media. Ang mga tatakbo para sa posisyon sa
gobyerno ay abala sa kani-kanilang mga paraan ng
pangangampanya, upang manghikayat at makilala
sila ng mga taong bayan. Hindi natin maitatanggi na
tayo'y minsan na ding nabulag sa mga salita at
pangako nila, sa mga pangako at salitang walang
mabuting naidudulot sa ating komunindad at bansa.
Ngunit gayon pa man, tao lang tayo at nangangarap
na magkaroon ng payapa at maunlad na bansa.
TAYO NA'T
matuto, at huwag
masilaw sa mga pangako. Sa mga salitang
walang aksyon, tayo na't tukuyin at kilalanin
ang mga tapat, at ang mga totoong tutulong sa
taong bayan. Iboto ang tapat at paalisin ang
kurakot sa gobyerno. Maging mapanuri sa
kung sino ang iboboto. Sapagkat tayo, tayo
ang mag-lalagay sa ating komunindad at
bansa sa kaunlaran, at sila ang magiging
instrumento, upang makamit natin ang
magandang kinabukasan. Tayo na at
magkaisa, 'pagkat sa ating mga boto
nakasalalay ang kaayusan ng ating tahanan.
Huwag nating sayangin ang ating mga boto,
bagkus, gamitin ito sa tama at matalino.
Sa paparating na eleksyon, ang taong bayan ang
magdadala ng mabuting kapalaran. Tayo ang
mag luluklok ng isang tao sa gobyerno, na may
dedikasyon at kaalaman sa papasukin nilang
posisyon. Kaya naman sa paparating na
eleksyon, ang boto mo ay mahalaga. Halina't
bumoto, huwag natin sayangin ang
pagkakataon na makapagboto at mag-halal ng
mga tamang tao para sa gobyerno. Tayo na't
magkaisa sa paparating na eleksyon, tukuyin at
iboto natin ang mga karapat-dapat, ang mga
tapat at matinong lider para sa ating
komunidad. Iboto ang nararapat, at ang may
magandang pangarap. Pumili ng taong
magiging isang mabuting instrumento at
magandang ehemplo sa mga mamamayang
Pilipino.
ELECTION 2025:
Gabriel Tyler Cordero
3