PANINGIT PANURING (pang- uri /pang- abay ) Kaganapan ng pandiwa
1. Mga paningit Bilang Pampalawak Mga paningit o ingklitik ang tawag natin sa mga katagang isinasama sa pangungusap upang higit na maging malinaw ang kahulugan nito . Halimbawa : Ba,Kasi,Kaya,daw / raw,Lamang,lang,Man,muna Na,Nga,pala,po,sana,tuloy,yata Hal: Kahit Po Hindi naman kayo matutuloy , ay dapat Lamang Na maghanda .
Hal: kahit hindi kayo matutuloy , dapat maghanda ka .
Ang lamang ay pormal na anyo ng kolokyal na anyo ng lang. Halimbawa :
1. Nais ko lamang ipabatid sa kinauukulan na hindi matutuloy ang pagpupulong .
2. ‘Wag ka lang mahuhuli sa klase kundi magagalit ang titser mo.. Mapapansing ang paningit na daw/raw at din/ rin ay malayang nagkakapalitan . Ang daw at din ay ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig , maliban sa mga malapatinig na / w/at/y/. Samantala ang raw at rin ay ginagamit naman kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig o malapatinig na /w/at/y/.
Halimbawa :
1. Malaki naman daw ang hinihingi mo kaya hindi ka niya napagbigyan .
2. Malaki raw ang hinihingi mo kaya hindi ka napagbigyan . Halimbawa : 1. Maswerte na rin naman ang batang iyon .
2. Buhay raw ang mga nakulong sa minahan .
3. Kalabaw raw ni kuya ang nawala .
Panuring (Pang- uri /Pang- abay ) Dalawang kategorya ng mga salita ang magagamit na panuring ang ;
A. Pang- uri na panuring sa pangngalan o panghalip B. Pang- abay na panuring sa pandiwa , pang- uri o kapwa pang- abay .. Batayang Pangungusap Ang mag- aaral ay iskolar Pagpapalawak sa pamamagitan ng karaniwang pang- uri Ang matalinong mag- aaral ay iskolar .
Pagpapalawak sa pamamagitan ng pariralang panuring Ang matalinong mag- aaral sa klase ko ay iskolar . Ang matalinong mag- aaral ng kasaysayan ay iskolar . Ang matalinong mag- aaral ng kasaysayan ay iskolar sa pamantasan .
Pang- abay na panuring sa pandiwa , pang- uri o kapwa pang- abay Batayang Pangungusap Ang mag- aaral ay iskolar Pagpapalawak sa pamamagitan ng ibang bahagi ng pananalita na gumaganap ng tungkulin ng pang- uri . Pangngalang ginagamit na panuring Ang mag- aaral na babae ay iskolar Panghalip na ginagamit na panuring Ang mag- aaral na babaing iyon ay iskolar . Pandiwang ginagamit na panuring Ang mag- aaral na babaing iyon na nagtatalumpati ay iskolar .
Pang- abay na panuring sa pandiwa , pang- uri o kapwa pang- abay . Pagpapalawak sa pamamagitan ng pang- abay Batayang Pangungusap Umalis ang mag- anak . 1.Pagpapalawak sa pamamagitan ng pang- abay na pamanahon ( Kailan ) Umalis agad ang mag- anak . 2. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pang- abay na pamaraan ( Paano ) Patallis na umalis agad ang mag- anak . 3. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pang- abay na panunan ( Saan ) Patalilis na umalis agad ang mag anak sa bahay
3. Mga kaganapan ng Pandiwa Bilang Pampalawak Ang ibat’t ibang uri ng kaganapan ng pandiwa ay mga pampalawak din ng pangungusap . Ang apat sa mga kaganapang ito ang gumaganap na rin ng tungkulin ng pang- abay . Ang mga ito ay: (1) kaganapang ganapan ng kilos ng pandiwa , (2) kaganapang kagamitan sa kilos ng pandiwa , (3) kaganapang sanhi , (4) kaganapang direksyunal , (5) kaganapang tagaganap at (6) kaganapang layon .
Bigyang halimbawa natin ang mga kaganapan ng pandiwa na ginagamit sa pagpapalawak ng pangungusap .
1. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang ganapan ng kilos ng pandiwa . Nagpiknik ang mag- anak sa tabing dagat . 2. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang kagamitan sa kilos ng pandiwa . Sinugpo niya ang kulisap sa kanyang mga pananim sa pamamagitan ng bagong gamot na ito . 3. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang sanhi . Yumaman siya dahil sa sipag at tiyaga . 4. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang direksyunal . Tumakbo ang kriminal patungo sa liblib na pook na iyon .
5. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang tagatanggap ng kilos ng pandiwa . Kinagalitan ni Aling Maria ang kanyang anak . 6. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang layon . Namili ng mga alahas si Josefina 7. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang tagatanggap . Nagluto si Pining para sa mga bata .
Bakit paksa at Di Simuno ? Katulad ng nasabi na bilang pasimulang paliwanag , higit na tinataglay ng salitang paksa ang tunay na kahulugan ng kabahagi ng pangungusap na kinakatawan nito Maging sa labas man ng balarila , ang tinatawag na paksa ay yaong pinag-uusapan . Dito umiinog ang lahat ng sinabi ng nagsasalita . Ang paksa ay siyang tema ng anumang usapan , maging maliitan man o malakihang pag-uusap .
Sa pananaw-pansemantika , masasabi nating sa maraming maraming pagkakataon , ang tinatawag na “subject” sa mga pangungusap na ingles ay may kahuluganng tagaganap ng kilos na isinasaad sa pandiwa . Sa pangungusap na I cut the wood , ang simunong I ay siyang gumaganap ng kilos sa pandiwang cut . Ang angkop na salin ng pangungusap na ito sa Pilipino ay “ Sinibak ko ang kahoy ”. Sa pangungusap na ito , ang paksa ay ang kahoy ; ang ko , na siyang tagaganap ng kilos ng pandiwa , ay bahagi lamang ng panaguri .
Maaaring maitutol na ang pangungusap na ingles sa itaas ay maaring tumbasan ng Nagsibak ako ng kahoy , at dito ang simunong ako ay tagaganap ng kilos ng pandiwa . Ngunit ang pangungusap na ito , Nagsibak ako ng kahoy , ay hindi angkop na salin ng pangungusap na Ingles na tinatalakay . Sa pangungusap na ito , hindi tiyak ang kahulugan ng pariralang ng kahoy ; samantalang , ang pariralang ang kahoy sa saling Sinibak ko ang kahoy ay nagbibigay ng tiyak na kahulugan . Sa ibang salita , tiniyak kung aling kahoy ang ibig sabihin . Ayos ng Pangungusap Katutubo sa kayarian ng pangungusap na Tagalog ( batayan ng Filipino) na mauna ang panaguri sa paksa . Mapapansing isa ito sa mga kaibhan sa kayarian ng mga pangungusap na Tagalog sa Ingles. Sa Ingles, ang ayos ng mga bahagi ng pangungusap ay simuna-panaguri . Sa Filipino, panaguri-paksa , paksa-panaguri
Bahagi ng Pangungusap Simuno - ang paksa o ang binibigyang impormasyon ng panguri . Panaguri- nagbibigay impormasyon tungkol sa paksa . Nagsisimula sa katagang “ay” sa di- karaniwang ayos ng pangungusap . Ang pangungusap ay may dalawang ayos, ang karaniwan at DI-karaniwan ayos: Karaniwang Ayos ng Pangungusap - karaniwan ang ayos ng pangungusap kung ang panaguri ang nauuna sa simuno o paksa . Halimbawa : Nagpapalabas ng balita ang telebisyon . Naglaba ng damit si Aling Maria.
Di- Karaniwang Ayos Kung ang simuno naman ang nauuna kaysa sa panaguri , ito ay nasa di- karaniwang ayos. Halimbawa : Ang kotse ay umandar nang mabilis .
Si Liza ay nagluluto ng hapunan .