Pagpapanatili ng Panahanan (Habitat) ng mga Hayop sa Pamayanan.pptx
aryls
7 views
18 slides
Sep 14, 2025
Slide 1 of 18
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
About This Presentation
Grade Seven Values Education
Size: 2.17 MB
Language: none
Added: Sep 14, 2025
Slides: 18 pages
Slide Content
Values of the Week Mabuting Katiwala ( Good stewardship )
Pagpapanatili ng Panahanan (Habitat) ng mga Hayop sa Pamayanan
Balik aral Bakit mahalagang pagninilayan ang mga isyu ng bayan ?
Mga tanong : Ano ang mensaheng nais ipabatid ng awitin? Sino ang tinutukoy na mabuting katiwala sa awit? Ano ang damdaming nangibabaw sa awit ? Batay sa liriko ng awit , bakit nararapat ana maging mabuting katiwala ng Diyos ang tao ? Paano masasabi na ang isang tao ay mabuting katiwala ?
Panuto : Bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang mga salitang nasa loob ng kahon .
Habitat – Ito ay tumutukoy sa natural na tirahan o kapaligiran kung saan naninirahan at namumuhay ang isang partikular na uri ng organism gaya ng tao o hayop . Terrestial – Ito ay tumutukoy sa mga bagay na nauugnay sa sa lupa o kalupaan . Aquatic – Ito ay tumutukoy sa mga bagay na nauugnay sa tubig o sa anyong tubig
Ang "habitat" ay tumutukoy sa natural na tirahan o kapaligiran kung saan naninirahan at nagpaparami ang isang tiyak na uri ng hayop , halaman , o organismo . Ito ang lugar kung saan ang mga ito ay nakakahanap ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain , tubig , tirahan , at pag-aasawa .
POOK-TIRAHAN NG MGA HAYOP Lupa ( Terrestial )- Ang "terrestrial" ay isang salitang Ingles na tumutukoy sa mga bagay na nauugnay sa lupa o sa kalupaan . Ito ay madalas na ginagamit upang ilarawan ang mga hayop , halaman , o kahit anong uri ng organismo na naninirahan o nakatira sa lupa . Tubig (Aquatic)- Ang "aquatic" ay tumutukoy sa mga bagay na nauugnay sa tubig o sa anyong tubig . Ito ay madalas na ginagamit upang ilarawan ang mga organismo , habitat, o bagay na nakakabit o nakaugnay sa mga ekosistema ng tubig . Lupa at Tubig - Ito ay panahanan para sa mga hayop na pwedeng mabuhay o manirahan sa parehong lupa at tubig .
Mga paraan kung paano maging mabuting katiwala : Pag-aalaga sa kalikasan : Pag-iwas sa mga bagay na nakasisira sa kalikasan tulad ng pagtatapon ng basura sa tamang lugar , pag -save ng tubig , at iba pa. Pag-aalaga sa ari-arian : Pagpapanatili ng mga gamit at kagamitan , at ang pagiging responsable sa mga pag-aari . Pag-aalaga sa mga tao : Pagpapakita ng malasakit sa kapwa , pagtulong sa mga nangangailangan , at pagpapakita ng respeto sa ibang tao .
Pamprosesong tanong: Ano ang mga hakbang na gagawin mo upang maprotektahan ang kalikasan sa iyong komunidad ?
Panuto : Gumupit o gumuhit ng limang (5) larawan ng mga hayop na naninirahan sa lupa , tubig at sa parehong lupa at tubig .
Paano mo iingatan at pangangalagaan ang ibat-ibang panahanan ng mga hayop sa inyong pamayanan ?
Panuto : Pagnilayan ang mensahe ng Bible Verse:
Anong mensahe o aral ang nais ipahatid ng bersikulong ito ?
Ano ang mahalagang aral ang natutunan mo sa aralin ito ?
MAIKLING PAGSUSULIT Panuto : Iguhit ang happy emoji ( ) kung ang pahayag ay nagsasaad ng malasakit sa hayop at panahanan nito at sad emoji ( ) naman kung hindi . 1. Responsibilidad ng bawat isa na pangalagaan ang kalikasan kung saan naninirahan ang mga hayop . 2. Ang pag-aalaga sa mga hayop ay nangangahulugang pagbibigay sa kanila ng sapat na pagkain at tirahan .
1. Responsibilidad ng bawat isa na pangalagaan ang kalikasan kung saan naninirahan ang mga hayop . 2. Ang pag-aalaga sa mga hayop ay nangangahulugang pagbibigay sa kanila ng sapat na pagkain at tirahan . 3. Maraming tao ang walang pakialam sa pagkawala ng natural na habitat ng mga hayop basta mapakinabangan lamang ang lupa para sa kanilang pangangailangan . 4. Dapat nating pangalagaan ang habitat ng mga hayop upang maiwasan ang kanilang pagkaubos . 5. Pagtutulungan ng mga tao at pamahalaan ang pangangalaga sa mga wildlife preserve upang protektahan ang habitat ng mga hayop .