Pagpapaunlad ng Sariling Kakayahan, Talento at Hilig nang may Paggabay ng Pamilya
JamorahJeanCariaga
0 views
79 slides
Oct 21, 2025
Slide 1 of 85
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
About This Presentation
Daily lesson plan for GMRC Grade 4
Size: 10.59 MB
Language: none
Added: Oct 21, 2025
Slides: 79 pages
Slide Content
Pagpapaunlad ng Sariling Kakayahan, Talento, at Hilig nang may Paggabay ng Pamilya GMRC 4 Q2 W1 DAY 1
Pagbabalik-tanaw sa mga Natutuhan
Alalahanin ang nakaraang aralin. Simulan ang bagong aralin sa pamamagitan ng mga gawaing ito
Sabi niya Sabi ko naman 1. Ikaw ay mahalaga dahil Ako ay mahalaga dahil 2. Ikaw ay mahusay sa Ako ay mahusay sa 3. Kaya mong harapin ang anomang dahil Kaya kong harapin ang anomang hamon dahil
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang maunawaan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng sariling kakayahan, talento, at hilig sa tulong at paggabay ng pamilya. Layunin nitong
Hikayatin ang mga mag-aaral na kilalanin at pahalagahan ang kanilang natatanging kakayahan at interes.
Maipakita kung paano nakatutulong ang pamilya sa pagtuklas at paghubog ng talento at hilig ng isang bata.
Mapagtanto ng mga mag-aaral na ang pagpapaunlad ng sarili ay isang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan, na higit na magiging makabuluhan sa tulong ng suporta ng pamilya.
Sa pamamagitan ng araling ito, mahihikayat ang mga mag-aaral na maging mas masigasig sa paglinang ng sarili habang kinikilala ang mahalagang papel ng pamilya sa kanilang tagumpay.
Halimbawa 1
Si Ana ay mahilig gumuhit ng mga larawan ng kalikasan. Napansin ito ng kanyang nanay at binigyan siya ng sketchpad at lapis.
Tuwing weekend, sinasamahan siya ng kanyang kuya upang magpinta sa parke.
Dahil sa suporta ng kanyang pamilya, mas lalong gumaling si Ana sa pagguhit at sumasali na rin siya sa mga patimpalak sa paaralan.
Halimbawa 2
Si Rico ay mahilig umawit. Ngunit mahiyain siya at ayaw kumanta sa harap ng maraming tao. Pinakinggan siya ng kanyang lola at sinabing, “Napakaganda ng boses mo, apo.
Subukan mong kumanta sa harap natin.” Sa tulong at paghikayat ng kanyang pamilya, unti-unti siyang nagkaroon ng tiwala sa sarili hanggang sa nakasali siya sa choir ng klase.
Halimbawa 3
Si Liza ay may kapansanan sa paningin ngunit mahusay siyang magkuwento. Ang kanyang tatay ay laging nagbabasa sa kaniya ng mga aklat.
Kalaunan, natutunan ni Liza ang pagbibigay ng kwento gamit ang kaniyang imahinasyon.
Sa suporta ng kaniyang pamilya, siya ngayon ay nakikilahok sa storytelling contests gamit ang audio recordings at puppet shows.
Basahin ang kuwento ni Lucas at tingnan kung ano ang kaniyang kakaibang kakayahan. Alamin din kung paano siya naging matagumpay gamit ang kaniyang kakayahan.
Si Lucas at ang kaniyang Lapis Pagkukuwento ni Ethel R. Burgos
Sa isang maliit na nayon ng Gara, naninirahan ang mag-asawang sina Lina at Mario kasama si Lucas, ang kanilang nag-iisang anak. Si Lucas ay isang matalino at mahusay na bata.
Sa murang edad na siyam, palagi niyang dala-dala ang kaniyang lapis at papel upang iguhit ang kaniyang mga nakikita. Napansin ng kaniyang mga magulang ang hilig niya sa pagguhit.
Kung kaya nagsikap ang mga ito na suportahan si Lucas sa pamamagitan ng pagbili ng mga gamit pangsining.
Para maipadama sa anak ang kanilang suporta, palagi silang naglalaan ng oras upang pag-usapan ang mga gawang sining ni Lucas at kung paano sila makatutulong na mapaunlad pa ito.
Isinasalaysay naman ng kaniyang nanay ang mga kuwento tungkol sa mga kilalang artista sa larangan ng sining na may pinagdaanang hirap at tagumpay. Ang mga kuwentong ito ng ina ay nagbibigay sa kaniya ng determinasyon.
Maraming mga pagsubok ang hinarap ni Lucas. Dahil sa hirap din ng buhay, kung minsan ay hindi niya mabili ang mga bagay na angkop para sa kaniyang hilig sa pagguhit.
May mga pagkakataon na kailangan niyang magtipid ng kaniyang baong pera para may maitabi para sa mga kagamitang kailangan niya sa kaniyang pagguhit.
Dumating din ang mga sandaling naging mababa ang kaniyang tiwala sa sarili. Ngunit ang kaniyang mga magulang ay laging nariyan upang ipaalam sa kaniya ang
kahalagahan ng kaniyang talento at ang pagmamahal nila sa kaniya anoman ang kaniyang marating. Ang hindi matitinag na suporta na ito ay nagbigay- lakas at tapang na magpatuloy.
Habang lumalaki si Lucas, patuloy na umuunlad ang kaniyang hilig at talento sa pagguhit. Dahil dito, naipagkaloob sa kaniya ang isang iskolarsyip sa isang prestihiyosong paaralan ng sining sa Amerika.
Masayang-masaya ang kaniyang mga magulang sa parangal na tinanggap niya. Lumipas ang maraming taon at nagsimulang kilalanin ang sining ni Lucas.
Ang kaniyang mga likha ay naging bahagi ng mga iba't ibang eksibit at siya ay naging isang kilalang mangguguhit. Nanatili naman sa kaniyang tabi ang kaniyang mga magulang sa buong paglalakbay niya.
Siya ay nagtagumpay dahil sa kaniyang kahusayan at sa tulong, gabay, at pagmamahal ng kaniyang pamilya.
Ang kuwento ni Lucas ay isang inspirasyon para sa mga batang katulad ninyo. Ipinapakita nito na ang ating talento at hilig ay maaaring magdala sa atin sa tagumpay, lalo na kung ito ay pinagyayaman at sinusuportahan ng ating pamilya.
Si Lucas ay may hilig sa pagguhit. Gamit lamang ang lapis at papel, naipakita niya ang kaniyang galing. Hindi man sila mayaman, ginawa ng kaniyang pamilya
ang lahat upang siya ay matulungan — binilhan siya ng gamit, kinausap siya tungkol sa sining, at pinalakas ang kaniyang loob.
Kaya nating paunlarin ang ating kakayahan sa tulong ng pamilya. Kailangan lang natin ng sipag, tiyaga, at suporta ng mga mahal natin sa buhay.
PANGKATANG GAWAIN Materials Needed
Manila paper or large chart paper
Crayons, markers, glue, and scissors
Pre-cut shapes or printed images (for students with fine motor difficulties)
Sample template (for guidance)
Voice recorders or drawing tablets (optional; for non-verbal or motor-impaired students)
Procedure
1.Group Formation: Divide the class into small heterogeneous groups of 4–5 members. Ensure each group includes a mix of learning styles and abilities.
2. Discussion Prompt (5 mins): Ask groups to discuss: “Ano ang talento o hilig ng bawat isa sa grupo?” “Paano kayo tinutulungan ng inyong pamilya para paunlarin ito?”
3. Create a Poster (20–25 mins): Each group will create a poster titled: “Mga Katulad ni Lucas: Talento Ko, Suporta ng Pamilya Ko”
The poster should include
Drawings or symbols showing group members’ talents (e.g., singing, dancing, drawing, fixing things)
Short phrases/sentences on how their families help them (e.g., “Tinuturuan ako ng nanay ko,” “Binibigyan ako ng oras,” etc.)
A message of encouragement like “Lahat tayo ay may kakayahan na puwedeng paunlarin!”
4.Inclusive Element: For students with writing difficulties, assign a groupmate to write for them.
For students with hearing impairments, provide the instructions in writing and use visuals during discussion.
For students who are non-verbal, allow the use of drawings or symbols to express their ideas.
5. Gallery Walk and Presentation (10 mins): Let each group post their work around the room. Do a gallery walk where groups take turns briefly explaining their work.
Use thumbs-up signs or smiley stickers for positive feedback from classmates.
Mga bata, nakita natin sa kuwento kung paano ginamit ni Lucas ang kanyang talento sa pagguhit upang magtagumpay.
Pero higit pa roon, nakita rin natin kung gaano kahalaga ang pagsusumikap at ang paggabay ng pamilya sa pag-abot ng pangarap.
Ngayong alam na natin ito, paano naman natin ito maisasagawa sa sarili nating buhay?
Halimbawa: Kung ikaw ay magaling sa pagkanta, maaari kang magsanay araw-araw at pakinggan ang payo ng iyong magulang o guro.
Halimbawa: Kung mahilig ka sa matematika, humingi ka ng tulong sa iyong nanay o tatay upang lalo kang gumaling — gaya ng pagtanong kung paano ginagawa ang mga bayarin sa tindahan.
Mga Tanong na Maaaring Talakayin sa Klase
1.Ano ang hilig o talento mo?
2.Paano mo ito pinauunlad sa bahay o sa paaralan?
3.Paano ka tinutulungan ng iyong pamilya upang lalo kang gumaling sa iyong hilig?
4.Anong katangian ni Lucas ang gusto mong tularan?
5.Ano ang maaari mong gawin ngayon upang mas mapabuti ang iyong kakayahan?
Ang ating kakayahan, talento, at hilig ay maaaring maging daan sa tagumpay kung ito ay pinagyayaman at sinusuportahan ng ating pamilya.
Ang sipag, tiyaga, at paniniwala sa sarili ay mahalaga upang mapagtagumpayan ang anumang hamon sa buhay.
Tulad ni Lucas, makakamit natin ang ating pangarap kung may gabay, tulong, at pagmamahal mula sa mga mahal natin sa buhay.
Panuto : Piliin ang tamang sagot.
1. Ano ang hilig ni Lucas na kaniyang ipinagpatuloy ? A. Pag- awit B. Pagluluto C. Pagguhit D. Pagsasayaw
2. Paano sinuportahan ng magulang ni Lucas ang kaniyang talento? A. Pinilit siyang mag-aral ng medisina B. Binilhan siya ng mga gamit pangsining at kinausap siya tungkol sa sining C. Ipinagbili ang kanyang mga likhang sining D. Hindi nila pinansin ang kaniyang talento
3. Ano ang hamon na hinarap ni Lucas sa kanyang pagguhit? A. Hindi siya tinanggap sa paaralan B. Walang sumusuporta sa kaniya C. Walang sapat na pera para sa mga gamit D. Ayaw ng guro sa kaniyang sining
4. Ano ang naging bunga ng pagsusumikap at suporta sa talento ni Lucas? A. Napagod siya at sumuko B. Naging guro siya sa kanilang nayon C. Nakatanggap siya ng scholarship sa ibang bansa D. Nawalan siya ng gana sa pagguhit
5. Ano ang pangunahing mensahe ng kuwento ni Lucas? A. Mag-aral ng sining sa Amerika B. Maging masunurin sa utos C. Paunlarin ang talento at hilig sa tulong ng pamilya D. Magtipid sa gamit pang-eskuwela
ANSWER KEY
1. Ano ang hilig ni Lucas na kaniyang ipinagpatuloy? A. Pag-awit B. Pagluluto C. Pagguhit D. Pagsasayaw
2. Paano sinuportahan ng magulang ni Lucas ang kaniyang talento? A. Pinilit siyang mag-aral ng medisina B. Binilhan siya ng mga gamit pangsining at kinausap siya tungkol sa sining C. Ipinagbili ang kanyang mga likhang sining D. Hindi nila pinansin ang kaniyang talento
3. Ano ang hamon na hinarap ni Lucas sa kanyang pagguhit? A. Hindi siya tinanggap sa paaralan B. Walang sumusuporta sa kaniya C. Walang sapat na pera para sa mga gamit D. Ayaw ng guro sa kaniyang sining
4. Ano ang naging bunga ng pagsusumikap at suporta sa talento ni Lucas? A. Napagod siya at sumuko B. Naging guro siya sa kanilang nayon C. Nakatanggap siya ng scholarship sa ibang bansa D. Nawalan siya ng gana sa pagguhit
5. Ano ang pangunahing mensahe ng kuwento ni Lucas? A. Mag-aral ng sining sa Amerika B. Maging masunurin sa utos C. Paunlarin ang talento at hilig sa tulong ng pamilya D. Magtipid sa gamit pang-eskuwela