pagsubok ay isang suliranin na dapat masulosyunan upang malagpasan ito
degoriosheng314
1 views
19 slides
Oct 06, 2025
Slide 1 of 19
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
About This Presentation
pagsubok ay isang suliranin na dapat masulosyunan upang malagpasan ito
Size: 1.27 MB
Language: none
Added: Oct 06, 2025
Slides: 19 pages
Slide Content
Mga Pagsubok sa Pamilya Matatag (Resilience)
Panuto: Basahin at suriin ang sumusunod na sitwasyon . Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong upang matukoy ang suliranin at ang mga posibleng epekto nito sa pamilya . Si Ana ay isang Grade 8 student na madalas lumiban sa klase dahil tumutulong siya sa kanyang nanay sa pagtitinda ng gulay sa palengke . Madalas din siyang mapuyat dahil sa pagtulong sa gawaing bahay . Dahil dito , bumababa ang kanyang mga marka at nag- aalala ang kanyang mga magulang sa kanyang kinabukasan .
Ano ang pangunahing suliranin ng pamilya nina Ana? Ano ang maaaring maging epekto nito kay Ana at sa kanilang pamilya kung hindi agad matutugunan ? 3. Ano ang wastong hakbang na dapat gawin ng pamilya upang malampasan ang suliraning ito ?
Maraming ang kinakaharap ng bawat sa kasalukuyang panahon. Ang mga na ito ang nagpapahina sa isang pamilyang at nagiging dahilan ng unti-unting pagkawasak nito. Nararapat na suriin kung paano sinisira ng mga problemang ito ang kaayusan ng pamilyang Pilipino upang maging epektibo ang sa mga ito. Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin HANAPSALITA Panuto: Punan ang patalang sa talata upang mabuo ang diwa nito. Hanapin ang angkop na salita sa loob ng kahon.
Kahalagahan sa Pag- unawa at Pagtanggap sa mga Pagsubok sa Pamilya Narito ang ilan sa mga hamong ito : 1. Mga pagbabago sa pagpapahalaga ng mga kabataan Isang pananaliksik ang ginawa ni MacCann Erikson noong 2006 tungkol sa mga kabataaang Pilipino na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na lumalarawan sa mga pagbabago ng pamilyang Pilipino.
2. Ang liberal na oryentasyon na pagsasama o pag-aasawa at pagpapamilya . Sa kasalukuyan , parami nang parami ang pagnanais na magsama na lamang ng walang kasal o pananagutan ng pag-aasawa o ang tinatawag na live-in.
3. Pagkakaroon ng isang magulang lamang . Ito ang mabilis na lumalaganap ngayon sa ating bansa sa kadahilanan ng paghihiwalay ng mag- asawa , pag - abandona sa anak , pag-aanak sa labas , pag-aasawa nang maaga , at pagtatrabaho sa ibang bansa .
Paglaganap ng mga watak na pamilya (broken families) . Ang kawalan ng mga pagpapahalaga tulad ng pagsasakripisyo , pagpaparaya , malalim na pag - unawa , at pagpapatawad ay nagtutulak sa mga mag- asawa na maghiwalay . Bilang resulta , maraming anak ang napapariwara dahil sa kawalan ng sapat at tamang pagsubaybay .
5. Karalitaan . Ito ang pangunahing ugat ng mga suliraning kinakaharap nito . Ang karalitaan ay dahilan ng pagkakaroon ng child labor, prostitusyon , pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot , at iba pang masamang epekto nito .
6. Impluwensya ng media at teknolohiya . Malaya at madali ang paggamit nito sa tahanan , ngunit marami sa mga nakikita rito ay may temang karahasan , kalaswaan , at pagkamateryoso na nagdudulot ng mga maling pagpapahalaga at pananaw sa buhay .
Gawain 2: Pagsusuri ng Artikulo ! (15 Minuto) Panuto : Basahin ang maikling artikulo sa ibaba . Pagkatapos , sagutin ang mga tanong upang mailapat ang iyong pag-unawa sa mga hamong kinakaharap ng pamilya . Artikulo : “Sa kasalukuyan , maraming kabataang Pilipino ang mas inuuna ang paggamit ng cellphone at social media kaysa sa pakikisalamuha sa kanilang pamilya . Bukod dito , maraming magulang ang napipilitang mangibang-bansa para sa mas magandang trabaho . Ang resulta , lumalaki ang bilang ng mga pamilyang magkakalayo at kulang sa gabay ng magulang . Dahil dito , dumarami rin ang kabataang nalululong sa bisyo at nawawalan ng interes sa pag-aaral .”
Mga Tanong : 1. Anong suliranin ng pamilya ang binigyang-diin sa artikulo ? 2. Paano ito nakaaapekto sa mga kabataan ? Magbigay ng dalawang halimbawa . 3. Ano ang maaaring gawin ng pamilya upang mapagtagumpayan ang problemang ito ?
1. Ang tatay ay nawalan ng trabaho , paano makakatulong ang pamilya ? 2. Ang anak ay nawiwili sa paglalaro ng online games at napapabayaan ang pag-aaral . Ano ang nararapat na gawin ? 3. Ang magulang ay nagtatrabaho abroad at ang anak ay lumalaking malayo sa kanila . Ano ang tamang hakbang para mapanatili ang komunikasyon at pagmamahalan ? 4. Ang pamilya ay dumaranas ng kahirapan . Paano maipapakita ang pagtutulungan ng bawat kasapi ? Gawain:3 Pamagat:SampayanngKarunungan(15Minuto)
Paglalapat ng mga Wastong Tugon sa mga Nararanasang Pagsubok sa Pamilyang Kinabibilangan
Narito ang ilang hakbang upang mapagtagumpayan ng pamilya ang mga suliraning kinakaharap nito: 1. Muling pagtibayin ang buhay pampamilya batay sa diwa ng pananampalataya sa Diyos . 2.Paglaanan ang materyal , pangkabuhayan , biyolohikal , kultural , at espiritwal na mga pangangailangang pampamilya . 3.Pag-ibayuhin at pagtibayin ang paninindigan na ang asal ay mahalaga para sa isang sagradong pagsasama .
4.Maituro ang tamang paghahanda sa pag-aasawa upang magampanan ang mga tungkulin at pananagutan tungo sa responsableng pagmamagulang . 5.Masiguro na ang tahanan ay itinuturing na mahalaga at bukal na pinagmumulan ng kaligayahan ng bawat kasapi ng pamilya . 6.Magkaroon ng matibay at malakas na pagsalungat sa mga imoral na pelikula o palabas gayundin sa lahat ng uri ng pornograpiya upang makaiwas sa tukso , pagnanasa , at kasamaan na patuloy na sumisira sa ugnayan ng pamilya at ng mga miyembro nito .
7.Kilalanin at tugunan ang mga espiritwal na pangangailangan ng bawat miyembro ng pamilya upang makapamuhay nang matuwid ayon sa turo ng simbahan o relihiyong kinabibilangan . 8.Maitaguyod at maipahayag ang kahalagahan ng pamilya sa lipunan sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga pag-aaral , kapulungan , lathalain , at organisasyon na naghahangad sa pagpapaunlad ng pangkatawan at pangkabuhayang kapakanan ng pamilya .
Gawain 4: Alalahanin Mo! (10 Minuto) Panuto: Balikan ang mga hakbang na binanggit upang mapagtagumpayan ng pamilya ang mga suliranin (mula 1–8). Piliin ang tatlong pinakamahalagang hakbang para sa iyo. Isulat kung bakit mo ito pinili at magbigay ng halimbawa ng sitwasyon sa pamilya kung saan ito maaaring maisagawa.