pagsulat ng abstrak sa Piling Larang.pptx

KemberlyMatulac4 0 views 15 slides Oct 01, 2025
Slide 1
Slide 1 of 15
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15

About This Presentation

pagsulat ng abstrak sa piling larang


Slide Content

PAGSULAT NG ABSTRAK

LAYUNIN Nabibigyan kahulugan ang mga terminong akademikong may kaugnayan sa piniling sulatin Nakasusunod sa estilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin Nakasusulat ng maayos na akademikong sulatin (Abstrak)

Depinisyon: ANO ANG ABSTRAK Ang abstrak (mula sa Latin na abstracum) ay maikling buod ng artikulong nakabatay sa pananaliksik, tesis, rebyu, o katitikan ng komperensiya. Ang abstrak ay ginagawang lagusan ng isang papel sa isang copyright, patent or trademark application. Ginagamit din ito sa indexing ng mga pananaliksik sa iba’t ibang akademikong disiplina upang madaling maipaunawa ang isang malalim at kompleks na pananaliksik. Ginagamit din ito bilang batayan sa pagpili ng proposal para sa presentasyon ng papel, workshop o panel discussion tulad ng mga nakikita sa online database

TATLONG URI NG ABSTRAK Impormatibong Abstrak Deskriptibong Abstrak Kritikal na Abstrak

IMPORMATIBONG ABSTRAK Ito ay naglalaman na ng halos lahat ng mahahalagang impormasyong matatagpuan sa loob ng pananaliksik. Maaari itong makapag-isa dahil nagbibigay ito ng buong ideyang lalamanin ng papel ng pananaliksik Binubuod dito ang kaligiran, layunin, tuon, metodolohiya, resulta at kongklusyon ng papel. Naglalaman ito ng motibasyon - sinasagot nito ang tanong kung bakit pinag-aaralan ang paksa, suliranin - kailangang masagot kung ano ang sentral na suliranin, pagdulog - paraan kung paano kinalap ang datos, resulta - kinalabasan ng pag-aaral at kongklusyon - sinasagot kung ano ang implikasyon ng pananaliksik batay sa mga natuklasan. Mas karaniwan itong ginagamit sa larangan ng agham, inhinyeriya (engineering) o sa ulat ng mga pag-aaral sa sikolohiya

DESKRIPTIBONG ABSTRAK Inilalarawan nito sa mga mambabasa ang pangunahing ideya ng papel. Nakapaloob dito ang suliranin at layunin ng pananaliksik, metodolohiyang ginamit at saklaw ng pananaliksik, ngunit hindi isinasama ang resulta, kongklusyon at mga naging rekomendasyon ng pag-aaral. Mas karaniwan itong ginagamit sa mga papel sa Humanidades at Agham Panlipunan, at sa mga sanaysay sa sikolohiya. Hindi buo ang impormasyong ibinibigay nito tungkol sa pananaliksik

KRITIKAL NA ABSTRAK Pinakamahabang uri ng abstrak halos katulad ng isang rebyu. Naglalaman ng motibasyon, suliranin, pagdulog at pamamaraan, resulta at kongklusyon. Nagbibigay ito ng ebalwasyon sa kabuluhan, kasapatan at katumpakan ng isang pananaliksik.

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA ABSTRAK kumpleto ang mga bahagi walang impormasyon hindi nabanggit sa papel nauunawaan ang pangkahalatan at ng target na mambabasa Gumagamit ng mga simpleng pangungusap na nakatatayo sa sarili nito bilang isang yunit ng impormasyon. Binubuo ng 200-250 salita.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK 1. Basahing muli ang buong papel. Habang nagbabasa, isaalang-alang ang gagawing abstrak. Hanapin ang mga bahaging ito, layunin, pamamaraan, sakop, resulta, kongklusyon, rekomendasyon, o iba pang bahaging kailangan sa uri ng abstrak na isusulat. 2. Isulat ang unang draft ng papel. Huwag kopyahin ang mga pangungusap. Ilahad ang mga impormasyon gamit ang sariling salita. 3. Irebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang kahinaan sa organisasyon at ugnayan ng mga salita o pangungusap, tanggalin ang mga hindi kailangang impormasyon, magdagdag ng mahahalagang impormasyon, tiyakin ang ekonomiya ng mga salita, at iwasto ang mga maling gramatika at mekaniks. 4. I-proofread ang pinal na kopya.

PANUTO: ISULAT ANG TAMA KUNG WASTO ANG PAHAYAG AT MALI KUNG HINDI WASTO ANG PAHAYAG. SA PAMAMAGITAN NG ABSTRAK, KAILANGAN MAUNAWAAN AT MAGKAROON NG IDEYA ANG ISANG MAMBABASA SA NILALAMAN NG PANANALIKSIK GAWAIN 1: TAMA O MALI

2. ANG KRITIKAL NA ABSTRAK ANG PINAKAMAHABANG URI NG ABSTRAK. 3. ANG ABSTRAK AY SIKSIK NA BERSYON NG MISMONG PAPEL. 4. KARANIWANG UNANG TINITINGNAN NG MAMBABASA ANG ABSTRAK KAYA MAITUTURING ITONG MUKHA NG AKADEMIKONG PAPEL. GAWAIN 1: TAMA O MALI

5. SA KABILA NG KAIKLIAN NG ABSTRAK, KAILANGANG MAKAPAGBIGAY PA RIN ITO NG SAPAT NA DESKRIPSIYON O IMPORMASYON TUNGKOL SA LAMAN NG PAPEL. 6. ANG DESKRIPTIBONG ABSTRAK AY NAGLALAMAN NG HALOS LAHAT NG MAHAHALAGANG IMPORMASYONG MATATAGPUAN SA PANANALIKSIK. 7. PINAKAKARANIWANG URI NG ABSTRAK ANG IMPORMATIBONG ABSTRAK. GAWAIN 1: TAMA O MALI

8. KADALASANG GINAGAMIT SA HUMANIDADES AT AGHAM PANLIPUNAN ANG IMPORMATIBONG ABSTRAK. 9. KARANIWANG GINAGAMIT SA LARANGAN NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA ANG IMPORMATIBONG ABSTRAK. 10. NAKAPALOOB SA DESKRIPTIBONG ABSTRAK ANG KALIGIRAN, LAYUNIN AT TUON NG PAPEL O ARTIKULO. GAWAIN 1: TAMA O MALI

TAMA TAMA TAMA TAMA TAMA MALI TAMA MALI TAMA TAMA SAGOT

Sagot: GAWAIN Isulat ang iyong kolum sa bahaging ito. Ngayon ay isasagawa mo ang pagsulat ng sariling kolum. Sundin ang panuto upang makabuo ng malinaw at makabuluhang sulatin. Pumili ng balita mula sa paaralan, komunidad, o bansa. Unawain ang nilalaman nito. Sumulat ng kolum na may panimula, katawan, at wakas. Ipakita ang sariling opinyon tungkol sa balita. Panuto:
Tags