PAGSULAT NG AGENDA at MGA DAPAT TANDAAN.pptx

dhrei1998 0 views 13 slides Sep 23, 2025
Slide 1
Slide 1 of 13
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13

About This Presentation

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Agenda


Slide Content

PAGSULAT NG AGENDA INIHANDA NI: ANDREA JEAN M. BURRO

Ano kaya ang magiging daloy ng usapan ng mga nagpupulong kung walang agenda o talaan ng pinag-uusapang sinusundan ?

AGENDA talaan ng mga pag-uusapan sa isang pormal na pagpupulong layuning magbigay ng impormasyon sa mga taong kasangkot sa mga temang pag-uusapan at sa mga usaping nangangailangan ng pansin at pagtugon .

AGENDA Binibigyang-halaga rin dito ang rekomendasyon na lulutas sa isang isyu kailangang maibigay ang agenda sa mga taong kasangkot sa pulong bago pa dumating ang takdang panahon ng pagpupulong

AGENDA kailangang mapag-aralan ng mga kasangkot ang nakatala sa agenda upang magkaroon sila ng panahon na siyasatin ang nilalaman nito at makapagbigay pa ng mga mungkahi o ideya

AGENDA ang kalihim at administrador ang siyang mga kasangkot sa pagsulat ng agenda

Dapat tandaan sa pagsulat ng Agenda: 1. Simulan kaagad ang paghahanda sa pagsulat ng agenda ; gawin sa araw mismo ng pagkakaroon ng petsa at tema upang matiyak na maisasagawa nang maayos ang susunod na pagpupulong , at may kaisahang pagtutunguhan ang mga pag-uusapan sa pulong .

2. Bigyang-halaga ang lugar na pagdarausan ng pulong at ang oras kung kailan ito magsisimula at matatapos 3. Bigyang-halaga ang layuning inaasahang makamit sa araw ng pagpupulong . 4. Bigyang-pansin ang mga isyu o usaping tatalakayin sa pulong ; dapat maikli lang ang bahaging ito ; sigiraduhing lahat ng pag-uusapan ay mailalagay sa agenda.

Halimbawang balangkas ng Agenda: Panalangin Muling pagbasa ng nakaraang katitikan ng pulong (review) at pagrerebisa Pagwawasto ng ilang kamalian kung mayroon at pagbibigay-linaw sa isyu kung mayroon pa.

Halimbawang balangkas ng Agenda: Pagsang-ayon sa nakaraang katitikan ng pulong regular na report mga pangunahing puntong pag-uusapan iba pang bagay na nais pag-usapan muling pagtatakda sa araw ng pagpupulong ( petsa )

5. Tiyakin na ang mga taong kasangkot lamang na nasa listahan ang dapat dumalo sa pulong .
Tags