Mga Dapat Isaalang- alang sa Pagsulat ng
Lathalaing na Pang-Agham at Teknolohiya:
1. Teknikalidad
●Kaisahan at kaugnayan sa tema o topiko na ibinigay
●Nakakatawag pansin na ulo ng balita na walang kinikilingan
●Tamang gramatika at pagkasunod-sunod ng mga salita sa isang pangungusap
●Pagkasunod-sunod ng presentasyon at argumento
●Maliwanag ang pamatnubay at nakapokus lamang sa mga importanteng
detalye
●Tamang estilo sa pagsulat
●Wastong lingo o mga salita sa pagtatalakay ng mga suportang detalye.
2. Nilalaman
●Paggamit ng detalye o impormasyon mula sa interbyu, rebyu sa dokumento,
pag-analisa sa mga datos, at iba pang mapagkakatiwalaang sanggunian.
●Napapanahon at mahalagang isyu sa agham at teknolohiya
●Paggamit ng teknikal na jargons
●Nagpapakita ng teknikal at kumplikadong konsepto ng agham o ideya bagkus
ito ay mauunawaan ng mga mambabasa
●Nagbibigay ng sumusuportang siyentipiko na sanggunian at mga estatistika
Breaking Language Barriers
1
1. Ano ang jargon?
Ito ay mga siyentipikong salita at teknikal na mga termino na ginagamit ng mga
siyentipiko. Ito ang mga salitang sila lamang ang nakakaunawa at hindi maaaring
maunawaan nang ibang tao na hindi kabilang sa kanilang grupo o pangkat. Kung
kaya bilang isang manunulat ng lathalaing pang agham at teknolohiya, mahalagang
bigyan mo ng paliwanag ang mga siyentipikong termino upang maunawaan ng mga
mambabasa.
2. Maaring gumamit ng tiyak na salita
Madaling maunawaan ng mga mambabasa kung ito ay kanilang
nararamdaman, maamoy, makikita, matitikman at naririnig.
Halimbawa, imbis na ilarawan ang bilis ng paggalaw ng sinulid ng makina
ay maaaring gumamit ng siyentipikong termino na makakaya ng puwersa nito ang
ilang kilo” – ikaw ay maaring mag kuwento ngunit dapat gumamit ng mga tiyak na
salita.
1 “About Science & Technology Journalism.” Veterinary Integrative Biosciences, 30 Jan. 2020,
vibs.tamu.edu/stjr/science-journalism/.
3
Journalism (Filipino) 7
Competency: Nakasusulat ng lathalaing pang-agham ukol sa isyung pampaaralan, pampamayanan,
panlipunan at pambansa (SPJ7SPA-IIId-74)
Downloaded by Jolino Luis Dimalanta (
[email protected])
lOMoARcPSD|32755867