PAGSULAT NG ISKRIP NG PROGRAMANG PANRADYO.docx

AnnieBayoguing 37 views 2 slides Feb 01, 2025
Slide 1
Slide 1 of 2
Slide 1
1
Slide 2
2

About This Presentation

Filipino 8


Slide Content

PAGSULAT NG ISKRIP NG PROGRAMANG PANRADYO
Ang taguri sa manuskrito ng isang audio-visual material na
ginagamit sa broadcasting ay tinatawag na iskrip. Ito ay ang
nakatitik na bersiyon ng mga salitang dapat bigkasin o sabihin.
Ginagamit ito sa produksiyon ng programa. Ito ay naglalaman ng
mga mensahe ng programang dapat ipabatid sa mga nakikinig.
Napakahalaga nito sapagkat ito ang nagsisilbing gabay sa mga
tagaganap, direktor, tagaayos ng musika (musical scorer), editor,
at mga technician.
Sa broadcasting, ang nilalaman ng komunikasyon na gagamitin sa
midya tulad ng radyo ay ilalagay muna sa iskrip. Bílang iskrip, ito
ay gagamit muna ng print medium. Mula sa pormang ito, ang
iskrip ay gagawing pasalita at gagamitan ng mga tunog. Dahil
dito, ang iskrip ay isang transisyon lámang sa
pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng radyo. Maririnig
lámang ng mga tagapakinig sa pamamagitan ng radyo kung ano
ang nakasulat sa iskrip.
Ang iskrip na panradyo ay batay sa tunog. Sa iskrip ng drama,
halimbawa, dapat palaging ipakilala ng manunulat ang mga
tauhan sa pamamagitan ng kanilang mga pangalan o katawagan.
Ito ay upang bigyang-kabatiran ang mga nakikinig kung sino ang
mga tauhang nagsasalita. Sa programang panradyo Kalangang
sabihin ng mga tauhan ang lahat ng nangyayari sa eksena dahil
hindi naman ito nakikita ng nakikinig.
Pormat ng Iskrip
May sinusunod na pormat ang iskrip na panradyo. Narito ang
mga tuntuning dapat ninyong sundin kapag kayo ay susulat ng
iskrip na panradyo.
1. Gumamit ng maliliit na letra sa pagsulat ng diyalogo.
2. Isulat sa malalaking titik ang musika, epektong pantunog. at
ang emosyonal na reaksiyon ng mga tauhan.
3. Guhitan ang SFX (sound effects) at MSC, (music).
4. Hindi lámang ipinakikita ang paggamit ng musika at epektong
pantunog kundi kailangan ding ipakita kung paano gagamitin ang

mga ito. Halimbawa kailangan bang naka-FADE UNDER ang
musika habang nagsasalita ang isang tauhan.
5 Kailangang may dalawang espasyo (double space)
pagkatapos ng bawat linya sa iskrip kapag minakinilya o
kinompyuter.
6. Lagyan ng numero ang bawat linya. Ilagay ang numero sa
kaliwang bahagi bago ang unang salita ng linya upang maging
madali ang pagwawasto kapag nagrerekording.
7. Ang mga emosyonal na reaksiyon o tagubilin ay kailangang
isulat sa malaking titik. Gagamitin lámang ang mga ito upang
ipabatid kung paano sasabihin ang mga linya o diyalogo ng mga
tauhan. llagay ang mga ito sa loob ng parentesis o panaklong at
isulat sa malaking titik.
8. Gumamit ng mga terminong madaling maintindihan sa
pagbibigay ng indikasyon kung sino ang nagsasalita at anong uri
ng tinig ang maririnig. Halimbawa: Boses 1,2; Lalaki, Babae 1,2;
Talent 1, 2. Madaling maintindihan ng tagapakinig at ng mga
taong gagamit ng iskrip kung isusulat ang pangalan ng taong
magsasalita. Halimbawa: Leona, Zosimo.
Gayundin, kailangang maging tiyak ang pangalan o katawagang
gagamitin, tulad ng Announcer.
9. Isulat sa malaking titik ang posisyon ng mikropono na
gagamitin at ilagay ito sa parentesis.
10. Maglagay ng tutuldok o kolon pagkatapos isulat ang pangalan
ng tauhang magsasalita o pagkatapos isulat ang SFX o MSC.
11. Sa panibagong pahina ng iskrip, umpisahan ng paglalagay ng
numero sa bawat bílang.
Narito ang halimbawa ng iskrip na nagpapakita ng mga nabangsit
na
tuntunin.
Tags