Pagsulat ng Korespondensiya at Memorandum

PinkyTalion2 41 views 35 slides Sep 14, 2025
Slide 1
Slide 1 of 35
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35

About This Presentation

Korespondensiya


Slide Content

Liham Pangnegosyo at Memorandum Aralin III

Korespondensiya Kailangang matutuhan itong gawin ng mga empleyado sa isang partikular na propesyon

Korespondensiya Liham-Pangnegosyo Memorandum Elektronikong Liham

Korespondensiya Ito ay rekord na nanghihikayat ng aksiyon , nakikipagtransaksiyon tungkol sa negosyo at nagpapanatili ng tuloy-tuloy na daloy ng komunikasyon sa trabaho .

Korespondensiya Iisang tao lang ang padadalhan ng korespondensiya AWDIYENS

Korespondensiya Kailangan ang pag-iingat sa pagsulat dahil sa tao-sa taong estilo nito LAYUNIN AT SITWASYON

Liham Pangnegosyo

Liham Pangnegosyo Karaniwang isinusulat ang liham pangnegosyon para sa mga tao sa labas ng organisasyon o kompanya .

Halimbawa ng Liham Pangnegosyo Paghahanap ng trabaho Paghingi ng impormasyon Pagtugon sa mga tanong o paglilinaw Promosyon ng mga ibinebenta at/o serbisyo Pagkalap ng pondo Pagrerehistro ng mga reklamo Pagbibigay ng tulong para sa pagsasaayos ng mga patakaran o sitwasyon Koleksyion ng mga bayad Pagbibigay ng instruksiyon Pagpapasalamat at pagpapahayag ng pagpapahalaga o pagkalugod Pag- uulat tungkol sa mga aktibidad Pagbibigay ng magandang balita o positibong mensahe Pag- aanunsiyo Talaan o record ng kasunduan Pagpapadala ng ibang dokumentong teknikal

Pagsulat ng Liham Pangnegosyo Paano?

Paano? Pormal na Sulatin 1 pulgada (inch) na margin sa bawat gilid ng papel 8 1/2’’x 13’’ bond paper (legal size long size)

Anim na bahagi ng Liham Pangnegosyo

1. Pamuhatan Mula sa salitang ugat na “ buhat ” na ang ibig sabihin ay pinagmumulan o pinanggagalingan .

1. Pamuhatan Address ng nagpadala ng liham na kadalasan nasa dalawa o tatlong linya lamang . Sa huling bahagi ay inilalagay ang petsa .

Halimbawa 123 Sunnycrest Road Malikhain , Manila 5138 Oktubre 31, 2014

2. Patunguhan Nagmula sa salitang ugat na “ tungo ” o ang pupuntahan o patutunguhan o padadalhan ng liham .

2. Patunguhan Samakatuwid , ito ang adres ng pinadadalhan ng liham . Lagi itong nasa kaliwang bahagi .

Halimbawa Loan Processing Office Customer Service Center United National Bank PO Box 55 Sta. Cruz, Manila, Philippines

3. Bating Pambungad Laging pormal ang bating pambungad . Karaniwang nagsisimula sa salitang “Mahal na ” na sinusundan ng apelyido ng sinusulatan .

3. Bating Pambungad Ang titulo ng padadalhan ay huwag kalimutan . Ang bating pambungad ay laging nagtatapos sa tutuldok (:) at hindi sa kuwit (,)

Halimbawa Para sa Customer Service: Mahal na Gng . Teope :

4. Katawan Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat nito : 1. Sa unang talata ng katawan ng liham , nararapat na malinaw na ipahayag ang punong diwa at ang buod ng nais sabihin .

4. Katawan Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat nito : 2. Maging magalang . 3. Iwasan ang paggamit ng nananakot na pananalita . 4. Iwasan ang pagbibigay ng mga negatibong mungkahi .

4. Katawan Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat nito : 5. Iwasan ang paggamit ng walang kaugnayan at di- mahalagang pananalita .

4. Katawan Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat nito : 6. Iwasan ang paggamit ng panghalip sa unang panauhan lalo na sa unang pangungusap o talata ng katawan ng liham

4. Katawan Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat nito : 7. Sa gitnang bahagi ng katawan nararapat isalaysay ang mga pangyayari at/o magbigay ng mga katibayan hinggil sa pangyayari o usapin .

4. Katawan Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat nito : 8. Sa huling pangungusap ng liham , sinasabi ang aksiyong dapat gawin sa mapitagang pamamaraan .

Halimbawa Magandang araw ! Ipinahahatid ng liham na ito ang tungkol sa mga reklamo ng mga naninirahan sa Phase 4 ng subdibisyon na ito . Nais nilang malaman kung bakit hanggang ngayon ay hindi natutugunan ang kanilang mga katanungan hinggil sa pagbabayad ng fees para sa asosasyon . Naipaliwanag na ng aming departamento sa mga nagrereklamo ang mga tuntunin sa buwanang bayarin sa asosasyon , ngunit nais nilang marinig ang inyong panig at paglilinaw tungkol dito . Ikinagagalak naming kung gagawan ninyo agad ng aksiyon ang aming kahilingan .

5. Pamitagang Pangwakas Isa itong maikling pagbati na nagpapahayag ng paggalang at pamamaalam . Ito ay nagtatapos sa kuwit (,) at kadalasang nasa kaliwang gilid (margin) ng liham depende sa pormat na iyong pinili .

Halimbawa Lubos na gumagalang , Sumasainyo ,

6. Lagda Maglaan ng dalawang linyang espasyo bago ilagay ang pangalan ng taong lalagda . Kadalasang inilalagay ang middle initial ng pangalan bagaman hindi naman laging kinakailangan .

Halimbawa Pinky T. Teope Koordineytor , Guro III

Dalawang Pangunahing Pormat ng Liham

1. Anyong Block (Block Form) Lahat ng bahagi ay nasa kaliwa .

2. Anyong may indensiyon (Indented Form) Nakapasok ang unang salita sa bawat talata at ang patunguhan ay nasa kaliwang bahagi . Nasa kanan naman ang pamuhatan at bating pangwakas
Tags