Pagsulat sa filipino sa piling larangan lesson 7- pagsulat ng agenda

fmersalyn 10 views 13 slides Sep 03, 2025
Slide 1
Slide 1 of 13
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13

About This Presentation

Ang agenda ay ang listahan ng mga tatalakayin (ayon sa pagkakasunod-sunod) sa isang pormal na pagpupulong.
Layunin ng dokumentong ito na bigyan ng ideya ang mga kalahok sa mga paksang tatalakayin at sa mga usaping nangangailangan ng atensiyon. Nakasaad din dito ang mga aksiyon o rekomendasiyong in...


Slide Content

Pagsulat ng Agenda

Kahulugan ng agenda

Ang agenda ay ang listahan ng mga tatalakayin ( ayon sa pagkakasunod-sunod ) sa isang pormal na pagpupulong . Layunin ng dokumentong ito na bigyan ng ideya ang mga kalahok sa mga paksang tatalakayin at sa mga usaping nangangailangan ng atensiyon . Nakasaad din dito ang mga aksiyon o rekomendasiyong inaasahang pag-uusapan sa pulong .

Kung ibinigay ang agenda sa mga kalahok ilang araw bago ang pagpupulong , nagkakaroon ng sa [at na panahon ang bawat isa na paghandaan ang talakayan at mga desisyong mangyayari sa pulong . Sa kabuuan , layunin ng agenda na mabigyan ng pokus ang pagpupulong . Karaniwan na ang nagpapatawag ng pagpupulong (president, CEO, director, tagapamahala , pinuno ng union, at iba pa) ang responsible sa pagsulat ng agenda.

Madalas silang nakikipagtulungan sa kanilang mga kalihim sa paghahanda nito dahil ang mga kalihim din ang siyang responsible sa pamamahagi ng mga agenda sa lahat ng kalahok sa pulong .

Kahalagahan ng agenda

Ang pagkakaroong mahusay na agenda ay magsisigurong tatakbo nang maayos ang pagpupulong at lahat ng kalahok ay patungo sa isang direksiyon . Mas mabilis matatapos ang pagpupulong kung alam ng lahat ang lugar na pagdarausan , ang oras ng pagsisimula at pagtatapos , ang mga kailangang talakayin , at ang mga maaaring kalabasan ng pulong . Makatutulong din ang maayos na agenda sa itinalagang kalihim sa kaniyang pagtatala ng mga nangyayari sa pulong .

Bagaman napabubuti ng malinaw na agenda ang pagiging epektibo at mabisa ng mga pagpupulong , karaniwang hindi ito gaanong pinaglalaanan ng pansin . May mga pagkakataong walang malinaw na agenda kaya nawawala sa pokus ang mga kalahok , na nagdudulot sa tila walang katapusang pagpupulong ( na madalas ay wala naman talagang nangyayari ).

Kung may malinaw mang agenda, may mga panahong hindi ito sinusunod ng mga kalahok (kung ano-ano ang kanilang pinag-uusapan na labas sa agenda) kaya tumatagal ang pagpupulong at nasasayang lamang ang panahon ng mga kalahok . Isa sa mga epekto nito ay umuunting bilang ng dumadalo sa mga pagpupulong .

nilalaman ng agenda

1. Saan at kailan idaraos ang pagpupulong ? 2. Ano-ano ang mga layuning inaasahang matamo sa pulong ? 3. Ano-anong mga paksa o usapin ang tatalakayin ? 4. Sino- sino ang mga kalahok sa pagpupulong ?

Ang agenda ay parang mapa . Nagsisilbi itong gabay na nagbibigay ng malinaw na direksiyon kung paano mararating nang mabilis ang patutunguhan .