Ang kursong Pagsulat sa Piling Larang: Tech-Voc ay nakatuon sa paglinang ng kasanayan sa akademik at propesyonal na pagsulat na angkop sa larangan ng teknikal-bokasyonal. Layunin nitong turuan ang mga mag-aaral na makapagsulat ng mga teknikal na dokumento tulad ng resume, liham aplikasyon, feasibili...
Ang kursong Pagsulat sa Piling Larang: Tech-Voc ay nakatuon sa paglinang ng kasanayan sa akademik at propesyonal na pagsulat na angkop sa larangan ng teknikal-bokasyonal. Layunin nitong turuan ang mga mag-aaral na makapagsulat ng mga teknikal na dokumento tulad ng resume, liham aplikasyon, feasibility study, manual, ulat, at proposal gamit ang wasto at angkop na wika. Binibigyang-diin din nito ang praktikal na paggamit ng pagsulat sa trabaho, lalo na sa mga kursong may kaugnayan sa teknolohiya, kalakalan, at bokasyonal na gawain.
Size: 4.62 MB
Language: none
Added: Oct 05, 2025
Slides: 68 pages
Slide Content
Iba’t Ibang Anyo ng Sulating Teknikal-Bokasyunal : Kahulugan , Kalikasan , at Katangian ( Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang – TechVoc )
Kasanayang Pampagkatuto : 1. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay sa kahulugan , kalikasan at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating teknikalbokasyunal (CS_FTV11/12EP-Od-f-42)
Punan ng tamang kaisipan ang mga blangkong kahon hinggil sa mga paraan sa paghahanap ng trabaho.
Kung ikaw ay naghahangad na maging isang matagumpay na propesyunal , mahalagang malaman mo ang tungkol sa teknikal-bokasyonal na pagsulat .
Ang teknikal-bokasyonal na pagsulat ay komunikasyong pasulat sa larangang may espesyalisadong bokabularyo tulad ng agham , inhenyera , teknolohiya , at agham pangkalusugan .
Karamihan sa mga teknikal na pagsulat ay tiyak at tumpak lalo na sa pagbibigay ng panuto . Ito ay payak dahil ang hangarin nito ay makalikha ng teksto na mauunawaan at maisasagawa ng karaniwang tao .
Mahalaga na ang bawat hakbang ay mailarawan nang malinaw , maunawaan at kumpleto ang ibinibigay na impormasyon .
Mahalaga rin ang katumpakan , pagiging walang kamaliang gramatikal , walang pagkakamali sa bantas at may angkop na pamantayang kayarian .
Ang teknikal na pagsulat ay naglalayong magbahagi ng impormasyon at manghikayat sa mambabasa .
Ito rin ay naglalahad at nagpapaliwanag ng paksang-aralin sa malinaw , obhetibo , tumpak , at di- emosyonal na paraan .
Ito rin ay gumagamit ng deskripsyong ng mekanismo , deskripsyon ng proseso , klaripikasyon , sanhi at bunga, paghahambing at pagkakaiba , analohiya at interpretasyon .
Gumagamit din ito ng mga teknikal na bokabularyo maliban pa sa mga talahanayan , grap , at mga bilang upang matiyak at masuportahan ang talakay tekswal .
Dagdag pa nito , napakahalaga rin ng teknikal-bokasyonal na pagsulat sa paraan ng pagsulat at komunikasyon para sa propesyunal na pagsulat tulad ng ulat panlaboratoryo , mga proyekto , mga panuto , at mga dayagram .
Ang teknikal na pagsulat ay mahalagang bahagi ng industriya dahil dito ay nagbibigay ng mahalagang dokumentasyon sa gamit at aplikasyon ng mga produkto at paglilingkod sa bawat industriya .
Malaki rin ang naitutulong sa paghahanda ng mga teknikal na dokumento para sa kaunlaran ng teknolohiya upang mapabatid ito nang mas mabilis , episyente , at produktibo .
Mga Halimbawang Anyo ng Sulating Teknikal-Bokasyunal
1. Manwal Ang manwal ay isang uri ng teknikal na sulatin na nagbibigay ng malinaw , detalyado , at sistematikong gabay kung paano gamitin , i -assemble, o i -operate ang isang bagay, produkto , o sistema .
1. Manwal Karaniwang naglalaman ang isang manwal ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa isang produkto , kalakaran sa isang organisasyon o samahan o kaya’y mga detalyeng naglilinaw sa proseso , estruktura , at iba pang mga detalyeng nagsisilbing gabay sa mga magbabasa nito .
1. Manwal Komprehensibo ang nilalaman ng isang manwal dahil naglalayon itong magpaliwanag at maglahad ng mga impormasyon tungkol sa isang bagay o paksa . Kalimitang nakaayos nang pabalangkas ang mga nilalaman ng isang manwal na makikita sa talaan ng mga ito at pormal ang ginagamit na wika .
1. Manwal Maaari din namang magtaglay ng mga larawan o di kaya’y tsart ang isang manwal upang maging higit na maliwanag ang paglalahad ng mga impormasyon, gayundin ng mga salitang teknikal kung hinihingi ng pangangailangan. Dagdag pa rito, maaari ding magtaglay ng apendise o indeks ang mga manwal.
Mahalaga ring tandaan ang mga sumusunod:
Mahalaga ring tandaan ang mga sumusunod:
Mahalaga ring tandaan ang mga sumusunod:
Bahagi ng Isang Manwal
Bahagi ng Isang Manwal
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Manwal
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Manwal
KLASIPIKASYON NG MANWAL Ang mga manwal ay maaaring uriin ayon sa kanilang layunin o gamit. Narito ang mga karaniwang klasipikasyon: Manwal ng Pagpapatakbo (Operation Manual) Nagbibigay ng gabay kung paano gamitin o paganahin ang isang produkto o sistema. Halimbawa: Manwal ng paggamit ng printer, cellphone user manual. Manwal ng Pagpapanatili at Pagkukumpuni (Maintenance and Repair Manual) Naglalaman ng mga hakbang kung paano alagaan o ayusin ang isang kagamitan upang mapanatili itong maayos ang kondisyon. Halimbawa: Manwal sa pagkumpuni ng aircon o sasakyan.
KLASIPIKASYON NG MANWAL Manwal ng Pag-i-install (Installation Manual) Nagtuturo ng tamang paraan ng pagbuo, pagsasaayos, o pag-install ng isang produkto o system. Halimbawa: Manwal ng pag-install ng washing machine, software installation manual. Manwal ng Pagsasanay (Training Manual) Ginagamit sa pagtuturo ng proseso, kaalaman, o kasanayan para sa trabaho o organisasyon. Halimbawa: Manwal ng pagsasanay para sa bagong empleyado. Manwal ng Patakaran o Gabay (Policy or Procedure Manual) Naglalaman ng mga alituntunin, patakaran, o standard operating procedures (SOP) ng isang kumpanya o institusyon. Halimbawa: Employee handbook, school manual.
Mga Halimbawa ng Paksa sa Paggawa ng Manwal:
2. Liham- Pangnegosyo Ang liham-pangnegosyo ay isang pormal na liham na ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa mga opisyal na transaksiyon sa negosyo . Layunin nitong humingi , magbigay , magtanong , o magpahayag ng impormasyon na may kaugnayan sa kalakalan o opisyal na gawain .
2. Liham- Pangnegosyo Sa gitna ng makabagong teknolohiya ay hindi naman dapat isantabi ang kaalaman sa pagsulat ng liham . Isa sa mga uri nito ay ang liham-pangnegosyo na kalimitang ginagamit sa korespondensiya at pakikipagkalakalan .
2. Liham-Pangnegosyo Katulad ng iba pang uri ng liham , tinataglay rin nito ang mga bahagi gaya ng ulong -sulat, petsa , patunguhan , bating pambungad , katawan ng liham , bating pangwakas , at lagda .
2. Liham-Pangnegosyo Nakatuon ang liham-pangnegosyo sa mga transaksiyon sa pangangalakal katulad ng pagkambas ng halaga ng mga produkto o kaya’y liham ng kahilingan at liham pag-uulat . Pormal ang paggamit ng wika sa ganitong uri ng liham . Maaari ring magtaglay ng kalakip ang mga nasabing halimbawa .
KAHALAGAHAN NG LIHAM-PANGNEGOSYO
Mahalaga ring tandaan ang mga sumusunod:
Mahalaga ring tandaan ang mga sumusunod:
Mahalaga ring tandaan ang mga sumusunod:
Bahagi ng Liham-Pangnegosyo Heading (Ulo ng Liham) Pangalan ng kumpanya , address, petsa ng pagsulat Inside Address ( Panloob na Address) Pangalan ng pinadadalhan , posisyon , kumpanya , address Pagbati (Salutation) Halimbawa : Ginoo / Ginang , Kagalang-galang
Bahagi ng Liham-Pangnegosyo Katawan ng Liham (Body) Unang Talata : Layunin ng liham Gitnang Talata : Detalye o paliwanag Huling Talata : Pasasalamat , pakiusap , inaasahang tugon Pangwakas na Pagbati (Complimentary Close) Halimbawa : Lubos na gumagalang , Taos- pusong sumasainyo Lagda (Signature) Pangalan , posisyon , at pirma ng nagpapadala
Anyo ng Liham-Pangnegosyo
Ilang Mahahalagang Paalala:
3. Flyers/leaflets at promo materials Ang flyers ay isang uri ng printed material na ginagamit upang magbigay ng impormasyon , promosyon , o anunsyo sa isang mabilis at madaling paraan . Kadalasan itong ibinibigay o ipinamimigay sa publiko .
3. Flyers/leaflets at promo materials Kalimitang ipinamumudmod ang mga flyers/leaflets at promo materials upang makahikayat sa mga tagatangkilik ng isang produkto o serbisyo . Bukod pa rito , nagbibigay impormasyon din ang mga materyales na ito para sa mga mamimili o kung sinumang makababasa ng mga ito .
3. Flyers/leaflets at promo materials Kapansin - pansin din ang pagiging tiyak at direkta ng mga impormasyong nakasulat sa mga ito . Hindi maligoy ang pagkakasulat at impormatibo sa mga mambabasa . Ilan sa mga kadalasang nilalaman ng mga flyers/leaflets at promo materials ay mga katanungan at kasagutan hinggil sa produkto o ang mga batayang impormasyong may kinalaman dito .
Karaniwan ding nagtataglay ng mga larawan ang mga ito upang higit na makita ang biswal na katangian ng isang produkto , makulay rin ang mga ito na posibleng makatulong na makahikayat sa mga potensyal na gagamit o susubok sa isang bagay na iniaalok o ipinaabot sa mas nakararami .
Posible ring makita ang ilang mga detalyeng may kinalaman sa pagkontak sa mga taong nasa likod ng pagbuo ng mga nasabing materyales gayundin ang kanilang logo.
May mga pagkakataon ding pumapasok ang paglalaro sa mga salita at iba pang pakulo sa paglikha ng mga flyers at promo materials upang higit na tumatak sa mga mamimili ang pangalan o kaya’y iba pang impormasyon hinggil sa isang produkto o serbiyo . Makikita ito halimbawa sa kanilang mga tag line.
Halimbawa ng Flyers
Layunin ng Flyers
Katangian ng Epektibong Flyers Maikli ngunit malinaw ang impormasyon Kapansin-pansin ang disenyo: kulay, font, at larawan Tuwirang mensahe: madaling maintindihan kahit isang tingin lang May call-to-action: Halimbawa, “Bisitahin kami ngayon!” o “Tawagan kami!”
Bahagi ng Flyers
Gabay sa Pagsulat ng Flyers
Mahalagang tandaan na ang teknikal-bokasyonal na pagsulat ay isang kakayahan na dapat mong malinang at matutuhan . Malaki ang naitutulong nito sa paghahanda sa iyong sarili tungo pagiging matagumpay na indibidwal sa larangan na iyong tatahakin . Dagdag pa nito , napakahalaga rin ng teknikal-bokasyonal na pagsulat sa paraan ng pagsulat at komunikasyon para sa propesyunal na mga pangangailangan .
TANDAAN! "Ang teknikal na pagsulat ay hindi para ipakita kung gaano ka katalino , kundi para gawing malinaw at madaling maintindihan ang mahahalagang impormasyon ."
Pagyamanin :
Tingnan ang mga halimbawang flyers. Suriin ang nilalaman na nakapaloob sa flyers gamit ang nakalaang pormat .
Basahin ang isang halimbawang liham pangnegosyo . Tukuyin ang kahulugan , katangian , at mga bahagi nito sa pamamagitan ng pananaliksik at pagsusuri . Kopyahin ang inihandang pormat para sa gagawing pagsusuri .