Nasa loob nito ang pagtataguyod sa ating wikang pambansa.
Size: 533.25 KB
Language: none
Added: Sep 12, 2025
Slides: 27 pages
Slide Content
Pamantayan Deskripsyon Puntos Nilalaman (Content) Malinaw na nailahad ang konsepto ng intelektwalisasyon ng Wikang Filipino. May kaugnayan ang lahat ng impormasyon, at nagpapakita ng pananaliksik, malalim na pagsusuri, at tamang paggamit ng wika. 30 pts Kalinawan ng Mensahe (Message Clarity) Ang bidyo ay may malinaw na adbokasiya na madaling maunawaan ng manonood. Malakas ang dating at nakapagpapaalala ng kahalagahan ng Filipino bilang wikang intelektuwalisado. 20 pts Kreatibidad at Presentasyon (Creativity & Presentation) Gumamit ng malikhaing pamamaraan (visuals, musika, editing, script) upang mapalakas ang dating ng adbokasiya. Kaakit-akit at nakatawag-pansin ang kabuuang presentasyon. 20 pts Kasanayan sa Pagsasalita (Speaking Skills) Malinaw, maayos, at epektibo ang bigkas. Gumamit ng angkop na tono, damdamin, at ekspresyon upang maipahayag ang adbokasiya. 15 pts Teknikal na Aspeto (Technical Quality) Malinaw ang audio, maayos ang ilaw, at tama ang haba ng bidyo (1–2 minuto). Hindi nakakaabala ang teknikal na aspeto sa pag-unawa ng mensahe. 10 pts Pagpapakita ng Kooperasyon (Teamwork) Naipakita ang aktibong partisipasyon ng bawat miyembro ng grupo. Ang bawat isa ay may ginampanang mahalagang papel. 5 pts (KOMFIL) BIDYO ADBOKASIYA Layunin ng Gawain Layunin ng gawaing ito na malinang ang makrong kasanayan sa pakikinig at pagsasalita ng mga mag- aaral sa pamamagitan ng malikhaing presentasyon ng bidyo adbokasiya . Inaasahan na maipapakita ng mga mag- aaral ang kanilang malalim na pag-unawa sa konsepto ng intelektwalisasyon ng Wikang Filipino at maipahayag ito nang malinaw , epektibo , at makahikayat ng suporta mula sa manonood . Rubriks sa Paggawa ng Bidyo Adbokasiya Kabuuang Puntos: 100 Kabuuang Puntos: 100
Filipino sa Mataas na Edukasyon
Bahagi ng patuloy na paglinang sa Filipino ang mga gawaing isinasakatuparan sa mga paaralan na maiututuring na bahagi ng kumokontrol o larang / domeyn . Virgilio S. Almario (2008) – Punong Komisyoner (2013) ng KWF, “mas mabuting magsimula sa itaas-pababa .”
CMO 20, s. 2013
CMO No. 20, s. 2013 Tungkol sa bagong General Education Curriculum , walang tiyak na kurso sa Filipino. Sinasabi na maaaring ituro sa Filipino at Ingles bilang mga medyum ng pagtuturo ang mga inilahad na kurso . Inilipat umano ang mga asignatura tungong Senior High School.
Asignaturang Filipino sa Senior High School Mga Kurso sa General Education sa Kolehiyo na Maaaring Ituro sa Filipino at Ingles ( Magkakahiwalay / Magkakaiba ) Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Fiipino Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibangTeksto Tungo sa Pananaliksik Pagsulat sa Iba’t Ibang Larangan Understanding the Self /Pag- unawa sa Sarili Readings in the Philippine History /Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas The Contemporary World / Kasalukuyang Daigdig Mathematics in the Modern World / Matematika sa Makabagong Daigdig
Asignaturang Filipino sa Senior High School Mga Kurso sa General Education sa Kolehiyo na Maaaring Ituro sa Filipino at Ingles ( Magkakahiwalay / Magkakaiba ) 5. Purposive Communication / Malayuning Komunikasyon 6. Art Appreciation / Pagpapahalaga sa Sining 7. Science, Technology and Society / Agham , Teknolohiya , at Lipunan 8. Ethics/Etika 9 . The Life and Works of Rizal /Ang Buhay at mga Akda ni Rizal
CMO No. 20, s. 2013 Ipinataw ng CHED ang General Education Curriculum na magtatanggal sa Wika at Panitikan ng Filipino sa Kurikulum ng Kolehiyo pagdating sa Akademikong Taon .
Maraming mga propesor ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pililinas ang tumutol sa Memorandum na ito . Naniniwala sila na kalapastanganan sa pagpapahalaga sa kasaysayan , karunungan , at diwa ng kasarinlang mahabang panahong ipinaglaban at nilinang ng mga naunang salinlahi ng mga Pilipino.
1. Tinatanggal nito ang katiyakan na magamit at maituro ang wikang Filipino sa kolehiyo . Ang walong (8) Core General Education courses ay maaaring ituro sa Ingles at Filipino ay mapanlinlang . 2. Hindi nito kinikilala ang pag-aaral ng wikang Filipino bilang isang lehitimong domeyn ng karunungan . Narito ang Kanilang mga Batayan sa Pagtutol
3. Ang pagtatanggal ng siyam na yunit ng Filipino sa kolehiyo ay isang anyo ng karahasang pangkamalayan . Nilulusaw nito ang papapahalaga sa kasaysayan at kabihasnang tanging wikang Filipino ang makapagpapaliwanag . 4. Ang bagong General Education Curriculum ay tahasang pagbabalewala sa kasaysayan ng wikang Pambansa, at ang magtakdang papel ng wika sa pagpapaunlad ng bayan. Narito ang Kanilang mga Batayan sa Pagtutol
1. Ang Wikang Filipino ay Kasaysayan ng Pilipinas – Simula noong dekada 1940, hanggang sa maging midyum ito ng pagtuturo sa ilalim ng Patakarang Bilingguwal noong dekada 1970, yumabong na ang Filipino bilang isang ganap na disiplina at pananaw sa pakikipag-uganayang pandaigdig . Ayon din sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng Unibersidad ng Pilipinas , ang wikang Filipino na s’ya nating wikang Pambansa ay:
2. Ang Wikang Filipino ay Identidad ng Pilipino. Pananaw at Kamalayan ang Wikang Filipino – Hindi lamang usapin ng wikang panturo ang Filipino kundi usapin higit ng pagka -Pilipino. 3. Ang Wikang Filipino ay Susi ng Kaalamang Bayan > Nasa wika ang kaalamang lokal-mga kamalayang patuloy na hinuhubog at humuhubog sa bayan. > Sariling wika ang pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang dunong -bayan at kaalamang pinanday ng akademya .
Magkaiba ang karanasan sa paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo kaysa sa isinusulong ng pagkakaroon ng kursong Filipino sa Mataas na Edukasyon . FILIPINO Isang disiplina Midyum sa FIlipino
Ang pagtatangkang burahin ang Filipino sa kolehiyo ay nagbigay-daan sa pagkakatatag ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol-Wika ng Wikang Filipino/ Tanggol-Wika sa isang konsultatibong pulong noong Hunyo 21, 2014 . Dinaluhan ang nasabing forum ng limandaang delegado mula sa iba-ibang kolehiyo , unibersidad at paaralan , mga samahang wika at kultural . Pagtatangkang Burahin ang Filipino sa Mataas na Edukasyon
Sa mga papel na inilahad ni San Juan (2017) na Alyansa ng mga Tagapagtanggol-Wika : Internal na Kuwento , Mga Susing Argumento at Dokumento (2014-2017), tinalakay ang labing-apat (14) na argumento hinggil sa pagpapanatili ng wikang Filipino.
Walang makabuluhang argumento ang mga anti-Filipino-ang kampong Tanggal-Wika sa pagtatanggal ng Filipino at panitikan . Dapat may Filipino at panitikan sa kolehiyo dahil ang ibang asignatura na nasa Junior at/o Senior High School ay may katumbas pa rin sa kolehiyo . Ang Filipino ay disiplina , asignatura , bukod pa sa larangan ng pag-aaral , at hindi simpleng wikang panturo lamang . 1 2 3
Para maging epektibong wikang panturo ang Filipino, kailangang linangin din ito bilang asignatura / kurso . Bahagi ng College Readiness Standards ang Filipino at Panitikan . Sa ibang bansa , may espasyo rin sa kurikulum ang sariling wika bilang asignatura , bukod pa sa pagiging wikang panturo nito . 4 5 6
Binigyan ng DepEd at CHED ng espasyo ang wikang dayuhan sa kurikulum kaya lalong dapat na may espasyo para sa Wikang Pambansa. Pinag-aaralan din sa ibang bansa ang Filipino at may potensyal itong maging isang nangungunang wikang global, kaya lalong dapat itong pag-aralan sa Pilipinas . Multilingguwalismo ang kasanayang akma sa Siglo 21 7 8 9
Malapit ang Filipino sa Bahasa Melayu , Bahasa Indonesia, at Brunei Malay, mga wikang ginagamit sa Malaysia, Singapore, Indonesia, at Brunei, na mga bansang kasapi ng ASEAN, at mahahalagang wika ito sa konteksto mismo ng ASEAN Integration. Filipino ang wika ng mayorya , ng midya , at ng mga kilusang panlipunan : Ang wika sa demokratiko at mapagpalayang domeyn na mahalaga sa pagbabagong panlipunan . 10 11
Mababa pa rin ang average score ng Filipino sa National Achievement Test. Hindi pinaunlad , hindi napaunlad at hindi mapapaunlad ng pagsandig sa wikang dayuhan ang ekonomiya ng bansa . May sapat na materyal at nilalaman na maituturo sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo . 12 13 14
Abril 2018 – Ipinalabas ang CMO No. 4 na may paksang Policy on Offering of the Filipino and Panitikan Subjects in All Higher Education Programs as Part of the New General Education Curriulum . 2018-2019 – Simula sa Akademikong taon na ito , magpapatuloy na maituro ang mga kursong Filipino at Panitikan sa lahat ng programa sa Mataas na Edukasyon . CMO No. 4, s. 2018
“ Ang minimum yunit na kakailanganin na inilahad dito ay mananatili .” Para sa larangan na kaugnay ng Humanidades , Agham-Panlipunan at Komunikasyon , may 9 na yunit sa Filipino at 6 na yunit sa panitikan . Sa iba pang larangan , 6 na yunit sa Filipino at isang kurso sa Panitikan . CMO No. 59, s. 1996 at CMO No. 4, s. 1997
Dating Kurso sa Filipino Mga Bagong Kurso sa Filipino ( Mula sa Mungkahi ng Tanggol-Wika Komunikasyon sa Akademikong Filipino Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino (KOMFIL) Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FILDIS) Masining na Pagpapahayag Dalumat ng/ sa Filipino (DALUMAT-FIL) Iba sa dating kurso Philippine Literature of the Region Sosyedad at Literatura / Panitikang Panlipunan (SOSLIT) – Iba sa dating kurso Master Works of the World Sinesosyedad / Pelikulang Panlipunan (SINESOS) – Iba sa dating kurso
Kolehiyo / Unibersidad na Nagtuturo ng Filipino Bilang Bahagi ng Kakailanganing Core Courses Institusyon sa Sekondarya na Nagtuturo ng Filipino Iba pang Kolehiyo / Unibersidad na Nagtuturo ng Filipino at Philippine Studies Princeton University Bahrain University of Hawaii- Manaoa Illinois State University China University of Michigan California State University East Timor Osaka University Columbia University Greece Kyoto University University of Alabama Kuwait Sorbonne University (France) San Juan (2015)
Kolehiyo / Unibersidad na Nagtuturo ng ng Filipino bilang bahagi ng kakailanganing Core Courses Institusyon sa Sekondarya na Nagtuturo ng Filipino Iba pang Kolehiyo / Unibersidad na Nagtuturo ng Filipino at Philippine Studies Yale University Libya University of Melbourne Harvard University Oman University of Pennsylvania Washington State University Qatar University of Washington University of Michigan Kingdom of Saudi Arabia Beijing University United Arab Emirates