PAHAPYAW NA PAGSULYAP SA KASAYSAYAN NG
LITERATURANG PILIPINO- PANAHON NG KATUTUBO
Bago pa man dumating ang mga
Kastila noong ika-16 na siglo,
mayaman at masigla na ang
kultura at panitikan ng mga
katutubong Pilipino. Isa sa
pinakamahalagang patunay nito
ay ang kanilang sariling sistema
ng pagsulat na tinatawag na
Baybayin. Sa pamamagitan nito,
naipapahayag nila ang kanilang
damdamin, kaalaman, batas, at
paniniwala.
MGA KASTILA
Mahalagang matutunan natin ang kasaysayan ng Baybayin dahil:
1. Ipinapakita nito na may sariling identidad at talino ang mga
sinaunang Pilipino.
2. Nagpapatunay ito na may sistema na ng komunikasyon bago
pa man tayo sakupin.
3. Itinuturo nito ang kahalagahan ng pagpapanatili ng ating
sariling kultura at wika.
KATUTUBONG PILIPINO
BAYBAYIN
Sinaunang sistema ng pagsusulat na
ginamit ng mga pilipino bago dumating
ang mga kastila.
Binubuo ng 17 na titik, 3 patinig, at 14
na katinig
Mahalaga ang tamang kaalaman sa kasaysayan upang
hindi natin maipagpatuloy ang maling impormasyon.
Ang ating wika at kultura ay dapat ipagmalaki at ipreserba
para sa susunod na henerasyon.
Ang kasaysayan ay hindi lamang listahan ng mga
pangyayari, ito ay salamin ng ating pagkakakilanlan.