Pakikibaka ng mga Pilipino para sa Kalayaan sa Pananakop ng mga Hapones
Mga Gerilya Sila ang mga sundalong kabilang sa USAFFE at mga sibilyan na nakaligtas sa labanan ay nagpasyang mamundok at patuloy na nakipaglaban . Mga nanguna sa paglaban bilang grupo ng mga gerilya sa : • Hilagang Luzon- Walter Cushing at Koronel Guillermo Nakar • Gitnang Luzon- Miguel Malvar at Marcos Agustin • Bicol- Wenceslao Q. Vinzons • Panay- Macario Peralta • Mindanao- Salipada Pendatun at Tomas Cabili
Ang HUKBALAHAP o HuKbong Bayan Laban sa Hapon Ito ay itinatag sa Gitnang Luzon kung saan ang mga kasapi nito ay mula sa mga kilusang magbubukid at manggagawa . Ito ay pinamunuan ni Luis Taruc noong Pebrero , 1942. ➢ Sa lahat ng mga kilusan ang grupo ng HUK ang naging matagumpay sa paglaban sa mga Hapones .
Josefa Llanes-Escoda Hindi naging hadlang ang pagiging babae ni Josefa Llanes-Escoda, upang siya ay lumahok sa digmaan laban sa mga Hapones . Malaki ang naging tulong niya sa mga sundalong sumuko at nagmartsa patungong Capaz, Tarlac. Binigyan nila ng pagkain , damit , at gamot ang mga sundalo katuwang ang kanyang asawa . Dahil sa kanilang pagtulong siya at ang kanyang asawa ay hinuli at ikinulong sa Fort Santiago. Doon na rin siya binawian ng buhay noong Enero , 1945. • Mayo 26, 1940- Itinatag niya ang Babaeng Iskawt (Girl Scout) sa Pilipinas . Binuo niya ang Pambansang Pederasyon ng mga Samahan ng Kababaihan (National Federation of Women’s Clubs)
Suriin kung Tama o Mali ang isinasaad ng mga pangungusap sa bawat bilang . Isulat ang iyong sagot sa inyong sagutang papel . _____1. Ang pagiging babae ni Josefa Llanes-Escoda ay malaking hadlang upang siya ay makatulong sa mga sundalong sumuko sa mga Hapones . _____2. Ang HUKBALAHAP ay ang kilusang naging matagumpay sa paglaban sa mga Hapones .
_____3. Ang mga gerilya ay mga sundalong USAFFE at iba pang sibilyang sumuko sa kamay ng mga Hapones . _____4. Kilala din sa katawagang HUK ang samahang HUKBALAHAP. _____5. Dahil sa matinding kahirapan at pagmamalupit na naranasan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Hapones ay marami sa kanila ang sumuko at hindi na ipinaglaban ang kanilang kalayaan .
Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag . Isulat ang letra ng tamang sagot . _____1. Sino sa mga sumusunod ang nanguna sa grupo ng mga gerilya sa Gitnang Luzon? A. Miguel Ver B.Ismael Ingenier C. James Cushing D. Salipada Pendatum
2. Alin sa mga sumusunod ang samahang binuo ni Josefa Llanes-Escoda? A. National Distribution Corporation B. National Food Authority C. Nationa Rice Granary D. National Federation of Women’s Club
3. Ano ang tawag sa mga Pilipinong nagkanulo sa kanilang kapwa Pilipino? A. KALIBAPI B. GERILYA C. HUKBALAHAP D. MAKAPILI
4. Kailan napabagsak ng mga Hapones ang Corregidor? A. Mayo 26,1940 B. Mayo 6,1942 C. Mayo 6, 1940 D. Mayo 26, 1942
5. Ang grupo ng mga gerilyang pinamunuan ni Wenceslao Q. Vinzons ay matatagpuan sa lugar ng ____________. A. Cebu B. Bohol C. Bicol D.Mindanao
Iba’t-Ibang Paraan ng Pagmamahal sa Bayan na Ipinamalas ng mga Pilipino sa Panahon ng Digmaan
1.Pakikipaglaban para sa kalayaan gamit ang armas para sa kalayaan ng bansa Marami sa mga Pilipino ang sumama sa kilusang Katipunan, gerilya at HUKBALAHAP. Iba't iba ang naging propesyon ng mga taong sumapi dito . Hindi sila naniwala sa ipinakitang layunin ng mga mananakop sa bansa kaya ninais nilang wakasan ang pananakop ng mga ito . Ang ilan sa kanila ay naglagi sa mga kabundukan , kagubatan at malalayong pook.Ang iba naman ay nanatili sa mga lungsod o bayan. Sinasalakay nila ang mga garison ng mananakop . Sinasamsam nila ang mga armas ng mga kalaban at ginagamit ito sa pakikipaglaban . Ang ilan naman sa kanila ay labis ang naging galit sa mga ito kung kaya’t pinapatay nila ang mga ito .
2.Pagbubuwis ng buhay para sa Inang Bayan Ipinamalas ng marami sa ating mga bayaning Pilipino ang pagmamahal nila sa bayan sa pamamagitan ng pagbubuwis nila ng kanilang mga buhay . Ilan sa Pilipinong nagbuwis ng buhay sa panahon ng digmaan ay sina Jose Abad Santos, Andres Bonifacio, Gregorio del Pilar, Diego Silang at mga kababaihang sina Theresa Magbanua, Gabriela Silang at marami pang iba .
3.Pagpapakita ng pagmamahal sa bayan gamit ang Sining at Panitikan Ilan sa mga manunulat na Pilipino ang nagpakita ng hindi pagsang-ayon sa mga patakarang ipinatupad ng mga mananakop sa bansa . Gamit ang kanilang sining at panitikan . Inilathala nila ang mga pagmamalabis at di mabuting ginagawa ng mga mananakop sa mga Pilipino. Ilan sa kanila ay sumapi sa mga samahan kagaya ng Kilusang Propaganda at La Liga Filipina. Ilan sa mga Pilipinong nagpakita ng pagmamahal sa bayan sa panulat na paraan ay sina Marcelo H. dcl Pilar, Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Jose Ma. Hernandez (Panday Pira), NVM Gonzales, Narciso Reyes, Liwayway Arceo at marami pang iba .
4.Pagtulong sa mga nangangailangang kapwa Pillpino sa panahon ng digmaan Hindi lamang kalalakihan ang nagpakita ng pagmamahal sa bayan sa panahon ng digmaan . Ang mga kababaihan ay may papel ring ginampanan para makamit ang kalayaan . Ilan sa mga babaeng ito ay sina Josefa Llanes Escoda na nakilala dahil sa pagtatag niya ng Babaeng Iskawt ng Pilipinas na tumulong sa mga sundalo noong panahon ng Hapon . Melchora Aquino kilala rin bilang Tandang Sora na nag- alaga sa mga nasugatan at mga nangangailangan ng tulong sa panahon ng Espanyol at marami pang iba .
Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan at Mali naman kung hindi . 1. Pagiging isang Makapili . 2. Paggamot sa mga nasugatan sa labanan . 3. Pagtuligsa sa ginagawa ng mga Hapones sa panulat na paraan . 4. Pagsali sa sa mga samahang kumakalaban sa mga mananakop . 5. Pagyakap sa mga turo at aral ng mga dayuhan .