Paksa: ADYENDA power point presentation sa Filipino
mediatrixtrinidad1
2 views
12 slides
Aug 31, 2025
Slide 1 of 12
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
About This Presentation
Leksyon para sa asignaturang Filipino
Size: 101.45 KB
Language: none
Added: Aug 31, 2025
Slides: 12 pages
Slide Content
Free Powerpoint Templates
Page 1
Agenda o Adyenda
Ayon kay Sudprasert
(2014), ang adyenda ang
nagtatakda ng mga
paksang tatalakayin sa
pulong.
Free Powerpoint Templates
Page 2
•Ang pagkakaroon ng
maayos at sistematikong
adyenda ang isa sa mga
susi ng matagumpay na
pulong. Napakahalagang
maisagwa ito ng maayos at
maipabatid sa mga taong
kabahagi bago isagawa ang
pulong.
Free Powerpoint Templates
Page 3
Narito ang ilang kahalagahan ng
pagkakaroon ng adyenda ng
pulong.
1. Ito ang nagsasaad ng sumusunod
na mga impormasyon:
a.Mga paksang tatalakayin.
b.Mga taong tatalakay o
magpapaliwang ng mga paksa.
c.Oras na itinakda para sa bawat isa.
Free Powerpoint Templates
Page 4
2. Ito rin ang nagtatakda ng
balangkas ng pulong tulad ng
pagkakasunod-sunod ng mga
paksang tatalakayin at kung gaano
katagal pag-uusapan ang mga ito.
3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist
na lubhang mahalaga upang matiyak
na ang lahat ng paksang tatalakayin
ay kasama sa talaan.
Free Powerpoint Templates
Page 5
4. Ito ay nagbibigay rin ng
pagkakataon sa mga kasapi sa
pulong na maging handa sa
mga paksang tatalakayin o
pagdedesisiyunan.
5. Ito ay nakatutulong ng
malaki upang mapanatiling
nakapokus sa mga paksang
tatalakayin sa pulong.
Free Powerpoint Templates
Page 6
Mga Hakbang sa Pagsulat ng
Adyenda
1.Magpadala ng memo na
maaaring nakasulat sa papel o
kaya naman ay isang email na
nagsasaad na magkaroon ng
pulong tungkol sa isang tiyak
na paksa o layunin sa ganitong
araw, oras, at lugar.
Free Powerpoint Templates
Page 7
2. Ilahad sa memo na kailangan nilang
lagdaan ito bilang katibayan ng
kanilang pagdalo o kung email naman
kinakailangang magpadala sila ng
kanilang tugon. Ipaliwanag din na sa
mga dadalo, mangyaring ipadala o
ibigay sa gagawa ng adyenda ang
kanilang concerns o paksang
tatalakayin at maging ang bilang ng
minute na kanilang kailangan upang
pag-usapan ito.
Free Powerpoint Templates
Page 8
3. Gumawa ng balangkas ng mga
paksang tatalakayin kapag ang
lahat ng mga adyenda o paksa ay
napadala o nalikom na. Higit na
magiging sistematiko kung ang
talaan ng agenda ay nakalatag sa
talahanayan o naka-table format
kung saan makikita ang agenda o
paksa, taong magpapaliwanag at
oras kung gaano ito katagal pag-
usapan.
Free Powerpoint Templates
Page 9
•Ang taong naatasang gumawa
ng agenda ay kailangang maging
matalino at mapanuri kung ang
isinumiteng agenda o paksa ay
may kauganyan sa layunin ng
pulong. Kung sakaling ito ay
malayo sa paksang pag-
uusapan, ipagbigay alam sa
taong nagpadala nito na ito ay
maaaring talakayin sa susunod
na pulong.
Free Powerpoint Templates
Page 10
4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa
mga taong dadalo, mga dalawa o
isang araw bago ang pulong.
Bilang paalala ay maging ilagay
rito ang layunin ng pulong, at
kung kailan at saan ito
gaganapin.
5. Sundin ang nasabing adyenda
sa pagsasagawa ng pulong.
Free Powerpoint Templates
Page 11
Petsa: Oktubre 6, 2022 Oras : 9:00 n.u-11:00 n.u
Lugar : EVHS Gymnasium
Paksa/Layunin: Preparasyon para sa Senior High School
Mga dadalo:
1. Santiago Villafuerte (Prinsipal)
2. Bergielyn Orara (Registrar)
3. Liezel Cauilan ( SHS Coordinator)
4. Mga Guro ng Senior High School
Mga Paksa o Agenda Taong Tatalakay Oras
1. Badyet sa pagpapatayo ng mga
gusali para sa Senior High Scool
Dayag 20 minuto
2. Loteng kailangan sa
pagpapatayo ng gusali
Atty. Calubaquib 20 minuto
3. Feedback mula sa mga
magulang hinggil sa SHS ng EVHS
Cauilan 10 minuto
4.Kurikulum/Track na ibibigay ng
EVHS
Orara 20 minuto
5.Pagkuha at Pagsasanay ng mga
guro para sa SHS
Juarez 15 minuto
Narito ang Halimbawa ng Adyenda:
Free Powerpoint Templates
Page 12
Mga Dapat Tandaan sa Paggamit
ng Adyenda
1.Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay
nakatanggap ng sipi ng mga adyenda.
2.Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang
higit na mahahalagang paksa.
3.Manatili sa iskedyul ng agenda ngunit
maging flexible kung kinakailangan.
4. Magsimula at magwakas sa itinakdang
oras na nakalagay sa sipi ng adyenda.
5.Ihanda ang mga kakailanganing
dokumento kasama ng adyenda.