Ano ang pang- abay ? Ang pang-abay ay naglalarawan sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
Basahin ang mga pangungusap . Nakipag-usap nang maayos si Rita sa kanyang mga kapatid . 2. Ang mga Ita ay unang naninirahan sa Panay bago dumating ang mga Malayo . 3. Taun-taon ay pumupunta kami sa Baguio. Ano ang tinutukoy ng mga salitang may salungguhit ?
URI NG PANG-ABAY
URI NG PANG-ABAY Pamaraan Panlunan Pamanahon
Pang- abay na Pamaraan naglalarawan kung paano naganap , nagaganap , o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa .
Tumakbo nang MATULIN si Agnes upang hindi siya mahuli sa klase . Si Niko ay MAHIMBING na natutulog sa kanilang lapag maghapon . DAHAN-DAHANG binuksan ni Ann ang kahong ibinigay ng kaniyang kaibigan sa pasko . Halimbawa
Pang- abay na Panlunan - tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan , pinangyayarihan , o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa .
Buksan mo ang pinto sa kusina . Pumunta sa bayan ang mag- asawa . Sa bahay nakatira ang pinsan ko . Halimbawa
Pang- abay na Pamanahon - nagsasaad ito kung kalian naganap o magaganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa .
Halimbawa Araw - araw akong umaasa sa pagbabalik mo hanggang sa mabalitaan ko na lang na nagtungo ka na sa ibang bansa . Taun - taon ay nagkakaroon ng paliga si kapitan upang mabaling ang atensyon ng mga kabataan sa isports at malayo sa mga ipinagbabawal na gamot .
- ginagamit ang panandang nang , noong , kung, tuwing , buhat , kapag , mula , umpisa , hanggang . May pananda
Halimbawa Tuwing umaga ay nag - iigib sila ng tubig sa balon upang merong magamit sa maghapon . Mula ngayon dito ka na sa amin maninirahan at sa silid ni Lorie ka rin matutulog .
- kahapon , kanina , ngayon , mamaya , bukas , sandali at iba pa. Walang Pananda
Halimbawa Mamaya ko kukunin ang naiwang libro sa kantina . Pupunta kami ngayon sa parke . Kanina dumating ang order ko sa Lazada .
TANDAAN NATIN!
Pang- abay ang tawag sa salita o mga salita na nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa , pang- uri , at kapwa pang- abay .
Uri ng Pang- abay Pang- abay na Pamaraan - kung paano naganap , nagaganap o magaganap ang kilos. Pang- abay na Panlunan - ay tumutukoy sa pook na pinaggaganapan ng kilos ng pandiwa . Pang- abay na Pamanahon - ay nagsasaad kung kalian naganap , nagaganap o magaganap ang isang gawaing ipinahihiwatig ng pandiwa .