Pang-uring Pamilang-Pahalaga/Palansak -5

janstevenarminal 3 views 35 slides Sep 23, 2025
Slide 1
Slide 1 of 35
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35

About This Presentation

Aralin sa Filipino 5- Pang-uring Pamilang: Pahalaga at Langkapang Pangungusap


Slide Content

FILIPINO 5 Quarter 2 Week 1 Pang- uri Pamilang : Pahalaga

Layunin : ● Natutukoy ang pang- uring pamilang : Pahalaga ● Natutukoy ang Langkapang pangungusap .

Ano ang pang- uring pamilang ? Ang pang- uring pamilang ay mga salitang nagsasaad ng bilang ng mga pangngalan . Ito ay nagsasaad ng dami o kakauntian ng mga pangngalang inilalarawan .

Halimbawa : Binili ko ang limang bola para sa aking kapatid . Nakakita ako ng pitong ibon sa puno . Ang aking lola ay may walong alagang pusa . May isang libong piso ako sa aking alkansya .

Ano ang Pahalaga ? Ang pahalaga ay nagsasaad ng halaga ng isang bagay na binili , binibili o bibilhin . Tumutukoy sa halaga o presyo .

Halimbawa : Ang pilak na ito ay katumbas ng isang daang piso . Sa perang papel na limangdaang piso makikita ang larawan nila Ninoy at Cory. Sampung libo lang ang natanggap ko sa aking scholarship. Bumili ako ng lupain sa halagang isang milyong piso .

Basahin ang maikling kwento at tukuyin ang pang- uring pamilang sa akda . Si Juan at ang kanyang sandata’t kabayo

Noong unang panahon , may isang matapang na mandirigma na nagngangalang Juan. Siya ay may dalawang matalim na espada at tatlong malalakas na kabayo . Isang araw , siya ay nakaharap ng limang higante na sumalakay sa kanilang nayon .

Si Juan ay tumakbo nang tumakbo , gamit ang kanyang dalawang espada upang labanan ang mga higante . Pagkatapos ng mahabang labanan , siya ay nagtagumpay na matalo ang limang higante at nailigtas ang nayon .

Ang nayon ay nagpasalamat kay Juan at siya ay tinawag na bayani . Mula noon, si Juan ay patuloy na ipinagtanggol ang nayon gamit ang kanyang dalawang espada at tatlong malalakas na kabayo .

Gawain 1 Panuto : Salungguhitan ang ginamit na pang- uring pamilang na pahalaga sa bawat pangungusap . 1. Ang presyo ng bahay na ito ay limang milyon . 2. Ang aking kapatid ay may apat na alagang pusa . 3. May walong oras akong natutulog araw-araw . 4. Nakagawa si inay ng siyam na pirasong tinapay . 5. Binili ko ang dalawang kilong mangga sa palenke .

6. May tatlong libro akong binasa noong nakaraang buwan . 7. Ang paaralan namin ay may labindalawang silid-aralan . 8. Ang kompanya ay may dalawampung empleyado . 9. Nakainom ako isang basong tubig matapos mag- ehersisyo . 10. Nakabili ako ng limang pares ng sapatos sa mall.

Susi sa Pagwawasto 1. limang 2. apat 3. walong 4. siyam 5. dalawang 6. tatlong 7. labindalawang 8. dalawampung 9. isang 10. limang

FILIPINO 5 Quarter 2 Lankapang Pangungusap

Ano ang Pangungusap ? ● Ang pangungusap ay lipon ng mga s alitang nagpapahayag ng buong diwa at k aisipan . Ito ay nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa bantas .

Bahagi ng Pangungusap Simuno Panaguri p inaguusapan naglalaman ng sinasabi tungkol sa simuno

Halimbawa : Ang kanilang ama ay isang magsasaka Ang kanilang ama ay isang magsasaka Payak na simuno Payak na panaguri Buong simuno Buong panaguri

Kaayusan ng Pangungusap Karaniwang ayos Nauuna ang simuno sa panag-uri Halimbawa : Ang mga ulila ay nakakaawa . Simuno Panaguri Si nanay ay mahusay magluto . Simuno Panaguri

Kaayusan ng Pangungusap Di- karaniwang ayos Nauuna ang panaguri sa simuno . Halimbawa : Nakakaawa ang mga pulubi Simuno Panaguri Mapagmahal si nanay Simuno Panaguri

Uri ng Pangungusap Ayon sa Pagkakabuo • Langkapan na pangungusap • Payak na pangungusap • Tambalang pangungusap • Hugnayan na pangungusap

• Payak na pangungusap Pangungusap na may isang diwa lamang o kaisipan . Halimbawa : Si Andrea ay maagang kumain ng hapunan . Nagpunta sa parke ang magkakaibigan . Simuno Panaguri Panaguri Simuno

• Tambalang pangungusap Pangungusap na binibuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapagiisa . Tambalang simuno at payak na panaguri Payak na simuno at tambalang panaguri

Halimbawa : Tambalang simuno at payak na panaguri Nagpunta sa parke ang magkakaibigan at ang kanilang mga magulang . Ang magkakaibigan Ang kanilang mga magulang Nagpunta sa parke . Simuno Simuno Panaguri

Payak na simuno at tambalang panaguri Halimbawa : Nagpunta sa parke at kumain ng sorbetes ang magkakaibigan . Ang magkakaibigan Nagpunta sa parke Kumain ng sorbetes Simuno Panaguri Panaguri

• Hugnayan na pangungusap Pangungusap na binibuo ng sugnay na makapagiisa at di- makapagiisa na pinag-uugnay ng kaya, kung,kapag , dahil , upang , nang , sapagkat at iba pa.

Halimbawa : Umiyak si Mark nang mawala ang bago niyang aklat . Sugnay na makapag-iisa Sugnay na di makapag-iisa Siya ay naghuhugas ng kamay upang hindi magkasakit . Sugnay na makapag-iisa Sugnay na di makapag-iisa

• Langkapang Pangungusap Ang langkapang pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at dalawa o higit pang sugnay na di makapag-iisa .

Halimbawa : Habang kumakain ng tanghalian sa paaralan , ang mga mag- aaral ay nag- uusap tungkol sa kanilang plano para sa darating na pasukan at ang kanilang mga guro naman ay nagbabantay upang siguraduhin ang kaayusan .

Panuto : Tukuyin ang mga pangungusap sa ibaba . Isulat ang P kung Payak at T kung tambalang pangungusap . 1. Maganda ang panahon ngayon sa nayon . 2. Ako ay mag- aaral ng mabuti at magiging matagumpay . 3. Siya ay lalabas ng bahay at ako ay mamamalengke . 4. Ang bagyo ay paparating na sa Pilipinas . 5. Si Rem ay hindi pa bumabangon at hindi pa rin naliligo . 6. Si Juan ay handa na sa pagsusulit . 7. Ako ay nag- aaral habang naglalaro ang aking kapatid . 8. Ang kalamidad ay mapaminsala sa pananim . 9. Ang mga Pilipino ay nagbabayanihan sa oras ng sakuna . 10. Hindi siya natuwa sa pangyayari at siya ay umiyak . P P P P P T T T T T

T T T H H H P P H T

Panuto : Isulat ang Payak , Tambalan , Hugnayan , Langkapan sa bawat patlang sa pangungusap . 1. Namili si tatay ng karne , prutas at gulay . 2. Habang nagsasaing , inihanda ni Liza ang lamesa . 3. Mabuti ang ina at uliran ang ama. 4. Kung pinukol ka ng bato , pukulin mo ng tinapay at tiyak na gagantipalaan ka ng maykapal sa iyong kabutihan . 5. Nakiusap si Ding na gawing sabado ang handaan sa kanyang kaarawan .

6. Walang ligaya sa lupa kung di dinilig ng luha . 7. Maraming mag- aaral ang sumali sa outreach program at sila’y nagbigay ng damit at pagkain . 8. Nakalilito ang panahon minsan umaaraw minsan umuulan . 9. Masaya ang klase sa napanalunan nilang premyo . 10. Lumipad ka man ng lumipad , sa lupa ka rin lalagpak ; at kung masawing-palad , sa paghulog ay lagapak kaya’t ika’y pakaingat .

1. Payak 2. Hugnayan 3. Tambalan 4. Langkapan 5. Payak 6. Hugnayan 7. Tambalan 8. Langkapan 9. Payak 10. Langkapan Susi sa Pagwawasto !