FILIPINO 4 Quarter 1 Week 8 Learning Competency: Nagagamit ang iba’t - ibang uri ng panghalip sa usapan at pagsasabi ng tungkol sa sariling karanasan . ( Panghalip na Pamatlig ) F4WG -If - j - 3 Prepared by: JENETTE G. SAN LUIS Teacher I
Panalangin Pagsasaayos ng silid-aralan Panimulang Gawain:
Paghahawan ng Balakid A B 1.nakatalaga A . alagaan 2 . ingatan B. Laging isaisip 3. ugaliin C . nakalaan 4.napapakinabangan D . Laging gawin 5. pakatandaan E . nagagamit F . kagamitan Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga salita / parirala sa Hanay A.
Pagganyak Tingnan ang laman ng inyong bag. A no - ano ang mga laman nito ? Mahalaga ba ito para sa iyo ? Paano mo ito iniigatan ? Ano-ano naman ang mga kagamitan sa silid aralan ? Sa paaralan ? Paano ninyo ito alagaan ?
Pagtatalakay A 1. Tungkol saan ang usapan ? 2. Magalang bang sinagot ng mga mag- aaral ang mga tanong ni Bb. Driz ? 3. Ano-ano ang mga bagay na naiwan ng mga bata sa silid-aralan ?
4 . Ilan ang mga batang itinalaga ni Bb. Driz para mag- ayos ng aklat sa aklatan ? Sino- sino sila ? 5. Ano ang tagubilin ni Bb. Driz sa kaniyang mga mag- aaral ?
6. Ano-ano ang salitang may salungguhit sa usapan ni Bb. Driz at mga mag- aaral ? 7 . Ano ang ipinahihiwatig ng mga salitang ito ? 8 . Ano-ano ang tawag sa mga salitang ito ? 9 . Kailan ito ginagamit ?
Ano ang tawag sa mga ito ? Anong uri ng panghalip ang mga ito ?
Pagtalakay B Maraming uri ang panghalip : p anao , pamatlig , pananong , Ang panghalip pamatlig ay mga panghalip na ginagamit sa pagtuturo o paghihimaton sa isang tao , bagay , lugar , o pangyayari . PANAUHAN NG PANGHALIP PAMATLIG: UNANG PANAUHAN- ang pangalang itinuturo ay malapit sa taong nagsasalita . ( ito , ire, nito , nire , ganito , ganire , dito , dine, heto )
IKATLONG PANAUHAN- ang pangngalang itinuturo ay malayo sa taong nag uusap . ( iyon , hayun , doon , ganoon , gayon ) IKALAWANG PANAUHAN- ang pangngalang itinuturo ay malapit sa taong kinakausap . ( iyan , niyan , ganyan , diyan , hayan )
Gawin Natin Pangkatin ang klase sa tatlo .
Gawin Natin Pangkat I Gamit ang mga larawan , b umuo ng pangungusap gamit ang panghalip pamatlig . Pangkat II Kumatha ng isang maikling awit na ginagamit ang mga panghalip na pamatlig . Pangkat III Bilugan ang panghalip pamatlig na ginamit sa bawat pangungusap .
Pag-uulat ng bawat pangkat .
Paglalapat Punan ng wastong panghalip na pamatlig ang bawat puwang sa pangungusap . 1. _____ ka na maupo para magkatabi tayo . ( Dito , Ito) 2. Sila ay pumunta _____ sa bukid . ( iyon , roon )
3. Kunin mo ang bag _____ sa likuran mo. ( diyan , ganiyan ) 4. _____ ang pagluto ng adobong manok .(Ito, Ganito ) 5. ______ pala sila nakatira . ( Doon , Iyon )
Paglalahat Ano ang panghalip na pamatlig ? Paano ito ginagamit ?
Pagtataya :
Takdang Aralin Pumili ng 5 panghalip pamatlig . Gamitin ang mga ito sa sarili mong pangungusap .