Panunuring Pampanitikan Midterm & Final Coverage Inihanda ni : EVANGELINE A. MANSANADEZ, E.M.D
Sining – ay mula sa salitang Latin na “ ars ” na nangangahulugang kakayahan o kasanayan . Sining ng pakikipagtalastasan o komunikasyon Sining ng pagbigkas Sining ng pagtula Sining ng pag-awit Sining ng pagtatalumpati Sining ng pagbasa Sining ng pagsulat Sining pantanghalan , at iba pa
Naipapahayag ito sa pamamagitan ng paggamit ng imahinasyon . Tulad ng makata , pintor , manunulat , kompositor at iskultor ay nababalutan ng imahinasyon ang kanilang mga likhang-sining na gamit na puhunan ang kanilang talino , damdamin , kakayahan at karanasan . Sa panitikan , ang likhang sining ay naipapahayag sa tulong ng maayos na paglalahad o paglalarawan .
pagsayaw pagtapon ng basura pagkalat ng polusyon pag-aayos ng mga kutsara sa mesa pagtatrapiko pagtawid sa pedestrian lane pagpipinta pagsasadula paglalaro pagbigkas ng tula pagtatanghal sa entablado pag-iwas sa sakuna Kilalanin ang mga sumusunod :
pagluluto pagtatalumpati pagtatalo o debate pakikipag -away sa kapitbahay pagsulat ng tula pagkukuwento pagsigaw sa ngalan ng kaibigan pagsagot sa telepono o cellphone pagsakay sa bus o motorsiklo pagkanta o pag-awit paglangoy sa swimming pool , ilog o dagat pagsulat ng liham pahintulot
Panitikan – ay bungang-isip na naisatitik o anumang naisatitik na nauugnay sa pag-iisip , damdamin , at paniniwala ng tao , maging ito’y totoo , kathang-isip , o bungang tulog lamang , na nasusulat sa maganda , makahulugan , at masining na pahayag . Panunuring Pampanitikan – ay kilala sa tawag na kritisismo bilang isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang nilikhang sining .
Sa kabuuan , mabibigyang-kahulugan ang panitikan bilang isang matibay at panghabang panahong pagpapahayag ng mahalagang karanasan ng tao sa mga salitang mahusay na pinili at isinaayos .
Kasaysayan – ang matalik na kaugnay ng panitikan . 2 Anyo ng Panitikan : Akdang tuluyan Akdang patula Akdang Tuluyan – yaong nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap , tuluy-tuloy ang daloy ng pagpapahayag . Akdang Patula – yaong nasusulat sa taludtod , may sukat , tugma , at talinghaga .
Maikling kwento Nobela Pabula Parabula Alamat Dula Balita Talumpati Talambuhay Sanaysay anekdota Mga Uri ng Akdang Tuluyan :
Tulang Pasalaysay ( epiko , awit at kurido , balad ) Tulang Paawit o Liriko ( awiting bayan , soneto , elehiya , dalit , oda , pastoral) Tulang Dula o Pantanghalan ( moro-moro , komedya , melodrama, parsa , saynete , trahedya ) Tulang Patnigan ( Joustic poetry) ( karagatan , duplo , balagtasan ) Mga Uri ng Akdang Patula :
Pasalitang panitikan – paraan ng pagpapalaganap ng panitikang katutubo A. Panahon ng Alamat Mga kwentong bayan (folklore): Mito (myth) Alamat (legends) Salaysayin (folktales) Panitikan sa Panahon ng Katutubo :
Oyayi / hele / holoborin – awit pampatulog ng bata Kundiman – awit sa pag-ibig Diona o ihiman – awit pangkasal Kumintang – awit sa pakikidigma Talindaw – awit sa paggawa o pamamangka Kutang-kutang – awit panlansangan Dung-aw – awit sa pagdadalamhati Dalit – awit para sa anito , Diyos , o sa Birheng Maria Uri ng Awitin o Kantahing Bayan
Bugtong Palaisipan Salawikain Sawikain o idyoma Kasabihan Mga bulong Mga Karunungang Bayan
B. Panahon ng Epiko at Tulang Bayan Paganismo – ang pinakaunang sistema ng pananampalataya ng mga sinaunang Pilipino. Anito – kaluluwa ng mga yumaong ninuno . Ritwal – ang pinag-uugatan ng mga dula at dulaan sa Pilipinas . Mimeses – ayon kay Aristotle, ang siyang pinakakaluluwa ng dula na nangangahulugang panggagaya o imitasyon .
Balak – pagsusuyuan ng dalaga’t binata ng mga Cebuano, Waray , Hiligaynon, at Boholano sa pamamagitan ng awit na maindayog at matalinghaga . Balitaw – sayaw at awit sa panliligaw . Karilyo – “shadow play”, dulang ginagalawan ng mga puppet bilang tauhan sa kwento sa likuran ng puting tabing na naiilawan . Mga Anyo ng Dula at Dulaan sa Pilipinas
Bayok – awit ng pag-ibig ng mga Maranao . Pamanhikan – pagdalaw ng mga magulang ng lalaki sa tahanan ng babae upang pag-usapan ang kanilang pagpapakasal . Dalling-dalling – katutubong awit-sayaw ng mga Tausug . Sinasayaw ng mga lalaki at babae na naglalagay ng makapal na make-up.
Sa ilang kritiko , ang panunuri ay isang agham ng teksto . Isang gawaing may pinaghahanguang teorya . Isang pagpapahayag na nangangailangan ng paghahanda at kakayahan . Isang pagsusuri sa kabuuan ng tao – ang kanyang anyo , ugali , kilos, paraan ng pagsasalita , at maging sa kanyang pakikipag-ugnayan sa kapwa at sa lipunang kinabibilangan niya . Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan
Parolang Ginto - kalipunan ng ipinapalagay na pinakamahusay na kwento ng taon ni Clodualdo del Mundo . Talaang Bughaw – talaan ng pinakamahusay na akda , tula , o katha ni Alejandro G. Abadilla . Dahil dito , pinasok nila ang larangan ng panunuring pampanitikan . Mga Mahusay na Kritiko ng Panitikan
Matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng akdang pampanitikan bilang isang sining . Handang kilalanin ang sarili bilang manunuri . Laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan . Iginagalang ang disisyon ng ibang kritiko . Matapat na kumilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraan ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin . May tigas ng damdaming manindigan . Katangian ng isang mahusay na Kritiko ng panitikan
1. Bayograpikal (Biographical) - nalalantad dito ang tungkol sa buhay , katauhan o personalidad ng may akda . Kung paanong naranasan ni Francisco “ Balagtas ” Baltazar ang kalupitan ng mga Kastila ay dahilan marahil kung bakit niya nasulat ang “ Florante at Laura”. Kung paano nailantad ni Edgardo Reyes sa “ Mga Kuko ng Liwanag ” ang buhay ng mga manggagawa sa konstruksyon ay bunga marahil ng naging karanasan niya noong siya’y minsang magtrabaho rito . Mga Teoryang Pampanitikan
2. Historikal – saklaw ng teoryang ito ang pagsusuri ng teksto na nakabatay sa impluwensyang nagpapalutang sa isang akda : talambuhay ng may- akda , ang sitwasyong politikal na napapaloob dito , ang tradisyon , at kumbensyon na nagpapalutang nito . Mahalagang matuklasan dito ang pwersang pangkapaligiran at panlipunan na may malaking impluwensya sa buhay ng manunulat .
Ang akdang susuriin ay dapat na maging epekto ng kasaysayan na maipaliliwanag sa pamamagitan ng pagbabalik-alaala sa panahong kinasangkutan ng pag-aaral . Hal: “ Iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan ”- mula “ Kwento ni Mabuti ” ni Genoveva Edroza – Matute (1955).
3. Klasismo – umusbong at lumaganap sa Gresya bago pa isinilang si Kristo . Pinaniniwalaan ng teoryang ito na dahil walang katapusan ang diwa at espiritu ng tao kaya’t ibig nitong makalaya sa kinabibilangang daigdig . Sinisikap ng tao na kahit hinahangad niya ang kanyang kalayaan , naniniwala siyang hindi siya maihihiwalay sa daigdig nang walang pagbabagong magaganap sa kanyang kalikasan . Pinaniniwalaan dito na kahit ang diwa ng tao ay nakabatay sa bagay , ang pisikal na bagay at espiritu ay dapat isabuhay at dakilain . Mahalaga ring maisabuhay ang isang dakilang kaisipan sa isang dakilang katawan .
Ang pananaw ng klasismo ay nagsisimula sa pinakamataas patungo sa pinakamababang uri . Ibig sabihin , sa itaas matatagpuan ang kapangyarihan at ito ang lundayan ng katotohanan , kabutihan , at kagandahan . hal : matalinong tao at taong hangal makapangyarihang tao at taong sunud - sunuran pinakamayamang tao at pulubi mamahaling bato at walang halagang bato Matipid sa salita ang klasismo Ang Florante at Laura ni Francisco Baltazar ay akdang Klasiko .
4. Humanismo ( Makaluma ) – sumibol ito sa panahon ng renaissance “rebirth of learning” o Muling Pagsilang ng kaalaman . Ang pokus ng teoryang ito ay ang tao at ang taong nakatuntong ng pag-aaral at kinilala ng kultura ay maituturing na sibilisado . Ang humuhubog at lumilinang sa tao ay ang tinatawag na humanismo . Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya’t maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya .
5. Romantisismo ( makaluma ) – kagandahan ay katotohanan . Pinagagalaw nito ang diwa at isip ng tao upang makalikha ng sining pampanitikan . Inspirasyon , imahinasyon , at paglikha , makapangyarihanng damdamin , katotohanan , kabutihan at kagandahan . Pag-ibig nina Jose Corazon de Jesus at Teodoro Gener Sa Tabi ng Dagat ni Ildefonso Santos Sa Krus na Daan ni Ruben Vega Hiwaga ni Cirio H. Panganiban 6. Realismo ( makaluma ) - higit ang katotohanan kaysa kagandahan . Ito ang ipinaglaban ng realismo . Kilala rito ang lumaganap na kaisipan ni Karl Marx at Frederick Engels.
Sinumang tao , anumang bagay at lipunan , ayon sa mga realista , ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad . Walang hangganan ang pagbabago , katotohanan ang una’t huling hantungan ninuman . Hindi magaganap ang palsipikasyon ng tao sa realidad ng lipunan . Pagtatala ng iba’t ibang mukha ng buhay . Ito ang nais ipabatid ng mga realista sa mga tao . Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal, Banaag at Sikat ni Lope K. Santos, Satanas sa Lupa ni Celso Al. Carunungan , at Laro sa Baga ni Edgardo Reyes.
7. Pormalistiko ( makabago ) – ang pisikal na katangian ng akda ang pinakaubod ng pagdulog na ito . Ang tunguhin ng teorya ay matukoy ang nilalaman , kaanyuan o kayarian , at paraan ng pagkakasulat ng akda . 8. Siko-Analitiko ( makabago ) – teorya ni Freud na nagsasabing ekonomiya ang motibo ng lipunan . May kinalaman ito sa paniniwalang naghahanap-buhay ang tao para lamang lasapin ang sarap ng buhay at magkaroon lamang ng matyuridad ang isang tao bunga ng kanyang kamalayan sa kahirapan .
Oedipus complex- sekswalidad ang pinakaubod nito . Ito ay pakikipag-agawan ng bata sa kanyang ama sa atensyon , pagmamahal , o pangangalaga ng kanyang ina . Electra complex – ang pakikipag-agawan ng bata sa kanyang ina sa atensyon , pagmamahal , o pangangalaga ng kanyang ama . 9. Eksistensyalismo ( makabago ) – kalayaan at awtentiko ang nais kilalanin dito . Kitang-kita ng tao ang proseso ng pagiging (being) at hindi pagkakaroon ng tamang sistema ng paniniwala ang pinahahalagahan ng tao upang mabuhay . Litaw ang ideyang , walang pinagmulan at walang hangganan . Maihahambing sa modernisismo na nagpipilit magwasak ng kasaysayan tulad ng tulang Ako ang Daigdig ni Alejandro G. Abadilla .
10. Istrukturalismo ( makabago )-ang pinahahalagahan dito ay ang may- akda at ang akda bilang daloy ng katotohanan . Hindi rin nito pinahahalagahan ang kritisismong kumikilala sa tao bilang pinagkunan ng kahulugan ng teksto . Kaya, ipinapalagay na ang teoryang ito ay di- makatao . 11. Dekonstruksyon ( makabago )- kilala sa tawag na post- istrukturalismo . ang nabuong konsepto ay binuwag . halimbawa : pulis , masama sa tao . ginawang simple ang masalimuot
12. Feminismo ( makabago )- kahawig ng dekonstruksyon . Ang babae ay inilalarawan ng ilang manunulat na mahina , marupok , tanga , sunud-sunuran , maramdamin , emosyonal , pantahanan , at masama . Pinaniniwalaan sa teroyang ito ang sistemang pangkababaihan bilang mga indibidwal na di- kapantay ng kalalakihan .
Dapat may uri at katangian ng katalinuhan at marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa Kalayaan. Kailangang mahusay ang organisasyon o balangkas . Dapat na maging maganda ang paksa , may kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad . Mga Batayang Simulain sa Panunuring Pampanitikan
Mahalagang mahagap ng tagasuri ang kanyang piniling paksa nang maging mahusay ang pagkatalakay at organisasyon ng akda , magkaroon ng malinaw na balangkas , malinaw na tesis o argumento , may mahusay at makinis ang pagkakasulat . Sa pagsusuri ng tula , ayon kay Ruben Vega, na ang mahalaga sa tula ay ang lasa at hipo nito . Ang buhay raw ng sining ayon sa kanya, ay nasa ubod at laman nito .
Ayon kay Clodualdo del Mundo, ang tunay na tula ay yaong matigib o mapupuno sa damdamin , managana sa kabuuan nito sapagkat hindi maaaring mabitag sa mga taludtod nito ang isang kagandahan . Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon , may matibay na kaisahan , makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa teoryang pampanitikan .
Pagbabasa – ang pinakaunang pamaraan sa pagsusuri ng akdang pampanitikan . Pagsusuri ng Maikling Kwento - ang mga elementong taglay ng kwento ang nararapat na suriin tulad ng: tauhan tagpuan banghay tunggalian simbolo pahiwatig mgagandang kaisipan o pahayag ang simula at wakas Mga Pamaraan sa Pagsusuri ng Akdang Pampanitikan
Mga Paraan sa pagsusuri ng mga tauhan : Suriin ang pangunahing tauhan batay sa kanyang anyo , ugali at paraan ng pagsasalita Suriin ang tungkuling ginagampanan ng mga tauhan Suriin kung paano ipinakita ng tauhan ang kagandahang-asal , ang kanyang mabuting ugali, at iba pa. Gamitan ng isang teoryang angkop sa gagawing pagsusuri . Tandaan : ang ganda at bisa ng isang akda ay nakasalalay sa paglalarawan at pagbibigay-buhay sa mga tauhan / karakter na nalilikha ng manunulat . Kung paano nananatiling buhay at makatotohanan ang mga tauhan sa kwneto ay tanging ang manunulat o may- akda lamang ang nakatatalos .
Suriin ang kwento ayon sa uri nito Suriin ito ayon sa paksang nakapaloob nito Suriin ito ayon sa nilalaman , tauhan , tagpuan at banghay Suriin ito ayon sa taglay na bisa Suriin ito ayon sa kaugnayan nito sa kamalayang panlipunan Gamitan ng teorya ang pagsusuri Mga Pamaraan sa Pagsusuri ng Kwentong Bernakular
Ayon kay Regalado, “Hindi maaaring magkaroon ng tunay na tulang Tagalog kung walang sukat , tugma at taludturan . Kung susundin ang pahayag na ito , kailangang suriin kung ang tula ay tradisyunal o modern. Ang susuriin sa tula ay ang mga sumusunod : Sukat Tugma Talinghaga Mensaheng napapaloob nito Pagsusuri ng Tula
Ang elementong taglay nito ang dapat suriin . Tagpuan Dayalogo Balangkas at pagbubuod Ang kalagayang politikal , panlipunan , pangkabuhayan at pangkagalingan Teoryang angkop dito Pagsusuri ng Dula
Alamin ang katangiang pampanitikang napapaloob sa nobela tulad ng istilo , tono at simbolo Alamin ang aspektong panlipunan , pampulitika , pangkabuhayan at pangkultura na nakapaloob sa nobela . Pumili ng teoryang gagamitin sa pagsusuri rito . Pagsusuri ng Nobela
Alejandro G. Abadilla – kilala sa sagisag na “AGA”. Tinaguriang “Ama ng Malayang Taludturan ”. Naging kritiko siya noong 1932 sa pamamagitan ng kanyang Talaang Bughaw – ang talaan ng mga kwentista ng taon na kinapalooban ng medalyang ginto . Dito niya itinala ang kanyang buwanan at taunang pamimili ng pinakamahusay na akdang pampanitikan na nasa anyong patula at tuluyan . Nabubuhay lamang ito ng 4 na taon . Mga Kritikong Pilipino
Binigyang-pansin niya sa kanyang panunuri ang balangkas at pamaraan at hindi ang nilalaman ng akda . Kinilala ng panitikang Filipino ang kanyang mga aklat na Parnasong Tagalog at Tanagabadilla . Sina Alejandro G. Abadilla at Clodualdo del Mundo ay magkatulong na namili ng 25 pangunahing maikling kwento na naisulat sa loob ng 1925-1935. Pinamagatan nilang “ Mga Kwentong Ginto ” ang 50 kwentong ginto ng 50 batikang kwentista na pinamatnugutan ni Pedrito Reyes.
Teodoro A. Agoncillo – naging tanyag siya dahil sa aklat na ‘Ang Maikling Kuwentong Tagalog, 1886-1948” Isa siya sa mga unang kasapi ng samahang panitikan na laban sa matatandang tanod at sa lingguhang Liwayway na noon ay ayaw maglathala ng mga akda ng mga kabataang makata at manunulat . Virgilio S. Almario – isa sa pinakatanyag na kritiko ng panitikang Filipino. kilala siya sa sagisag-panulat na “Rio Alma”.
Lamberto E. Antonio – itinuring na isa sa mga tungkong bato ng mga makatang UE, kasama sina Virgilio almario at Rogelio Mangahas.siya ay makailang ulit nang nagwagi sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Isagani R. Cruz – kilalang mananalaysay at manunulat ng dula , at mapagkatiwalaang kritiko ng panitikang Filipino. Dating kolumnista ng mahigit sa 20 pahayagan at sa kasalukuyan ay lingguhang sumusulat ng pitak sa Philippine Star at Philippine Starweek .
Lope K. Santos – tinaguriang “ Makata ng Puso” at “Ama ng Balarialng Tagalog”. Naging director ng Surian ng Wikang Pambansa, 1941-1945. naisulat niya ang Balarila ng Wikang Pambansa na naging opisyal na batayang aklat sa Filipino. Siya ang may- akda ng kilalang nobelang Banaag at Sikat . Federico Licsi , Jr. Rogelio G. Mangahas Fernando B. Monleon – kilala sa sagisag na “ Batubalani ”. Tinaguriang “ Makatang Laureado ” noong 1968.
Clodualdo del Mundo – ang lumikha ng “ Parolang Ginto ” noong 1927 hanggang 1935 – talaan ng mga pinakamahusay na kwentong nalathala . Ponciano B. Pineda – manananggol , makata , manunulat , propesor sa wika at linggwista .
Aristotle – Plato Socrates Thomas Stearns Eliot Mga Kritikong Dayuhan