Paraan ng Pagsulat ng Replektibong Sanaysay.ppt

ronaldechonglobalins 0 views 6 slides Oct 08, 2025
Slide 1
Slide 1 of 6
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6

About This Presentation

Ano at Paano nga ba sumulat ng isang Replektibong Sanaysay?


Slide Content

Rex Curriculum Resource  WWW.REX.COM.PH
Ang replektibong sanaysay ay isang uri ng sanaysay na partikular na naglalaman ng
pagsusuri o pagninilay ng manunulat sa kaniyang karanasan at kung paano siya natuto
o napagbago ng pangyayaring ito. Sa madaling sabi, ito ay isang personal na sanaysay
na naglalayong makipag-usap sa target na mambabasa.
Maaaring mag-iba-iba ang anyo ng replektibong sanaysay batay sa mambabasa nito.
Kadalasan, naisasalaysay ito sa anyo ng isang talaarawan o diary na naipakikita ng
manunulat kung paanong umunlad at/o nabago ang kaniyang kaisipan sa isang
partikular na yugto. Maaari din naman itong mag-anyong akademikong sulatin o hindi
kaya ay lathalain gaya ng makikita sa mga magasin. Sa paaralan naman, karaniwang
pinapaksa ang personal na karanasan ng mga mag-aaral na nagbibigay-daan upang
pagmuni-munihan ang emosyonal na paglago at pag-unlad.
REPLEKTIBONG SANAYSAY

Rex Curriculum Resource  WWW.REX.COM.PH
BAHAGI NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

Rex Curriculum Resource  WWW.REX.COM.PH
Sa bahaging ito, inilalatag ang mahahalagang elemento ng karanasan. Bagaman
hindi kinakailangang linear ang gagawing pagsasalaysay, karaniwang isinasagawa ang
lapit kronolohiko o ayon sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa partikular na yugto.
Sa ganitong paraan, nabibigyang-pansin ang mahahalagang bahagi ng naratibo.
1. PANIMULA
2. KATAWAN
Sa bahaging ito, sinisimulang ipakilala ang partikular na paksa o karanasan.
Pahapyaw na pagpapakilala pa lamang ito na karaniwang isinasagawa sa pamamagitan
ng pagtatampok sa “hook” o ang kapana-panabik na pagsisimula ng sulatin. Nagsisilbi
itong kasangkapan upang makuha ang atensiyon ng mambabasa at maengganyo
siyang ituloy ang pagbabasa.

Rex Curriculum Resource  WWW.REX.COM.PH
Sa bahaging ito, muling binibigyang-diin ang mahahalagang punto ng karanasan at
ang natutuhan mula rito. Ito ang magsisilbing kakintalan ng sanaysay sa mga
mambabasa. Isinasama rin dito ang nakikitang ambag ng karanasan tungo sa
pagpapabuti ng pagkatao at kaalaman ng lahat.
3. REALISASYON AT NATUTUHAN
4. WAKAS
Nararapat na isaisip na higit pa sa pagsasalaysay ng karanasan ang replektibong
sanaysay. Sa tuwiran o di-tuwirang paraan ay maaaring ibahagi ang realisasyon o
napagtanto at natutuhan ng manunulat sa kaniyang karanasan.

Rex Curriculum Resource  WWW.REX.COM.PH
PAGSASANAY

Rex Curriculum Resource  WWW.REX.COM.PH
PANUTO: Magsaliksik ng halimbawa ng replektibong sanaysay. Basahin ito at sagutin
ang talahanayang kaugnay sa paksang tinalakay.

Mga Gabay na Tanong
Pamagat ng Replektibong Sanaysay:
_________________________________________________
__
1. Tungkol saan ang sulatin?
2. Paano ang naging paggamit ng wika?
Pormal ba o hindi?
3. Nakamit ba ng sulatin ang layunin nito?
Pangatwiranan.
Tags