Dalawang uri ng Sulatin Di- pormal ❖ Ang paksa ay personal,magaan at payak ❖ Madalas at hindi gaanong malalim ang mga salitang ginamit ❖ Parang nakikipag-usap lamang sa bumabasa ang paraan ng paglalahad Ang Impormal na Sanaysay ay mga pananalita na parang pinag uusapan lamang . Ito ay maihahambing na parang simpleng pag uusap ng mga magkaibigan ang may akda at ang magbabasa .
Pormal ❖ Ang paksa ay may kalaliman ❖ Ang mga salita ay pinipili at masining ang pagpapahayag ❖ Nangangailangan ng puspusang pag-aaral at pananaliksik
Mga dapat isinasaalang sa paggawa ng isang sulating pormal . 1. Paggamit ng salitang nasa ikatlong panauhan . Iniiwasan ang paggamit ng ako at ikaw upang hindi lumabas na personal ang sulatin .
2. Pag- iwas sa paggamit ng pagdadaglat at pinaikling salita . Isinusulat ng buo ang mga salita . Halimbawa : a. Bata’t matanda -bata at matanda b. n.u - ng umaga c. blg .- bilang
3. Pag- iwas sa paggamit ng mga salitang palasak . Halimbawa : a. Datung-pera b. Wis ko type- hindi ko gusto c. Alaws-wala
Dayari o talarawan Sanaysay a. Analohiya ( Palasurian ) a.1. Magkasingkahulugan (Synonym) a.2. Magkasalugnat (Antonym)
a.3. Katawanin (Partitive) a.4. Sanhi at Bunga (Cause and Effect)
Analohiya ( Palasurian ) - Ito ay ang tawag sa proseso kung saan sinususuri o pinagkukumpara ng dalawang bagay, lugar , ideya o katangian na magkaugnay o magkatumbas .
Uri ng Analohiya ( Palasurian ) Magkasingkahulugan (Synonym) – Ang pares ng salitang pinagkukumpara ay magkalapit ang kahulugan . Halimbawa : Matumal : madalang
B. Magkasalugnat (Antonym) – Ang pares ng salitang pinagkukumpara ay magkalayo ang kahulugan . Halimbawa : Matayog : mababa
C. Katawanin (Partitive) - Ang pares ng salitang pinagkukumpara ay bahagi ng isang lipon buong bahagi . Halimbawa : Saknong : tula Gulong : kotse
D. Sanhi at Bunga (Cause and Effect) - Ang pares ng salitang pinagkukumpara ay magkaugnay sa nagpapakita ng sanhi at bunga ng isang pangyayari Halimbawa : Baha : pagkawasak ng mga bahay
HALIMBAWA NG SANAYSAY
Kapangyarihan ng Pag- ibig ni Anthony Rosales Sarino Walang perpektong bagay sa mundo . Walang kasiguraduhan . Oo, mayroon tayong patutunguhan at mayroong dahilan ang lahat ngunit wala ni isa sa atin ang nakakaalam ng kahihitnatnan . PAG-IBIG -- naniniwala akong ito ang dahilan ng lahat ng bagay. Alam kong ang puso ang nagdidikta ng
nararapat sa ating sarili . Yung pagmamahal na makukuha sa iisang tao nanilaan ng Diyos at magtuturo nang tamang kahulugan ng buhay.Ang pag-ibig ay makikita at madarama saan ka man makarating . Kahit sa mga simplengbagay na espesyal at kung minsan sa mga bagay na walang halaga ay naroon ang pag-ibig.Bunga ito lahat ng
pagmamahalan . Napakamakapangyarihan ng pag-ibig . Kung titingnan natinito ng mas malawak at mas malalim sa kung ano mang dapat ipakahulugan nito , tiyak lahat tayoay mag- aasam na sana isang araw darating ang taong magiging kabiyak ng ating puso. Wala sa edad , klase ng buhay o kasarian makikita ang pag-ibig . Hanggat maypagmamahalan na namamagitan sa dalawang tao iba man o parehas ang buhay na meron silawala na dapat tayong itanong pa. Hindi na ako nagulat sa pag-ibig ngayon . Hindi na bago sa akinang pagmamahalan ng isang matanda at bata, isang mahirap at mayaman o maging dalawanglalaki o babae . Natutuwa pa nga ako dahil sa kabila ng mapanghusgang lipunan nariyan pa rinang mga taong may kakaibang pagmamahalan . Tinitiis ang bawat masasamang salita
nanamumutawi sa mga taong makitid ang utak na intindihin ang sitwasyon nila.Isa pa sa kapangyarihan ng pag-ibig ang TADHANA. Wala ng tatalo sa pagtagpo ngdalawang puso dulot nito . Napakasarap isipin na may mga taong nagiging masaya at maligaya sa kapangyarihang ito . Naghintay ka o naghanap ngunit may isang bagay na makakagawa nito saisang iglap lang. Nakakatawa man ngunit ito ang katotohanan.Kung minsan , hindi lang kasiyahan ang dulot ng pag-ibig . Pumapasok ang iba't ibangsuliranin at problema .
Ang kasawian at kalungkutan bunga nito . Minsan, negatibong tinuturingang pagkakaroon ng pag-ibig sa mga taong takot na magmahal at ang masama pa'y sa mga taong takot na masaktan . May iba ngang naniniwala na kailangan nating sumugal sa pagmamahal.Tipong manalo man o matalo , bumalik man o tuluyang mawala yung itinaya natin wala dapattayong pagsisihan . Yun daw ang tinatawag na
UNCONDITIONAL LOVE. Tunay ngang makapangyarihan ang pag-ibig . May mga panahong magsasakripisyo tayopara makamit ang kaligayahan o kung sinusuwerte ka madali mong mararamdaman angmagmahal at mahalin . Ngunit kung ano man ang magiging sitwasyon mo at magiging bunganito ; masama man o hindi ito ay dulot ng iyong malayang kaisipan at higit sa lahat ng iyong PUSO.
MGA SULATING PORMAL
Global Warming sa Pilipinas Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan . Ngunit kung ako’y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito , ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran . Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mailhad ko ang mga bagay na aking naiisip na kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon .
Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran , dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong daigdig . Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming. Ang global warming ay ang pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan at atmosphere at ang patuloy na paglala nito .
Sinasabi ng mga scientist at ang mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer, ang init na galing sa araw o itong tinatawag na sun’s rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung ito’y direktang makapapasok na siya na ngang nangyayari sa kasalukuyang panahon . Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga -sala nito o filter upang ang mga mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere .
Sa isyu ng global warming,napakahalaga ng pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nagiging dahilan ng ganitong pangyayari . Alamin , sa abot ng makakaya , ang mga sanhi ng global warming. sa ganitong paraan , malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating atmospera at magagawan natin ng paraan . Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng pagsusunog ng mga fossil fuels.
Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global warming. Higit na mararamdaman ito ng ating mga anak at kanilang mga pamilya kung hindi natin maagapan ang pagkasira ng ating kapaligiran . Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang sitwasyon . kailangan lamang na hanggang maaga pa ay kumilos tayo upang masolusyonan natin ang problemang kinakaharap . Malaki ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at malinis na kapaligiran . Huwag na sana tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy na sumisira sa ating kapaligiran .