Bionote
I. Kahulugan
II. Dahilan kung bakit nagsusulat ng Bionote
III. Layunin at Gamit
IV. Nilalaman ng Bionote
V. Paraan ng Pagsulat ng Bionote
VI. Mga katangian ng mahusay na Bionote
VII. Mga Halimbawa
Ano ang
Bionote
♥Impormatibong talata na
naglalahad ng kwalipikasyon ng
awtor at ng kaniyang kredibilidad
bilang propesyonal.
Ang Bionote ay:
Ang Bionote ay:
♥Ito ay parang talambuhay
(autobiography) o kathambuhay
(biography) ngunit ito ay higit na
maikli kompara sa mga ito.
Ang Bionote ay:
♥Karaniwang matatagpuan sa
panloob na pabalat (Inside front
cover) at likuran (Outside back
cover) ng isang aklat.
Bakit nagsusulat ng Bionote?
Upang ipaalam sa iba hindi lamang ang
karakter kundi maging ang kredibilidad sa
larangang kinabibilangan.
Ito’y isang paraan upang maipakilala
ang sarili sa mga mambabasa.
Layunin at Gamit ng Bionote
Ginagamit para sa personal profile ng
isang tao, tulad ng kanyang academic
career at iba pang impormasyon ukol sa
kanya.
Nilalaman ng isang BIONOTE
1.Larawan at pangalan ng awtor at ilang
deskripsyon
2.Natapos na digri (batsilyer, materado,
doktorado o post graduate na kurso) at
pamantasang pinagtapusan
3.Pinagtuturuang paaralan
4.Mga aklat na nasulat/modyul
5. Editorship (kung mayroon)
6. Maaaring magdagdag ng
a. Membership sa mga organisayon
b. Mga dinaluhang seminar
c. Speakership sa seminar at pagpupulong
Mahalagang Ideya
Ang bionote ay maituturing na
isang marketing tool.
Ginagamit ito upang itanghal
ang mga pagkilala at
mga natamo ng indibidwal.
Paraan ng Pagsulat ng Bionote
PARAAN NG PAGSULAT NG BIONOTE
Unang talata – pangalan, araw ng kapanganakan,
lugar ng kapanganakan, tirahan, magulang at
kapatid.
Ikalawang talata – educational background, mga
katangian, mga hilig, paborito, libangan, mga bagay
na natuklasan sa sarili
Ikatlong talata – mga pananaw sa mga bagay-bagay,
pangarap, ambisyon,inaasam sa darating na panahon,
mga gawain upang makamit ang tagumpay.
Mga Katangian ng Mahusay
na Bionote
1.Maikli ang nilalaman
Karaniwang hindi binabasa ang
mahabang bionote, lalo na kung hindi
naman talaga kahanga-hanga ang mga
dagdag na mpormasyon. Ibig sabihin, mas
maikli ang bionote mas babasahin ito.
2.Gumagamit ng pangatlong panauhang
pananaw
-Tandaan, laging gumagamit ng pangatlong
panauhang pananaw sa pagsulat ng bionote
kahit na ito ay tungkol sa sarili.
Hal. “Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA
Economics sa UP Diliman. Siya ay kasalukuyang
nagtuturo ng Macroeconomic Theory sa parehong
pamantasan.”
3.Kinikilala ang mambabasa
-Kailangang isaalang-alang ang
mambabasa sa pagsulat ng bionote.
-Halimbawa na lamang ay kung ano ang
klasipikasyon at kredibilidad mo sa
pagsulat ng batayang aklat.
4.Gumagamit ng baligtad na
tatsulok
Katulad sa pagsulat ng balita at iba
pang obhetibong sulatin, unahin ang
pinakamahalagang impormasyon.
BALIKTAD NA TATSULOK
PINAKAMAHALAGANG
IMPORMASYON
MAHALAGANG
IMPORMASYON
DI GAANONG
MAHALAGANG
IMPORMASYON
5.Nakatuon lamang sa mga
angkop na kasanayan o
katangian
Mamili lamang ng mga kasanayan o
katangian na angkop sa layunin ng iyong
bionote.
6.Binabanggit ang degree kung
kailangan
Kung may PhD sa antropolohiya,
halimbawa, at nagsusulat ng artikulo
tungkol sa kultura ng Ibanag sa Cagayan,
mahalagang isulat sa bionote ang kredensyal
na ito.
7.Maging matapat sa
pagbabahagi ng impormasyon
Mga Halimbawa
ng Bionote
Halimbawa ng Bionote ng isang mag-aaral
•Stephanie May O. Montera
•Nasa Senior High ng isang pribadong paaralan. May kursong
Computer pragramming. Isang aktibong mag-aaral naging SSG
member noong siya ay nasa mababang antas pa at nagkaroon ng
mga karagdagan kurikolar gaya ng pagiging atleta, miyembro ng
Performance Arts Group at sumali din sa mga Beauty Contest sa
loob ng paaralan.
•Isang honor student at nakatanggap ng iba’t ibang parangal sa
larangan ng akademiya.
`
Halimbawa ng Bionote sa aklat
RENANTE D. MALAGAYO
Nagtapos ng Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya sa Don Mariano Marcos Memorial State
University sa La Union, Master of Arts in Educational Management sa Polytechnic College of La
Union sa La Union, Master in Education Medyor sa Filipino sa Lyceum Northwestern University sa
Dagupan City at kasalukuyan niyang tinatapos ang kanyang doktorado
sa Pampamahalaang Pamantasan ng Benguet sa La Trinidad Benguet.
Nakapagturo siya sa College of Saint Michael the Archangel sa Dagupan City at Saint Mary’ s Academy sa Agoo, La Union.
Kasalukuyan siyang nagtuturo sa Don Mariano Marcos Memorial State University, South La Union Campus, Kolehiyo ng
Sining at Agham, Kagawaran ng mga Wika sa Agoo, La Union. May-akda siya ng mga aklat na Pagpapahalagang
Pampanitikan, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik,, Sining ng Komunikasyon Pang-Akademiko, Pagbasa at Pagsulat
sa Masining na Pananaliksik, at Masining na Pagpapahayag Tungo sa Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pananaliksik at
Pagsulat. Nakasulat na rin siya ng mga modyul sa Filipino at kasalukuyan niyang tinatapos ang isa pang modyul sa Rizal.
KasapisiyasaKapisananngmgaGurosaPilipinas,Reading Association Of the Philippines,Enlightened Group for Quality
and excellence in Education, Inc., Asian Intellect for Academic Organization and Development, Inc. Asian Academic
Organization in Research and Management, Philippine Professional Linkage From Various Disciplines, Inc. Transcendence
Academic Organization Inc., Pambansang Samahan sa Wika, Ink., at Philippine Association of Extension Programs, Inc.