Pinagmulan ng Wika BOW-WOW- Ang teoryang ito ang nagsasabi na ang wika ay nagmula sa mga tunog ng kalikasan. HENRY R. GLEASON – “isa sa mga mahahalagang katangian ng wika ay ang sinasalitang tunog”. Ibig sabihin, lahat ng wika bago naisulat ay nabigkas na muna. Tinatawag ang katangiang ito na Phonocentric (una ang tunog kasunod ang baybay).
PONOLOHIYA- “PAG-AARAL” ng makabuluhang tunog ng isang wika. Tinatawag ding “Palatunugan” PONEMA- makabuluhang tunog sa isang wika. “PAANO MASASABING MAKABULUHAN ANG TUNOG NG ISANG PONEMA?” PONOLOHIYA; PONEMA
SAPAGKAT..... Kapag pinalitan ang isang tunog sa isang salita/wika, maaaring magbago ang kahulugan nito. HALIMBAWA! Ang salitang “YUPI”, kapag pinalitan ang tunog na “yu” ng “tu” at magiging “TUPI” malinaw na nagbago ang kahulugang dala nito.
PONEMANG PATINIG Ponemang Patinig – 5 patinig (a, e, i, o, u) - “pagkakaroon ng tinig” “BAKIT SINASABING ANG PONEMANG PATINIG AY HANGO SA PARIRALANG “PAGKAKAROON NG TINIG”? SAPAGKAT.... Kahit walang katinig ito ay mabibigkas ng malinaw, buo at mag-isa.
PONEMANG KATINIG 16 katinig (b, d, g, h, k, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y, ? ) “kawalan ng tinig” at “kasamang tinig” 15 ang inirerepresenta ng titik at ang isa ay ang “impit na tunog” o glottal sounds sa wikang Ingles Ang (?) ay hindi binigyan ng katumbas na titik o letra. Isinama ito sa palatukdikan at tinumbasan ng tuldik na paiwa / `/ “BAKIT SINASABING ANG PONEMANG KATINIG AY HANGO SA PARIRALANG “KAWALAN NG TINIG AT KASAMANG TINIG”?
SAPAGKAT..... ...hindi mabibigkas ang katinig gaya ng /b/ na walang nakatagong ponemang patinig. Kung babasahin ang ponemang katinig na /b/ ay may kasama itong “a” kaya ang bigkas dito ay “ba”. Sa madaling sabi, ang paraan ng pagbigkas ng mga ponema sa Filipino ay pa-Abakada o laging may kasamang /a/ ang mga ponemang katinig.
“ANO ANG TINATAWAG NA ‘IMPIT NA TUNOG’ O GLOTTAL SOUNDS’ ?” ...ito ay itinuturing na ponemang katinig sa Filipino bagama’t hindi ito nakikita sa Ortograpiyang Filipino. Mahalaga pa rin ito sapagkat nakapagbabago ito ng kahulugan ng dalawang salita na pareho ang baybay.
“Bakit 21 ponema lamang ang binabanggit sa araling ito? Bakit hindi kabilang ang mga letrang c, f, j, ñ, q, v, x, at z sa ponemang katinig ?” SAPAGKAT.... hindi naman ito nagagamit sa karaniwang salita sa wikang Filipino. nagagamit ito sa mga teknikal, siyentipiko at katutubong salita. May kaparehas itong tunog sa ilang mga ponema sa Alpabetong Filipino.
“ TITIK AT PONEMA, PAANO ITO NAGKAKAIBA ?” Sa salitang ‘laba’..... Ilan ang titik o letra? TAMA! APAT NA TITIK O LETRA Ilan ang ponema? TUMPAK! LIMANG PONEMA PAANO NANGYARI ITO?
SAPAGKAT.... Ang salitang /laba/ ay may nakatagong tunog na /h/ sa hulihan kaya’t ito ay magiging... /labah/ at kung ito ay bibigkasin ito ay magiging... la-a-ba-a- ? kaya’t kung ponema ang pag-uusapan, ang salitang laba ay may LIMANG PONEMA at kung titik ang pag-uusapan ito ay may APAT NA TITIK. PAKATANDAAN: Sa wikang Filipino, lahat ng salitang nagsisimula at nagtatapos sa patinig ay may isa pang ponema.
KARAGDAGAN... Kung TITIK ang pag-uusapan, binabasa ito ng pa-inlges, gaya ng salitang..... /baso/ binabasa natin ito ng /bi-ey-es-o/... Ngnunit, maliban sa ñ na binabasa ng pa-Espanyol. SAMANTALA.... Kung PONEMA naman ang pag-uusapan, binabasa ito ng pa-ABAKADA, kaya’t ang salitang.. /baso/ ay binabasa natin ng /Ba-a-sa-o/
TANDAAN... Ang titik at letra ay iisa lamang subalit tandaang iba na ang ponema. Ang ponema ay inirerepresenta ng titik. Kung gayon, malinaw na dapat na maunang pag-aralan ang mga makabuluhang tunog kaysa sa mga simbolong kinakatawan nito. Gaya ng nabanggit na sa dakong una, ang titik ay nahahati rin sa dalawa, ang patinig at katinig. Sa ibang salita, ang patinig ay tinatawag na bokablo (vowels) samantalang ang katinig ay konsonante (consonants)
TANDAAN... Ang TITIK ay binibilang ayon sa pisikal na anyo/letra nito, samantalang ang PONEMA ay binibilang ayon sa tunog nito.
“NG” bilang TITIK AT PONEMA Kung ponema ang labanan, ang “ng” ay dapat bigkasing “nga.” Kung titik naman, bibigkasin itong “endye.” Kapuwa iisa ang titik at tunog ng “ng.” Ang “ng” ay sinasabing matatag na ponema sa wikang Filipino. BAKIT? .....sapagkat kumakatawan ito sa iisang tunog bagama’t sa itsura ay dalawa. Ito rin ay hindi maaaring paghiwalayin.
“Paano malalamang di-hiwalay ang /ng/?” Kapag pinantig mo ang salita at hindi ito puwedeng paghiwalayin, ito ay /ng/. HALIMBAWA: Gaya ng “ba- ng a” kasi walang salitang“ban-ga.” Ibig sabihin, sa salitang “ba-nga” ay HINDI PWEDENG paghiwalayin ang /ng/, kaya’t mananatiling magkasama ang /ng/.
“Paano namang masasabi na hiwalay ang /n/ at /g/”? Kapag inalisan ng /g/ ang salita ay makatatayo pa rin ito ng mag-isa o may taglay pa rin itong kahulugan. HALIMBAWA: Gaya ng salitang “maraha ng sampal”, maaaring tanggalin ang /g/ sapagkat may salitang “marahan” Ibig sabihin, sa salitang “marahan” ay PWEDENG paghiwalayin ang /ng/ dahil mananatili pa rin ang kahulugan ng marahan at isa pa rin itong salita.
SUBUKIN NATIN ANG INYONG NATUTUHAN! Sa salitang “ abala ” Ilan ang bilang ng TITIK? LIMA! Ilan ang bilang ng PONEMA? ANIM
MAIKLING PAGSUSULIT 1. L ahat ng wika bago naisulat ay nabigkas muna , ito ay tinatawag na ________. 2. Ang wika ay nagmula sa mga tunog sa kalikasan o kapaligiran ayon kay Henry Gleason, ito ay ipinaliwanag ng teoryang __________. 3-4. Ano ang pagkakaiba ng usaping PONOLOHIYA at PONEMA? 5-6. Magbigay ng konkretong halimbawa na magpapaliwanag na makabuluhan ang isang ponema .
MAIKLING PAGSUSULIT 7-8 Ipaliwanag ang pagkakaiba ng Patinig at Katinig . 9-11 Ibigay ang tatlong dahilan kung bakit ang mga titik o letrang c, f, j, ñ , q, v, x, at z ay hindi kabilang sa katinig ng alpabetong filipino . 12-13. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng Titik at Ponema . 14. Itinuturing itong ponemang katinig sa Filipino bagama’t hindi ito nakikita sa Ortograpiyang Filipino, mahalaga pa rin ito sapagkat nakapagbabago ito ng kahulugan ng dalawang salita na pareho ang baybay.
MAIKLING PAGSUSULIT 15-30. Bilangin ang salita ayon sa hinihinging kategorya sa itaas . BILANG NG TITIK BILANG NG PONEMA 15-16. pagpaparaya __________ __________ 17-18. pinakamatalino __________ __________ 19-20. umaapaw __________ __________ 21-22. Maganda __________ __________ 23-24. masaya __________ __________ 25-26. umaasenso __________ __________ 27-28. karma ___________ __________ 29-30. upuan ___________ __________