MGA LAYUNIN: Nakikilala ang pagkakaiba ng gamit ng mga sangkap sa maayos na pagpapahayag ng saloobin, pagbibigay kahulugan, layunin at intensyon Napapahalagahan ang paraan ng pagbigkas ng mga salita ayon sa wastong diin, haba, tono at antala Nakapagbibigay paliwanag sa mga naging sagot sa bawat gawain bilang
P ANIMU L A: Sa al i nmang w ik a, mahal a g a ang mga tunog. Makabuluhan a n g mga tunog sapagkat napag-iiba-iba nito ang kahulugan ng salita. Bukod sa pagkilatis sa tunog, may iba pang paraan upang makilala ang kahulugan i n tens y o n , at saloobin ng salita o pah a y ag g a yu n di n a ng l a yun i n , ng nagsasalita.
Basahin nang wasto ang mga salita at pahayag batay sa bantas na ginamit. A. 1. Totoo? Maganda siya? Totoo! Maganda siya. 3. Mahal ka niya? Mahal ka niya. 2. Magagaling? Sila? Magagaling sila. B.1. May bisita tayo bukas? May bisita tayo bukas. 2. Ikaw ang may-sala sa nangyari? Ikaw ang may-sala sa nangyari.
Sagutin: Ano ang pagkakatulad ng mga pahayag sa A1 at A2? Ng mga pahayag sa B1 at B2? Paano naman nagkakaiba ang mga pahayag sa A1 at a2? Ng mga pahayag sa B1 at B2? Ipaliwanag ang kahulugan, layunin, sitwasyon, o saloobing nais ibigay ng bawat pahayag.
Pagpapayamang Pangkomunikatibo Sa pagsulat, makikilala ang kahulugan ng salita o pahayag sa tulong ng mga bantas tulad ng tuldok, tandang pananong, o tandang padamdam. Sa pasalitang pakikipagkomunikasyon, matutukoy ang kahulugan, layunin, o intensyon ng pahayag ng nagsasalita sa pamamagitan ng ponemang suprasegmental o ng mga tono, haba, diin, at antala sa pagbigkas at pagsasalita. Higit nitong napapalinaw o nadaragdagan ang kahulugan ng mga ponemang segmental na bumubuo sa mga salita. Tulad ng pag-awit, may tono rin sa pagsasalita: mababa, katamtaman, at mataas.
HALIMB A W A : 1 . 2 3_ ga 2. ta 3 la 2 1 la ta 1 ga 3. 3_ p on 4. 3 ha ha 2 ka 1 pon 2 ka 1
Bago ang talakayan, aalamin na muna natin ang ibig sabihin ng Ponemang Suprasegmental at ano ang pinagbubuhatan ng salitang ito upang lubos na maunawaan natin ang aralin. Ano ang ponema? Ano ang kahulugan ng suprasegmental? Ano naman ang ibig sabihin ng segmental? Mga gabay na tanong:
Alam mo ba na…. Ang Ponolohiya ay tumutukoy sa pag-aaral sa mahahalagang tunog na nagbibigay kahulugan sa pagsambit ng salita na nagpapabago sa kahulugan ng mga salitang halos magkakatulad ang kaligirang baybay. Sa Ponolohiya o palatunugan, lahat ng pamamaraan ay ginagamit sa pagsusuri at pag-aanalisa ng mga tunog sa maagham na paraan.
Ang ponema ay tumutukoy sa anumang yunit ng mga tunog o pagbigkas na naman ang taw a g sa taglay ang kahulugan samantalang graphemes pagsulat ng salita ayon sa tuntunin ng asimilasyon. Ponema ang tawag sa yunit ng tunog o pinakamaliit na bahagi ng wika na may kahulugang tunog. Makahulugang yunit ng tunog na nagpapabago sa kahulugan ng isang salita. Ito ay kaiba sa morpema na kun g saan ay tum u tukoy sa pina g sam a -sa m ang tunog upan g m a kabu o ng sal i t a . A ng morpema ay tinatawag na pinakamaliit na yunit ng salita.
Ang salit a ng “ Pone m a ” a y m ul a sa salit a ng G ri yeg o na “ P hone me ” na nangangahu l ugan g maka t uturan g tunog a t ng “ P h o n e ”na nangangahulugang salitang tinig (boses) na naaasimila sa wikang Filipino bilang Ponema. Ang segmental ay tinatawag na makahulugang tunog samantalang ang suprasegmental ay tinatawag na pantulong sa ponemang segmental na ang tinutukoy na ginagamit bilang pantulong ay ang tono (Pitch), haba (Length), diin (Stress), at antala (Juncture)
H a limbaw a : S a paglul u to nat i n ng Sinigan g B a boy , alin kay a dito ang maihahalintulad sa tunog o ponema?Alin ang pinakaprinsipal na sangkap o ang segmental at alin naman ang pantulong sa segmental o ang suprasegmental? Ang ponema rito ay ang sinigang, ang pinakaprinsipal na sangkap ay ang baboy o ang segmental at ang pantulong sa segmental o ang suprasegmental ay ang lahat ng mga rekados na nagpapasarap sa nilutong sinigang na baboy. Ibig sabihin, ang tunog ay hindi magiging maayos ang pagkakalahad ng kahulugan, layunin at intensyon kung wala ang mga pantulong sa pagbubuo nito na ginagampanan ng apat na suprasegmental: tono (Pitch), haba (Length), diin (Stress), at antala (Juncture)
PONEMANG SUPRASEGMENTAL Ito ay makahulugang tunog. Sa paggamit ng suprasegmental, malinaw na naipahahayag ang damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita. Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intension ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono o intonasyon, at antala o hinto sa pagbibigkas at pagsasalita. 1. Diin - Ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita. Ang diin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog o baybay, ang pagbabago ng diin ay nakapagpapabago ng kahulugan nito. -Maaaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
Mga halimbawa: a.) /BU:hay /=kapalaran ng tao /bu:HAY / = humihinga pa lamang b.)/ LA:mang/ =natatangi /la:MANG /= nakahihigit; nangunguna 2. Tono/Intonasyon – Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, makapgbigay-kahulugan, at makapagpahina ng usapan upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa. Nagpapalinaw ito ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit. Sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman, at mataas na tono. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman , at bilang 3 sa mataas. Mga Halimbawa: a.) kahapon = 213, pag-aalinlangan Kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahayag b.) Talaga Talaga = 213, pag-aalinlangan = 231, pagpapatibay, pagpapahayag
Antala/ Hinto- Bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolong kuwit ( , ), dalawang guhit na pahilis (//), o gitling ( - ). Mga Halimbawa: Hindi/ ako si Joshua. (Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Joshua na maaaring siya’y napagkamalan lamang na si Arvyl.) Hindi ako, si Joshua. (Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na ang kausap ay maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi siya ang gumawa kundi si Joshua.) Hindi ako si Joshua. (Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na ang nagsasalita ay nagsasabing hindi siya si Joshua.)
Karagdagang Kaalaman: = nangangahulugang hilaw pa ang tuno o hindi pa alam kung ano ang kahulugan ng salita = nangangahulugang luto na ang tunog, may taglay na itong kahulugan ? = tinatawag itong glottal stop o nangangahulugang sa pagbigkas ng salita ay waring may pumipigil sa hanging galing sa bunganga sa paglabas halimbawa: /SU:ka?/ =vinegar /BA:ga?/ = lungs / BA:ta?/ = child h = glottal fricative ay nangangahulugang sa pagbigkas ay malayang lalabas ang hangin mula sa bunganga halimbawa: /SU:kah/ = vomit /BA:gah/ = for instance, or for example (for explaining something) / BA:tah/ = robe, damit na sinusuot upang di malamigan
: = banayad na pagbigkas na siyang ginagamit sa pagtukoy sa haba sa pagbigkas ng salita . = ang kagyat na pagbigkas ng salita Halimbawa: / bu:hay/ = magiging mahaba ang pagbigkas sa bu kapag ang tinutukoy na kahulugan ng salita ay life / bu.hay/ = ay mabilis ang pagbigkas sa salitang bu at ito ay nangangahulugang humihinga pa. / pu:no?/ = tree / pu.no?/ = full / ta:nan/ = umalis nang walang paalam / ta.nan/ = nangangahulugang lahat sa Cebuano na tanggap na sa Filipino
Gawain : Sagutin ang sumusunod na mga halimbawa ng salitang may iba-ibang diin.Ibigay ang isinasaad na kahulugan nito. /BU:kas/= / bu:KAS/ = /LI:gaw/= / li:GAW/ = /GA:lah/= / ga:LAH /= 4./PU:la?/= / pu:LAH/ = 5./BU:koh/= / bu:KOH/ =
Mga kahulugan ng salita ayon sa diin. 1. /BU:kas/= tomorrow 2./LI:gaw/= _to court 3./GA:lah/= long sleeve shirt 4./PU:la?/= to criticize 5./BU:koh/= _coconut / bu:KAS/ = open / li:GAW/ = _ wild / ga:LAH /= palaboy / pu:LAH/ = _ red color / bu:KOH/ = being discovered
Pagsasanay 1: Bigkasin Mo Bigkasin at isulat ang kahulugan ng mga pares ng salita na pareho ang baybay subalit magkaiba ang bigkas. 1. / SA:ka/ - / sa:KA/ - 2. / BU:hay/- / bu:HAY/- 3. /ki:tah/ - / ki:TA?/- 4. /ta:lah/- /ta:la?/ - 5. /ba:lah/- /ba.la?/
PAGSASANAY 2: TONO Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag sa layunin nito.Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas. Isulat sa sagutang papel. Ka n i n a kanina mayaman ma y am a n ma g a l i n g ma g a l i n g kumu s ta k umusta Ayaw mo Ayaw mo = , pag-aalinlangan = , pagpapatibay, pagpapahayag = , pagtatanong = , pagpapahayag = , pagpupuri = , pag-aalinlangan = , pagtatanong na masaya = , pag-aalala = , paghamon = , pagtatanong
PAGSASANAY 3: DIIN Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na salita. Ipakita ang pagbabago ng kahulugan batay sa diin. Halimbawa : /SA:ka/ - bukid , /saKA/ at saka (also) 1. /BA:ba/ - /ba:BA/ - 2. /BA:ta?/ - / ba:TAH/ - 3. /BA:gah/ - /ba:GA?/ - 4. /LA:bi// - / la:BI/ - 5. /BA:sah/- / ba:SA?/ -
Mga Kasagutan sa pagsasanay 3: 1 . /BA:t a ?/ = chil d _ / ba: T a h / = r ob e _ 2./BA:gah/= ningas ng apoy /ba.GA?/ = lungs 3./LA:bi?/ = lips / la:BI? / = corpse 4./BA:sah/= to read / ba:SA?/ = wet _ 5./BA:ba?/= jaw / ba:BA?/ = _ go down
PAGSASANAY 4: HINTO/ ANTALA Basahin ang sumusunod na pahayag. Subukin kung anong mga pagkakaiba ng kahulugan ang maibibigay sa paggamit ng hinto at intonasyon. Hindi si Arvyl ang sumulat sa akin. Wrenyl, Matthew, Mark ang tatay ko. Hindi siya ang kaibigan ko.
P AG L A L AH A T Paano nakatutulong ang ponemang suprasegmental sa pagpapahayag ng saloobin, pagbibigay ng kahulugan, layunin at intensyon? Ipaliwanag.
Karagdagang Pagsasanay: A . Isulat ang wastong diin ng mga salitang nasa panaklong ayon sa wastong gamit nito sa pangungusap. 1. Dumating na siya k agabi na may dal a ng maraming . 2. Hindi nakadalo ang kanyang may lagnat ito. ( pala ) ( kasi ) ( dat i n g ) 3. matamlay na ang bata noong bagong pa lamang nito. ( sila ) 4. ay na ng malalaking Leon. ( lamang ) 5. Ako dapat ang maging sa amin. ( tabi ) ( taga ) ( yaya ) ( buso g ) ( puso ) po, maaari bang ta sa iyo? Ang lalaking probinsiya ay may sa kanyang mukha. Ang aming ay nag- nang mamasyal. Hindi ko magalaw ang aking sapagkat ako’y sobrang . An g pagpapaayos ng k ani l a n g a n g la g ing nasa k an y a n g .
B . Gam i t a ng natut u t una n, s u m u lat ng isang t a lata g amit a n g mga sal i t a ng magkakaiba ang kahulugan ngunit pareho ang kaligirang baybay nito. Kawastuan ng pagbabago ng diin Organisasyon ng ideya - - Mga Mungkahing Paksa: Ang Pagdiriwang ng “Buwan ng Wika” Paghahanda para sa Bakasyon Pamimitas ng Lanzones sa Gawisan Panliligaw ng Kabataan sa Bagong Henerasyon Sariling Piling Paksa Mga pamantayan sa Pagmamarka Kaangkupan ng mga salita sa kaisipan - 30% 30% 40% 100%