PONOLOHIYA (PONEMANG SEGMENTAL AT SUPRASEGMENTAL, MGA URI NG DIIN AT TULDIK).pdf
lermayvc
3 views
9 slides
Sep 07, 2025
Slide 1 of 9
1
2
3
4
5
6
7
8
9
About This Presentation
Istraktura ng Wikang Filipino
Size: 757.25 KB
Language: none
Added: Sep 07, 2025
Slides: 9 pages
Slide Content
Bahagi ng katawan na mahalaga sa pagbigkas ng
mga tunog
Isa sa antas ng pag-aaral ng wika ang ponolohiya. Ang
"pono" ay galing sa English na "phone" na
nangangahulugang tunog at ang “lohiya" na
nangangahulugang pag-aaral. Samakatwid, ang
ponolohiya/ponoloji ay pag-aaral ng mga tunog ng ating
wika. Ang mga tunog ay tinatawag na ponema â€" bilang
yunit ng tunog na nagpapaiba ng kahulugan.
Ponema ang tawag sa mga tunog ng ating wika. Ang
isang ponema ay masasabing makabuluhan kapag
nag-iiba ang kahulugan ng isang salitang kinabibilangan
nito sa pagkakataong mapapalitan ng ibang ponema.
Halimbawa, ang pasa at basa ay nag-iiba ang kahulugan
kapag pinalitan. Ang /p/ at /b/ ay mga makabuluhang
tunog.
Narito ang bahagi ng katawan na malahaga sa
pagbigkas ng mga tunog.
Uri ng Ponema
A. Mga Ponemang Segmental
Ang ponemang segmental ay pag-aaral sa mga tunog na
may katumbas na titik o letra para mabasa o mabigkas.
Binubuo ito ng mga patinig, katinig, klaster, diptonggo at
iba pa.
1. Ponemang Katinig
Ang mga ponemang katinig ay inayos sa dalawang
artikulasyon ang paraan at punto ng artikulasyon. Ang
paraan ng artikulasyon ay naglalarawan kung paano
pinatutunog ang mga ponemang katinig sa ating bibig.
Samantala, ang punto ng artikulasyon ay nagsasabi kung
saang bahagi ng bibig ang ginagamit upang makalusot
ang hangin sa pagbigkas ng isang ponema.
Ang sumusunod ay iba't ibang punto ng artikulasyon:
Panlabi
Ang mga ponemang /p/, /b/, at /m/ ay binibigkas sa
pamamagitan ng pagdiit ng ibabang labi sa itaas na labi.
Panlabi-Pangngipin
Ang mga ponemang /f/ at /v/ ay binibigkas sa
pamamagitan ng pagdidiit ng labi sa mga ngipin sa itaas.
Pangngipin
Ang mga ponemang /t/ /d/ at /n/ ay binibigkas sa
pamamagitan ng pagdiit ng dila sa likuran ng mga ngipin
sa itaas.
Panggilagid
Ang mga ponemang /s/, /z/, /l/ at /r/ ay binibigkas sa
ibabaw ng dulong dila na dumidiit sa punong gilagid.
Pangngalangala
Ang ponemang ñ/ at /y/ ay binibigkas sa punong dila at
dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala.
Panlalamunan
Ang mga ponemang /k/, /g/, /j/ at /w/ ay binibigkas sa
pamamagitan ng ibaba ng punong dila na dumidiit sa
malambot na ngalangala.
Glottal
Ang /?/ at /h/ ay binibigkas sa pamamagitan ng pagdidiit
at pagharang ng presyon ng papalabas na hininga upang
lumikha ng glottal na tunog.
Ang sumusunod naman ay mga paraan ng artikulasyon:
Pasara
Ang mga katinig na binibigkas ng pasarang walang tinig
at may tinig ay /p, b, t, d, k, g. ?/.
Pailong
Ang mga katinig ay binibigkas sa paraang dumadaan sa
ilong ang tunog kapag binibigkas. Ang mga katinig na
binibigkas na pailong ay / m, n, l /.
Pasutsot
Ang mga katinig na pasutsot ay /s, h/.
Pagilid
Ang mga katinig na pagilid ay /l/.
Pakatal
Ang katinig na pakatal ay /r/
Malapatinig
Ang mga katinig na malapatinig ay /w/ at /y/.
Mapapansin sa tsart ng katinig na naisama ang iba pang
tunog ng Wikang Filipino upang mapahalagahan ang
kontribusyon ng iba't ibang wikaing matatagpuan sa
Pilipinas gayundin ang mga banyagang wika na naging
bahagi na ng ating kultura at wika. Isa ito sa palatandaan
na ang wikang Filipino ay dinamiko dahil patuloy ito sa
pagbabago.
2. Ponemang Patinig
Ang ponemang patinig ay binibigkas sa ating dila na
binubuo ng harap, sentral, gitna at likod na bahagi. Ang
mga bahagi ng dila ang siyang gumagana sa pagbigkas
ng mga patinig na binibigkas ng mataas, gitna at mababa
ayon sa posisyon ng pagbigkas. Ang /a, e, i, o, u/ ay mga
patinig.
Mapapansin sa ibaba ang tsart ng mga ponemang
patinig sa Filipino.
Tsart ng mga Ponemang Patinig sa Filipino
3. Diptonggo
Alinman sa ponemang patinig na /a/, /e/, /i/, /o/, at /u/ na
sinusundan ng malapatinig na /w/ at /y/ sa loob ng isang
pantig ay tinatawag na diptonggo. Ang mga diptonggo
ay: aw, ay, ey, iw, iy, oy, ow, uw, at uy.
Halimbawa:
Ba-liw sa-baw rey-na
ba-hay ka-hoy ba-duy
Ang salitang saliwan ay walang diptonggo sapagkat
kapag pinantig ang salitang ito, nagiging sa-li-wan, ang
patinig na /i/ sa li/ at malapatinig na /w/ sa wan ay
naghiwalay.
4. Klaster (Kambal-katinig)
Ang klaster na maituturing na kambal katinig ay binubuo
ng dalawang magkasunod na katinig sa isang pantig.
Maaaring makita ang klaster sa inisyal, midyal at pinal na
pantig ng salita.
Samantala, hindi maaaring sabihing klaster ang digrap
na /ng/ na ang bigkas ay /?/ binubuo ng dalawang katinig
ngunit iisa ang bigkas. Maaari ring ito'y matagpuan sa
inisyal, midyal at pinal na posisyon sa salita tulad ng
nguso, ngayon, langoy, bangkay, gulong, at hirang. Ito ay
ibinibilang na isang ponema sa wikang Filipino kaya hindi
ito isinasama sa klaster.
5. Pares Minimal
Kasama sa pag-aaral ng ponemang segmental ang
pares minimal. Ito ay binubuo ng pares ng salitang
magkaiba ang kahulugan ngunit magkatulad na
magkatulad sa bigkas.
Halimbawa:
Pepe/pipi uso/oso
misa/mesa bata/pata
tila / tela pala / bala
6. Ponemang Malayang Nagpapalitan
Ang mga ponemang malayang nagpapalitan ay binubuo
ng pares ng salitang nagtataglay ng magkaibang
ponemang matatagpuan sa magkatulad na kaligiran na
di-nababago ang kahulugan. Kahit na nagpapalitan ang
mga ponemang ito, hindi pa rin nagbabago ang
kahulugan ng salita kaya tinawag itong malaya dahil
maaari silang magpalit ng posisyon.
Halimbawa:
marami/madami babae/babai
nuon/noon tutuo/totoo
B. Ponemang Suprasegmental
Ang ponemang suprasegmental ay tumutukoy sa
pag-aaral ng makabuluhang yunit ng tunog. Hindi ito
tinutumbasan ng letra sa halip ay sinasagisag nito ang
notasyong ponemik (phonemic) upang mabanggit ang
paraan ng pagbigkas.
1. Diin
Ito ang pagbibigay ng pansin sa pagbigkas ng isang
salita. Ginagamit dito ang simbolong /./ upang ipahiwatig
na ang bahagi ng salita ay may diin. Sa pagbigkas ng
mga patinig, pinahahaba ito kung binibigkas nang may
diin. Mahalaga ang diin sa pagbigkas dahil kung nag-iiba
ng pagdidiin sa pantig. nagkakaroon ito ng pagbabago sa
kahulugan.
Ginagamit ang tono kapag tinutukoy ang tindi ng
damdamin sa pagsasalita. Sa tono ng tagapagsalita,
malalaman ang kahulugan ng pahayag na kanyang
gustong sabihin.
3. Intonasyon
Nauukol ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa
pagsasalita na maaaring maghudyat sa kahulugan ng
isang pahayag. Ang punto naman ay tumutukoy sa
rehiyonal na tunog o "accent.”
Halimbawa:
Totoo ang sinabi niya. (Nagsasalaysay)
Totoo ang sinabi niya? (Nagtatanong)
4. Hinto/Juncture
Ito ang saglit na pagtigil kung nagsasalita. Sa
pangungusap, mapapansin ang bahagi kung kailan dapat
huminto ito ay sa pamamagitan ng kuwit (,) at tuldok (.).
Kung nakikita ang mga simbolong ito sa pahayag, dapat
alam ang paraan ng paghinto sa pagsasalita. Ang hinto
ay nakapagpapabago sa kahulugan ng pangungusap
kung nag-iiba ang hinto sa bahagi nito. Sa halimbawa sa
ibaba, ang / ay kumakatawan sa kuwit, samantalang ang
// ay kumakatawan sa tuldok, mapapansin nating
nagkakaroon ng pagbabago sa kahulugan kung nag-iiba
rin ang hinto.
Tito Jose Antonio ang kaibigan ko// (ipinakikilala ang
buong pangalan ng kaibigan niya)
Tito/ Jose Antonio ang kaibigan ko// (ipinakikilala sa
kanyang tito si Jose Antonio)
Tito Jose Antonio ang kaibigan ko// (ipinakikilala ang
kaibigang nagngangalang Antonio sa kanyang Tito Jose)
Tito Jose Antonio/ ang kaibigan ko // (ipinakikilala ang
kaibigan kay Tito Jose Antonio)
Mga Uri ng Diin at Tuldik
Sa pakikipagtalastasan, kailangan ang wastong
pagbigkas ng mga salita upang magkaunawaan ang
dalawang nag-uusap. Sa ating wika, maraming salita na
iisa ang baybay ngunit iba-iba ang bigkas.
Ang diin ay paglalaban ng bigat ng isang pantig sa
pagbigkas ng isang salita. Hindi lahat ng diin ay
nilalagyan ng tuldik o tinututuldikan. Ang iba't ibang uri ng
diin sa pagbigkas ay ang sumusunod:
1. Malumanay o banayad o malumay
2. Mabilis o masigla
3. Malumi o banayad na impit
4. Maragsa o bigla o mabilis na impit
5. Mariin o mabagal
6. Malaw-aw o paudlot
Upang maipakita ang iba't ibang bigkas, ginamit ang
tuldik. Ang tuldik ay mga pananda sa ilang uri ng diin sa
pagbasa ng mga salitang nakasulat o nakalimbag. Ang
bawat tuldik ay may diing kinakatawan o kinauukulan. Sa
anim na uri ng diin, tatlo lamang ang tuldik na ginagamit
na pananda tulad ng:
1. tuldik na pahilis (/)
2. tuldik na paiwa (\)
3. tuldik na pakupya (^)
Mahalaga ang palatuldikan sapagkat marami sa ating
wika ang mga salitang iisa ang baybay ngunit may
dalawa, tatlo o higit pa ang bigkas at kahulugan.
Uri ng Diin
Ang diin ay may mga uri tulad ng:
1. Salitang malumanay
a. Ang diin ay laging nasa ikalawang pantig ng
salita buhat sa hulihan; binibigkas ng banayad at
hindi tinutuldikan. Ito ay maaaring magtapos sa
patinig o katinig.
Halimbawa:
1. bunga 4. mayaman
2. halaman 5. mahirap
3. tao 6. aso (dog)
b. Ang bigkas ay di-nagbabago kahit gamitan ng
pang-angkop o panlapi.
a. Ang diing mabilis ay binibigkas ng pagbunton sa
hulihang pantig ng salita o nang tuluy-tuloy. Ito ay
maaaring magtapos sa patinig o katinig. Ang tuldik
na ginagamit sa salitang mabilis ay pahilis.
Halimbawa:
1. timpalák 4. lihá
2. panahán 5. Kulugó
3. batá
b. Lahat ng salitang-ugat na dadalawahing pantig
at nagsisimula o pinangungunahan ng isang
katning sa iy o sa uw ay binibigkas ng mabilis at
tinutuldikan.
Halimbawa:
1. iyák 4. buwán
2. niyón 5. siyá
3. uwáy 6. ala-ala
c. Lahat ng mga panghalip panao ay may diing
mabilis maliban sa mga panghalip na akin, tayo,
amin, naming, atin, natin na pawang malumanay.
Ang mga salitang dadalawahing pantig na magkasunod
ang dalawang katinig ay binibigkas ng mabilis gaya ng
aklat, daglat maliban sa minsan at pinsan na pawang
mariin.
Halimbawa:
1. akó 4. kanilá
2. ikáw 5. ninyó
3. inyó 6. nílá
d. Lahat ng mga katutubong tawag sa mga bilang
buhat sa isa ay panay na mabilis maliban sa apat,
anim, libo, yuta at angaw na mga malumay at ang
sampu at laksa na kapwa maragsa.
e. Titik na magkawangis na dadalawahing pantig
maliban sa oo na diing malumay.
Halimbawa:
1. paá
2. поó
3. libág
f. Salitang binubuo ng pantig na kabilaan na
magkawangis at magkasunod.
Halimbawa:
1. liwaywáy
2. ligamgám
3. Salitang malumi
a. Ang mga salitang malumi ay may tuldik na
paiwa. Ito ay laging nagtatapos sa patinig. Ang
diin ay nasa ikalawang pantig buhat sa hulihan
ngunit ang huling pantig ay may im pit kung
bigkasin. Walang malumi na iisahing pantig.