powe point presentation sa Photo essayPHOTO_ESSAY-pdf.pdf
ArleneGache2
12 views
8 slides
Sep 09, 2025
Slide 1 of 8
1
2
3
4
5
6
7
8
About This Presentation
Power point Preszentation sa Photo essay
Size: 1.89 MB
Language: none
Added: Sep 09, 2025
Slides: 8 pages
Slide Content
Photo essay
Layunin
Makilala ang mga
katangian ng
mahusay na photo
essay
01
Maibahagi nang
pasalita sa klase
ang isinulat na
photo essay
03
Makasulat ng
organisado,
malikhain, at
kapani-paniwalang
sulatin
04
Mabigyang
kahulugan ang mga
terminong
akademiko na may
kaugnayan sa photo
essay
02
Inaasahang magawa mong:
Lagi nang naririnig ang kasabihang ang isang larawan ay katumbas ng
sanlibong salita. Sinasabi nitong maaaring maipahayag ang mga
komplikadong ideya sa pamamagitan lamang ng isang larawan. Kaya naman
karaniwang kamangha-mangha ang resulta kapag pinagsama-sama at inayos
ang mga larawan. Ang pag aayos na ito ng mga larawan upang maglahad ng
mga ideya ay tinatawag na photo essay
Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya sa komunikasyon, partikular ang pag-
usbong ng mga smart phone at social media, ang popularidad ng photo essay
.Kahit sino ay maaari nang gumawa nito. Tumingin lang sa mga social media
site, Blog, at Web site ng iba't ibang organisasyon tatambad na ang sari-
saring sanaysay na may larawan. Ang ilan sa mga ito ay nang-aaliw at
nagbibigay ng impormasyon, samantalang ang iba ay nag-iimbita ng debate o
nagpapasidhi ng damdamin. Anuman ang layunin, may ipinahahayag na
mensahe ang photo essay
MAHALAGANG IDEYA
Sinasabing ang isang larawan ay
katumbas ng sanlibong salita,
ngunit maaaring higit pa sa
sanlibong salita ang katumbas
nito
Ano ang photo essay?
Ang photo essay ay koleksiyon ng mga larawang maingat na inayos upang
maglahad pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari,mag paliwanag ng
partikular na konsepto, o magpahayag ng damdamin Hindi limitado ang paksa
ng photo essay Maaaring ito ay serye ng mga imahen sa mataong bangketa,
magulong konsiyerto o tahimik at payapang bukirin.Maaaring ito ay tungkol
sa isang natatanging tao at mga kakaibang pangyayari.
Ang photo essay ay katulad din ng iba pang uri ng sasaysay na gumagamit ng
mga teknik sa pagsasalaysay Ang kaibahan lamang ay ang paggamit ng mga
larawan sa pagsasalay. May mga photo essay na gumagamit lamang ng mga
larawan. Ang iba naman ay binubuo ng mga larawang may maiikling teksto.
May mga nagsasabing photo essay ang isang sulatin kung ang kalakhan nito
ay teksto at samahan lamang ng ilang larawan. May iba namang nagsasabing
ang mga larawan dapat ang lumulutang sa anyong ito, hindi ang mga salita
Hindi katulad ng tradisyunal na sanaysay na nagpapahayag ng damdamin at kaisipan sa
pamamagitan ng mga salita, ang mensahe ng photo essay ay pangunahing makikita sa
serye ng mga larawan. Sa anyong ito, ang toga larawan ang pangunahing
nagkukuwento samantalang ang mga nakasulat na teksto ay suporta lamang sa mga
larawan. Gumagamit lamang ng mga salita kung may mga detalyeng mahirap ipahayag
kung larawan lamang ang gagamitin.
Paano maayos ang mga larawan sa photo essay?
Kung kronolohikal ang pagkukuwento sa sanaysay. kailangang kronolohikal din ang
ayos ng mga larawan. Halimbawa nito ang dokumentasyon sa buhay sa isang araw ng
lahandera o basurero. May iba namang inaayos ang mga larawan
Ayon sa damdaming maaaring pukawin nito. Ang larawang nagtataglay ng
pinakamataas na emosyon karaniwang inilalagay sa gitna o sa bandang hulihan. Ngunit
kadalasan, Ang pag-aayos ng mga larawan ay nakabatay sa kung paano nauugnay ang
isang larawan sa isa pa. Ang mahalaga, sa unang basa o tingin, kailangang malinaw
na kung ano ang mensahe
Kalikasan ng Photo Essay
Ano-ano ang mga kailangang isaalang-alang sa paglikha ng isang photo essay? Sa
pagbuo nito siguraduhing pamilyar sa pipiliing paksa. Kailangang alamin din kung
magiging interesado ba sa paksa ang magbabasa o titingin nito. Kung tungkol ito,
halimbawa, sa reunion ng inyong pamilya, o dokumentasyon ng isang sporting event,
hanapan mo ito ng ibang anggulo, Ipakita kung ano ang bago. Tandaan, ang mga
larawan ang tuon ng sanaysay kaya kailangan ng masusing pag paplano.
Mahalaga ding kilalanin kung sino ang mambabasa. Intensiyon mo bang ipabasa o
ipakita ito sayong mga kaklase, sa guro ,o sa mas malawak na publiko? Siguraduhing
madaling ma-access ng mambabasa ang ginawang materyal. Kung ang target,
halimbawa ,ang mga kaklase mainam kung maiuugnay nila ang kanilang mga sarili sa
piniling paksa. Maaaring hindi magtatagumpay ang photo essay kung gagamit ng
abstraksiyon sa presentasyon ng mga larawan
kailangang malinaw sa kung ano ang nais patunguhan ng photo essay. Bakit ka
gagawa nito? Ano ang iyong layunin? Gamitin ang mga larawan upang matamo ang
layunin ng proyekto. Kung ang layunin ay suportahan ang isang adbokasiya o
hikayatin ang mga mambabasa na kumilos, kailangang masalamin ito ng mga piniling
larawan
Pagbuo ng photo essay
kung ipagpapalagay na makatatayo nang walang suportang
teksto ang mga larawan, hindi na kailangan pang sumulat
ng maikling paglalarawan o paliwanag. Ngunit minsan ay
nakatutulong ang teksto sa pagpapayaman sa kahulugang
makukuha sa mga larawan. Sa pagkakataong ito, isulat ang
kasaysayan o background ng bawat larawan at ng iba pang
mahahalagang impormasyong hindi karaniwang makukuha sa
pagtingin lamang sa mga larawan. Gamitin ang pagsulat ng
teksto upang malinawan ang mambabasa.
Kailangan ding may kaisahan ang mga larawan sa photo
essay, Isaalang-alang ang consistency sa framing,
komposisyon, anggulo, pag-iilaw, o kulay maliban na lamang
kung may nais na idiing ideya o damdamin. Halimbawa, mas
matingkad ang kulay at matindi ang kontrast ng ilang
larawan kompara sa iba dahil nais na iparamdam ang
pagbabago ng tono.
Hindi nalalayo ang photo essay sa iba pang uri ng
sanaysay. Gumagamit ito ng mga teknik sa epektibong
paglalahad ng mga ideya at pagsasalaysay ng mga
pangyayari. Isinasaalang-alang dito ang tema,
organisasyon ng mga kaisipan, tono, target na
mambabasa, at iba pa. Ang kaibahan lamang ay ang
paggamit nito ng mga larawan na siyang pangunahing
pinagkukunan ng kahulugan sa isang photo essay.
Madalas na nating sabihing sanlibong salita ang
katumbas ng isang larawan, ngunit maaaring higit pa
rito ang kapangyarihan ng larawan.
MAHALAGANG pagkatuto