POWERPOINT PRESENTATION IN MAPEH Q2-W1.pptx

RoxanneDantisDelaCru 0 views 47 slides Sep 29, 2025
Slide 1
Slide 1 of 47
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47

About This Presentation

mapeh LESSONS


Slide Content

MAPEH(Music) Tono ng Musika QUARTER 2 WEEK 1 DAY 1

Tignan ng mabuti ang larawan .

1. Ano ang nakikita mo sa larawan ?  2. Nagpapakita ba ito ng pagtaasat pagbaba ng melodiya ?

Ang melodiya ay ang sunod-sunod na pahalang na pagkakaayos ng mga nota sa limguhit . Tinutukoy din nito ang tono o himig ng isang tugtugin o awitin .

Ito ay maingat at maayos na ginawa upang makapagbigay ng kaaya-aya at magandang tunog . Ang melodiya ay binubuo ng mataas at mababang tono o pitch. Mayroon ding katamtamang taas at katamtamang baba ng tono .

Tingnan ang senyas Kodaly sa ibaba. Ito ay nagpapakita ng pagtaas at pagbaba ng tono.

Pangkatin ang mga larawan sa ibaba . Ilagay sa Hanay A ang bagay o hayop na nagbibigay ng mataas na tunog at sa sa Hanay B naman ang nagbibigay ng mababang tunog . Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel .

Hanay A Mataas na Tunog Hanay B Mababang na Tunog

Tingnan ang mga larawan sa ibaba . Isulat ang MT kung nagbibigay ito ng mataas na tunog at MB naman kung nagbibigay ng mababang tunog . Gawin ito sa iyong sagutang papel .

Iguhit ang mga nota sa limguhit sa taas ng bawat salitang mataas , mas mataas , mababa , o mas mababa . Ang unang nota ang pagbabasehan para sa pangalawa , ang pangalawa naman ang pagbabasehan ng pangatlo , at ang pangatlo ang pagbabasehan ng pang- apat . Gawin ito sa sagutang papel .

Halimbawa :

Buoin ang talata sa ibaba . Piliin sa kahon ang tamang sagot . Gawin ito sa iyong sagutang papel .

Ang _______________ ay ang sunod-sunod na pahalang na pagkakaayos ng mga nota sa limguhit . Tinutukoy din nito ang __________ o himig ng isang tugtugin o awitin . Ito ay maingat at maayos na ginawa upang makapagbigay ng kaaya-aya at magandang tunog . Melodiya Pitch Tono Zoltan Kodaly boses

Ang melodiya ay binubuo ng mataas at mababang tono o ____________. Mayroon ding katamtamang taas at katamtamang baba ng tono . Ang pamaraang Kodaly na ipinakilala ni _____________________ ng Hungaria ay makatutulong upang lubusan mong makita a ng antas ng mga tunog gamit ang senyas ______________. Melodiya Pitch Tono Kodaly Zoltan Kodaly boses

Piliin sa mga meta strips ang tutugma sa mga notasyon sa ibaba . Isulat ang napiling meta strips sa bawat bilang . Gawing gabay ang sofa- silaba sa ibaba . Gawin ito sa sagutang papel .

Gámit ang larawan sa ibaba , isulat sa iyong sagutang papel ang sagot sa sumusunod na tanong .

1. Ano ang nota na mas mababa ang tono kaysa Re? 2. Ano ang kasunod sa notang MI na mas mataas ang tono sa kaniya ?

3. Ang notang Ti ay mas mataas sa notang La. Tama o mali? 4. Ano ang nota na mas mababa sa MI pero mas mataas sa Do?

5. Ang So ay mas mataas sa Fa. Tama o mali ?

MAPEH(Arts) Armonya sa Pagpinta QUARTER 2 WEEK 1 DAY 2

Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba , anong mga uri ng pagpipinta kaya ang mga ito ?

Sa araling ito ay inaasahang matalakay ang mga prinsipyo ng armonya (harmony) na makikita sa mga kulay ng tanawin sa kapaligiran , gayundin sa mga ipininta ng mga bantog na pintor .

Ang pagpipinta ay isang kasanayan ng pagpapahid ng pintura o kulay na pangguhit sa pang- ibabaw libo-libong taon na ang nakalipas . Ang gámit na pangguhit ay kadalasang inilalagay sa isang brush, ngunit maaari ding gamitin ang iba pang kagamitan tulad ng mga kutsilyo , espongha , at airbrushes.

Ito ang proseso ng paggamit ng pintura upang maipahayag ang mga kaisipan at emosyon . May iba’t ibang pamamaraan o teknik ang mga pintor upang makabuo ng sariling mga malikhaing sining .

Ang Harmony ay isang prinsipyo ng sining na makikita sa kulay , hugis , at testúra sa ating kapaligiran . Nagkakaroon ng armonya sa ipininta kapag kalugod-lugod sa paningin ang pagkakaayos ng mga kulay . Ito ay nalilikha sa pamamagitan ng paggamit ng mga kombinasyon ng mga kulay sa “color wheel.”

Ilan sa mga sikat na pintor na Pilipino ay pinahahalagahan ang mga likhang sining dahil sa estilo ng kanilang pagpipinta na kung saan ay kitang-kita ang prinsipyo ng armonya . Ang kombinasyon ng mga kulay , hugis , tekstura ay magkakaugnay , nagkakasundo at maganda sa paningin . Tingnan at siyasatin ang mga obra maestra sa ibaba .

Ipaliwanang ang iyong kasagutan . 2. Ano ang pamagat na maaari mong ilagay sa larawang ito ? Bakit?

Mag- isip ka ng tanawin na napuntahan mo na at iguhit mo ito . Maaari mong kulayan ng matingkad , mapusyaw , madilim , o maliwanag sa pagpipinta . Puwede kang gumamit ng water color, o kahit anong bagay sa pagpipinta . Gawing gabay ang rubrik sa ibaba . Gawin ito sa iyong sagutang papel .

Buoin ang talata sa ibaba . Gawin ito sa sa iyong sagutang papel . Ang _____________ ay isang prinsipyo ng sining na makikita sa kulay , _______ at testúra sa ating kapaligiran . Nagkakaroon ng armonya sa ipininta kapag kalugod-lugod sa paningin ang pagkakaayos ng mga ____________.

Ito ay nalilikha sa pamamagitan ng paggamit ng mga kombinasyon ng mga kulay sa ________________.

Gumuhit ng isang simpleng tanawin . Kulayan ito gámit ang komplementaryong kulay . Gawing gabay ang rubrik sa ibaba .

1. Lumabas ng bahay at magmasid sa iyong kapaligiran . Pagmasdang Mabuti ang halamang nais mong ipinta .

2. Ipinta ang halaman . Maaari silang magkakapatong sa larawan na ipipinta . Ang istilong overlapping o pagpapatong-patong ay makadaragdag ng kawilihan sa larawan .

3. Kulayan ang mga halaman ng pangalawang kulay at iba pang komplementaryong kulay para magkaroon ng harmony ang iyong ipininta .