Powerpoint presentation ppT1 text .pptx

MarieJoyPurificacion 17 views 12 slides Feb 28, 2025
Slide 1
Slide 1 of 12
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12

About This Presentation

Powerpoint presentation ppT1 text .pptx


Slide Content

Pangalan ng Guro: Asignatura: FILIPINO
Baitang at Seksiyon: Kwarter/ Bilang ng Linggo: Ika-apat na markahan,
ika-apat na Linggo
I. LAYUNIN 1. Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa Aralin 7: Hinuli ang
Ibong Adarna at ang kaugnayan nito sa tema ng sakripisyo.
2.Natutukoy ang bisa ng akda sa aspetong pangkaisipan,
pandamdamin, at asal batay sa naging karanasan ni Don Juan.
3.Naipapahayag ang sariling pananaw sa pamamagitan ng isang
debate tungkol sa sakripisyo para sa pamilya.
A. Pamantayang PangnilalamanNaipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa Ibong Adarna
bilang isang akdang pampanitikan na nagpapakita ng kulturang
Pilipino at pagpapahalagang pantao.
B. Pamantayang Pagganap Nakikilahok ang mga mag-aaral sa masining at malikhaing pagbasa,
pagsusuri, at pagpapahayag ng kanilang saloobin ukol sa mga
kaisipang nakapaloob sa akda.
C. Kasanayang Pampagkatuto
II. NILALAMAN
A. Paksa Aralin 7: Hinuli ang Ibong Adarna
B. Paksang Aralin OBRA MAESTRA: Ibong Adarna, (pahina 52-56)
III. SANGGUNIANG
PAMPAGKATUTO
A. Mga Sanggunian Libro ng Ibong Adarna interpretasyon nina Glady E. Gimena at Leslie
S. Navarro (pahina 21-26)
1. Sanggunian
Teacher's Session Guide Page
Learner's Material Page
2. Karagdagang mga Sanggunian
mula sa Learning Resources (LR)
Portal
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aral
IV. PROSESO NG PAG
KATUTO
1. Panalangin - Magsitayo ang lahat para sa
panalangin.
-(Lahat ay tumayo para sa
panalangin) Sa ngalan ng ama,
ng anak... Amen.
2. Pagbati - Magandang araw sa lahat!.
- Magsiupo na ang lahat.
- Magandang araw po Bb.
Purificacion. Magandang araw
mga kaklase.
- Salamat po!
3. Pagtala ng Liban - Sino ang Lumiban sa araw na ito?- Wala po.
A. Balik Aral (Review) -Bago natin talakayin ang bagong
aralin, balikan muna natin ang
nakaraang bahagi ng kwento.

- Sino ang pangatlong
nakipagsapalaran para hanapin
ang Ibong Adarna?
- Mahusay! Sino ang kanyang
nasalubong at ano ang nangyari sa
kanilang pagtatagpo?
- Magaling! Makabuluhan ba ang
pagtatagpo ni Don Juan at ng
ermitanyo? Bakit?
- TAMA! Dumako na tayo sa aralin
ngayong araw na ito.
- Si Don Juan po!
- Nakita po niya ang isang
ermitanyo na tumulong sa
kanya sa paghuli sa Ibong
Adarna.
- Opo, dahil tinulungan siya ng
ermitanyo kung paano
mahuhuli ang ibon at binigyan
siya ng mahahalagang paalala.
B. Pagganyak /Springboard
(establishing a purpose for the
lesson)
KAPAG NASA KATWIRAN,
IPAGLABAN MO!
Gawain: Debate – "Hanggang Saan
ang Sakripisyo?"
-Ngayong araw, pag-uusapan natin
ang sakripisyong ginawa ni Don
Juan upang mahuli ang Ibong
Adarna. Kaugnay nito, nais kong
marinig ang inyong opinyon
tungkol sa pangungusap na ito:
"Handa akong magsakripisyo para
sa aking pamilya kahit mahirapan
ako."
Sa ating debate, hahatiin ko kayo
sa dalawang pangkat:
- Unang Pangkat : "Walang
Hanggang Sakripisyo" Naniniwala
na dapat gawin ang lahat para sa
pamilya, anuman ang kapalit.
- Ikalawang Pangkat: "May
Hangganan ang Sakripisyo"
Naniniwala na may limitasyon ang
sakripisyo upang mapanatili ang
sariling kapakanan.
Panuto ng Debate:
1. Bawat pangkat ay magbibigay
ng kanilang panig batay sa
kanilang posisyon.
2. Bibigyan ng 2 minuto ang bawat
pangkat upang ipresenta ang
kanilang argumento.
3. Pagkatapos ng presentasyon ,
magbibigay ng kontra-opinyon ang
kabilang pangkat.
4. Ang guro at iba pang mag-aaral
ay magbibigay ng kanilang

obserbasyon at pipili ng mga
makabuluhang argumento.
-Naintindihan ba?
Makalipas ang 3minuto
- Handa naba ang lahat?
-Magsimula na tayo sa ating
debate!
-
Ano ang masasabi ng iba pang
mag-aaral? May nais bang
magdagdag ng opinyon?
- Ngayon, ano ang natutunan
natin mula sa debateng ito?
-Napakaganda! Ang ating aralin
ngayon ay tumatalakay sa
konsepto ng sakripisyo, kaya’t
maganda ang inyong naibahaging
pananaw. Ipagpatuloy natin ang
ating talakayan!
- OPO!
-Opo!
- Unang Pangkat: "Dapat handa
tayong magsakripisyo para sa
pamilya sapagkat sila ang ating
unang tahanan. Kung si Don
Juan ay hindi nagsakripisyo,
hindi niya mahuhuli ang Ibong
Adarna at hindi niya
matutulungan ang kanyang
ama."
- Ikalawang Pangkat: "Oo,
mahalaga ang pamilya, pero
dapat din nating bigyang-
halaga ang ating sarili. Kung
labis tayong magsasakripisyo,
maaaring tayo mismo ang
mapahamak. Halimbawa, si
Don Juan ay halos mapinsala
dahil sa kanyang sakripisyo."
(Pahihintulutan ang ibang mag-
aaral na magbigay ng kanilang
pananaw.)
- Natuto po kami na ang
sakripisyo ay mahalaga,
ngunit dapat din nating
timbangin kung ito ay
makabubuti o makasasama

sa atin.
C. Mga Gawain
(Presenting the new lesson)
Mix and Match
' Mayroon akong listahan ng mga
salitang matatagpuan sa akda.
Tukuyin ang tamang kahulugan ng
mga ito mula sa Hanay B.
HANAY A HANAY B
1. Nagnuynoy
2. Napaghulo
3. Pagkakadaop
4. Binusbos
5. Ipagsulit
(Pupunta sa harap ang mga
mag-aaral at isusulat sa pisara
ang sagot).
1. Nag-isip
2. Nabatid
3. Pagkakadikit
4. Sinugatan
5. Ibinalita
D. Pagsusuri
(Presenting examples/instances of
the new lesson)
- Ngayon ay hahatiin ko kayo sa
tatlong pangkat. Magbilang simula
isa Hanggang tatlo, ang may
magkakaparehas na numero ang
magkakagrupo.
-Hinati ko kayo sa tatlong pangkat.
Basahin ninyo nang malakas ang
nakatalagang saknong sa inyo.
- -Pangkat 1: Saknong 197-208
-Pangkat 2:Saknong 209-220
- Pangkat 3:Saknong 221-232
-(Magbibilang simula isa
hanggang tatlo ang mga mag-
aaral).
- Pangkat 1:
197. " Kaya, bunso, hayo ka
na't
ang gabi'y lalalimin ka,
ito'y oras na talaga
nang pagdating ng Adarna"
198. "Yumao na si Din Juan
sa Tabor na kabundukan,
nang maagang maabangan
yaong ibong kanyang pakay.
199. Dumating sa punongkahoy
na wala pa nga ang ibon,
kaya't sandaling nagnuynoy
ng marapat gawindoon.
200. Dapwa't hindi natagalan
ang ganitong paghihintay,.
at kanya nang natanawan
ang Adarna'y dumaratal.

201. Napuna pa nang dumapo
ang Adarna'y tila hapo.
kaya't kanyang napaghulong
ibo'y galing sa malayo.
202. Pagkalapag ay naghusay
ng kanyang buong katawan.
ang pagkanta'y sinimulan,
tinig ay pinag-iinam.
203. Ginamit na unang gayak
sa Prìnsipe'y nakabihag. P
kung malasi'y sadyang perlas
nagniningning sa liwanag.
204. Nagbago ng kanyang bihis
na lumalo pa ang dikit,
katugon nang inaawit
na malambing at matamis.
205. Natutukso nang matulog
si Don Juang nanunubok,
ang labaha'y dinukot
at ang palad ay binusbos.
206. Lamang gumiti sa balat
pinigaan na ng dayap,
sa hapdi'y halos maiyak
nag-ibayo pa ang antak.
207. Napawi ang pag-aantok
ahil sa tindi ng kirot;
Don Juan ay lumuhod,
agpasalamat sa Diyos.
208. Pitong kanta nang malut
Pitong ibong sakdal-dilag,
pito rin ang haging sugat
Don Juang nagpupuyat.
- Sinunod niya ang bilin ng
ermitanyo nagpunta siya sa
Piedras Platas, naghintay, at
naghandang huwag makatulog
sa pamamagitan ng pagsugat
sa kanyang palad gamit ang

-Ano ang naging paghahanda ni
Don Juan bago pa dumating ang
Ibong Adarna?
- Magaling!. Bakit mahalaga ang
pagsugat ni Don Juan sa kanyang
palad?
- TAMA!.Paano inilalarawan ang
Ibong Adarna sa mga saknong na
ito?
- Mahusay!
labaha at pagpahid ng dayap.
- Mahalaga ito dahil ito ang
nagpanatili sa kanyang gising.
Kung hindi niya ito ginawa,
malalagay siya sa panganib at
magiging bato tulad ng iba
pang nabiktima ng ibon.
- Ang Ibong Adarna ay
inilalarawang isang
mahiwagang ibon na may
kakayahang magpalit ng kulay
habang kumakanta ng pitong
beses. Ang kanyang tinig ay
malambing at kaakit-akit.
Pangkat 2:
209. Ang ibon ay nagbawas na
ugali pagtulog niya,
ang Prinsipe nang makita'y
inilagan kapagdaka.
210. Kaya hindi tinamaa't
naligtas sa kasawian,
Inantay nang mapahimlay
ang Adarnang susunggaban.
211. Kung matulog ang Adarna
ang pakpak ẩy nakabuka,
dilat ang dalawang mata
kayat gising ang kapara.
212. Nang sa Prinsipeng
matatap
tulog ng ibo'y panatag,
dahan-dahan nang umakyat
Sa pun0 ng Piedras Platas.
213. Agad niyang sinunggaban
sa paa'y biglang tinangnan
at ginapos nang matibay
ng sintas na gintong lantay.
214. Sa katuwaang tinamo
halos di magkantututo,

ang Adarna ay pinangko't
dinala sa Ermitanyo.
215. Magalak namang kinuha
ang nahuli nang Adarna,
hinimas pang masaya
nang ipasok na sa hawla.
216. Saka, anang Ermitanyo:
lyang banga ay kunin mo,
madali ka at sa iyo'y
merong iuutos ako."
217. "Punin mo ng tubig iya't
ang dalawang bato'y busan,
nang sa bato'y magsilitaw
ang dalawang iyong mahal."
218. Si Don Juan ay sumalok
ng tubig na iniutos,
at sa batong nakapuntod
đahan-dahang ibinuhos.
219. Si Don Pedro ay tumindig
at niyakap ang kapatid,
sa pagkadaop ng dibdib
kapwa sila nananangis.
220. Isinunod si Don Diego
na, nang muling maging tao'y
di mawari itong mundo
kung ang dati o nabago.
- Iniwasan niya agad ang dumi
ng ibon upang hindi siya
maging bato tulad ng iba.
Matapos nito, hinintay niya ang
tamang pagkakataon para
hulihin ito.
-Matapos makatulog nang
mahimbing ang ibon, dahan-
dahang umakyat si Don Juan sa
puno at sinunggaban ito sa paa.
Itinali niya ito gamit ang
gintong sintas upang hindi
makatakas.

- Ano ang ginawa ni Don Juan
upang hindi tamaan ng dumi ng
Ibong Adarna?
- Mahusay! Paano niya nahuli ang
Ibong Adarna?
- Ano ang ipinag-utos ng
ermitanyo kay Don Juan matapos
mahuli ang ibon?
- Magaling! Dumako Naman tayo
sa huling Pangkat.
- Inutusan siya ng ermitanyo na
kumuha ng tubig at ibuhos ito
sa dalawang bato upang
mapanumbalik sa pagiging tao
sina Don Pedro at Don Diego.
Pangkat 3:
221. Gaano ang pagtatalik
nitong tatlong magkakapatid,
bawat isa ay may sambit
ng sa puso ay pag-ibig,,
222 Lalo na nga ang dalawang
sa dalita' y natubos na,
anuman ang ialala
kay Don Juan ay kulang pa.
223. Wala silang mahagilap
na salitang matitimyas
0 anumang maitumbas
kay Don Juang mga hirap.
224. Ang kanilang pagsasaya y
di na hangad matapos pa,
danga't biglang naalala
ang maysakit nilang ama.
225. Kaya agad napatung
sa bahay ng Ermitanyo,
upang ipagsulit dito
ang ligaya nilang tatlo.
226. Sila nama'y inahinan
ng pagkaing inilaan.
bilang isang pagdiriwang
sa tagumlay ni Don Juan.
227.A!g piging nang matapos
na
Ermitanyo ay kumuha
ng lamang nasa botelya
lunas na kataka-taka!

228. Mga sugat ni Don Jua'y
magiliw na pinahiran,
gumaling at nangabahaw
walang bakas bahagya man.
229. Ngayon," anang
Ermitanyo,
"maghanda nang umuwi kayo,
magkasundo kayong tatlo't
wala sanang may maglilo.
230. Don Juan ay kunin mo na
ang marikit na hawla,
baka di datning buhay pa
ang inyong mahal na ama."
231.Nang sila ay magpaalam
ay lumuhod si Don Juan,
hiniling na bendisyunan
ng Ermitanyong marangal.q I'm
232. Ermitanyo ay naakit
sa gayong banal na nais,
nagsa-ama sa pag-ibig
sa anak ay di nagkait
- Sila ay nagyakapan at umiyak
dahil sa muling pagkabuo ng
kanilang pamilya. Nagpahayag
sila ng pagmamahal sa isa't isa.
- Ipinakita niya ang kabutihang-
loob at pagpapatawad. Sa
kabila ng lahat, hindi niya sila
pinabayaan at tinulungan pa
niyang bumalik sa pagiging tao
- Pinayuhan sila ng ermitanyo
na magkasundo at huwag
magkakanulo sa isa’t isa.
Pinagbilinan din si Don Juan na
dalhin agad ang Ibong Adarna
upang mapagaling ang kanilang
amang hari.

- Ano ang naging reaksyon ng
magkakapatid nang muling maging
tao sina Don Pedro at Don Diego?
- Tama! Ano ang ipinakita ni Don
Juan sa kanyang mga kapatid sa
kabila ng kanilang nagawang
kasalanan sa kanya?
- Magaling!. Ano ang payo ng
ermitanyo bago sila bumalik sa
kaharian?
- Ang kwento ni Don Juan ay isang
halimbawa ng tapang, tiyaga, at

sakripisyo para sa pamilya.
E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto
at Paglalahad ng Bagong
Kasanayan
(Discussing new concept and
practicing new skills; sub-activity
#2)
Think and Share (Isipin at Ibahagi)
- Alalahin ang isang pagkakataon
kung kalian kinailangan mong
maging matapang sa isang usapin.
Ibigay ang naging paksa ng usapin
at kung ano ang naging posisyon
mo hinggil dito.
-(Ipoproseso ang sagot ng mga
mag-aaral)
F. Paglalahat
(Making Generalizations about
the lesson)
- Ano ang natutunan natin mula sa
sakripisyong ginawa ni Don Juan?
-Natutunan po namin na ang
tunay na pagmamahal sa
pamilya ay may kaakibat na
sakripisyo, ngunit dapat din
tayong maging maingat sa mga
taong maaaring magtaksil sa
atin.
G. Paglalapat
(Developing Mastery)
- Kung ikaw si Don Juan, gagawin
mo rin ba ang pagsugat sa sarili
upang hindi antukin? Bakit o bakit
hindi?
- Opo, kasi kailangan kong
gawin ang lahat para
magtagumpay.
- Hindi po, kasi baka makasama
sa kalusugan ko.
H. Pagpapahalaga/Valuing
(Finding practical applications of
concepts and skills in daily living)
" Inggit ay iwaksi, pag-ibig ay
hayaang sa puso maghari."
I. Pagtataya
(Assessing Learners)
Panuto: Sa 1/4 na papel. Basahin
nang mabuti ang bawat pahayag.
Isulat ang "Ibong Adarna" kung
tama ang pangungusap at "Darna"
kung mali. Suriing mabuti ang mga
sagot bago ipasa.
1. Ang unang bilin kay Don Juan ay
umalis agad sapagkat lalalim na
ang gabi. (Ibong Adarna)
2. Dumating si Don Juan sa
punongkahoy habang nakadapo
na ang Ibong Adarna. (Darna)
3. Ang Ibong Adarna ay tila pagod
nang dumapo sa punongkahoy.
(Ibong Adarna)
4. Hindi nagbago ng kasuotan ang
Ibong Adarna habang kumakanta.
(Darna)
5. Upang hindi makatulog, ginamit
ni Don Juan ang labaha at piniga
ang dayap sa kanyang sugat.
(Ibong Adarna)
6. Pitong kanta ang inawit ng
Ibong Adarna, at pitong sugat din
ang natamo ni Don Juan. (Ibong
(Ipapasa ng mga mag-aaral ang
sagutang papel.

Adarna)
7. Nang makita ni Don Juan ang
Adarna, agad niya itong
sinunggaban nang hindi inaantay
na makatulog. (Darna)
8. Matapos mahuli ang Ibong
Adarna, dinala ito ni Don Juan sa
Ermitanyo. (Ibong Adarna)
9. Hindi muling naging tao sina
Don Pedro at Don Diego kahit
binuhusan ng tubig mula sa banga.
(Darna)
10. Sa huli, nagpaalam si Don Juan
sa Ermitanyo at humingi ng basbas
bago umuwi. (Ibong Adarna)
J. Kasunduan
(Additional activities)
- Basahin ang susunod na aralin:
Bumalik na ang Tatlong Prinsipe at
sagutin ang mga tanong.
-May mga katanungan ba?.
-Ipagpatuloy natin ang ating pag-
aaral. Huwag kalimutang gawin
ang takdang-aralin!
-Paalam, at Mag-iingat ang lahat.
-Wala po!
-Opo!
- Paalam din po!
Tags